"thank you sa paghatid."sagot ko kay Kyle.hinatid niya kasi ako sa bahay.
pagpasok sa loob ay nandito na sila mama.
anong meron at madaming handaan?para sa akin ba to?
"ma anong meron?"tanong ko kay mama.ayoko naman mag assume na para sa akin ito.
madaming nakalagay na pagkain sa mesa.at gusto ko agad kumain.
okay lang na kumain siguro ng madami dahil birthday ko naman.
"nakapasok si Hannah sa isang brand commercial at bukas ang shooting."sagot ni mama pagkatapos ilagay ang mga plato.
ahh ganon ba.akala ko ay para sa akin.
pero mabuti na ang ganun!masaya ako para kay Hannah.
"sumama ka bukas at ikaw ang gagawing Personal Assistant ni Hannah dahil ako ang magiging Manager.nakakahiya naman kung walang personal Assitant at mga bigatin ang makakasama niya doon."nagsalita ulit si mama.
hindi na ako umangal at pumayag na lang.baka ito din ang paraan para makatulong kay Hannah na makapag simula siya sa pag aartista.
madaming tao ang pumunta at mga kaibigan ito ni Hannah.hindi naman kami close ng mga kaibigan niya kaya nag dala nalang ako ng Pagkain namin ni Shawn sa kwarto nito.
nag eedit kasi siya ng mga video para sa mga costumer na nag hire sa kaniya for photoshoot.
dahil nga nag sstart din siya sa pag bavlog,nirecommend ko na gumawa din siya ng Facebook page para makapag enquire ang mga taong gustong mag hire sa kaniya.
nakakatuwa lang na madami ang nag hihire dahil magaganda ang ratings ng mga tao sa kaniya.
tsaka ko nalang siya reregaluhan ng bagong laptop kapag nakaipon na ako.pero mabuti nalang at nakakapag ipon din siya para sa pag aaral niya for Senior High school.
sinabi ko kasi na kung may kailangan siya ay sabihin niya lang at wag nang gastusin ang mga naiipon niyang pera para sa future ay pwede din niya magamit.
"Kelan ka aalis ate?"tanong ni Shawn.lumapit na ito sa akin dahil tapos na siyang mag edit.
he knows that i will leave soon.nung sinabi ko ay umiyak pa siya at gustong sumama dahil wala siyang kasama.
sinabi ko na nandiyan naman si mama pero sabi niya ay nakatutok ito kay Hannah at totoo iyon.
"tatapusin ko lang ang school year na ito.kapag nakapasok ako ay mag vivideo call tayo kapag pwede.mamimiss ka din ni ate."nakangiti kong sabi sa kaniya.
"kapag natupad ang pangarap mo ay wag mong kakalimutan ang taong kasama mo simula nung una hah?"sabi niya.tumango ako sa kaniya bago kumain ulit.
malapit na pala.ilang buwan nalang at aalis na ako.kalahati nalang at matatapos na ang school year.
after namin mag kuwentuhan ni Shawn ay bumaba na ako at natulog.
pag gising ay nag ayos na ako kaagad.nagpaalam na ako sa manager kung pwede akong mag leave dahil nga sa sinabi ni mama.
kailangan ay maaga kami dahil nga nag cocommute kami at malayo ang manila.
pagkatapos maligo ay nag bihis na agad ako.nagsuot lang ako ng White sando at pinatungan ko ng Black na longsleeve polo.hindi ko na binutones para makita ang top na suot ko.
for the bottom,i just wore ay Black leggings short at nag high cut sneakers nalang.
pagbaba ko ay nakita ko na sila mama na nakabihis na din at may dalang maleta.

BINABASA MO ANG
PURSUING OUR DREAMS
RomanceSapphire wants to become a kpop idol but because of her insecurities,a lot of people are bodyshaming her. but she has a bestfriend who named Kyle who supports her since day one.