Hello! eto na ang update ko ft game 3! grabe sobrang saya na lungkot! Ang dami ko din nakita at nakilala! sobrang hyper talaga namin eh!
Please read the foot note.
Eto naaa....
--------------------------------------------------------
CHAPTER 5
-KATH-
2 weeks….
2 weeks simula nung naging personal stylist ako ng isang Daniel Padilla. Sa loob ng 2 weeks na yon, walang araw na hindi kami nag-away.
Minsan nagaaway kami dahil pagod sya…
“DJ! Ano ba! Imemorize mo na nga yung script mo!” pangungulit ko sa kanya dahil kinukulit na ako ni Ms Nina na gisingin si DJ.
Natulog nga kasi ako sa van nya at laking gulat ko, nandun ako sa bed-like nya sa likod ng van tapos sya nandun sa upuan. Nagulat nga ako eh, akala ko binuhat nya ako. Malay mo si Kuya Romeo yun.
At kung bakit sakin sya pinapagising? Ewan ko din eh. Sabi nila takot daw lahat sa kanya pag gigisingin na. Si Julia Baretto pa lang daw nakagising sa kanya na walangnangyaring masama after nun. Pero ewan ko na lang ngayon sa akin.
“DJ! Ano ba! Gising na, uuwi pa ako oh!”
“……”
“DEEEJAAAAAAAAAAAAAAAAAYYYY-----------------“
“KATHRYN ANO BA ANG INGAY-INGAY MO!”
“ARAY!!!” bumangon kasi sya eh maliit lang yung space. Nakaupo kasi ako sa hinihigaan nya. Napaatras ako nung bumangon sya kaya ayun, nauntog ako.
“H-Hoy! A-anong nangyari sayo?!”
“WALA!. MAGMEMORIZE KA NA! UUWI NA AKO!”
“Grabe kakagising ko lang trabaho agad? Pagod ako. Mamayang konti na lang!”
“Bahala ka. Uuwi na ako.”
At yung latest? yung mga pinapasuot na damit…
Ininstruct na ako ng BUM about sa clothes na ipapasuot sa kanya. Binigay na lahat ng styles and ako na daw bahala mag match.
Prinepare ko na ang 3 wardrobes ni DJ hinihintay ko na lang sya kasi galing pa sya sa isang Mall show. Di na ako sumama dahil antok na antok ako.
“Nasan na damit ko?”
Napatayo ako sa pagkakaupo dahil bigalng bumukas ang pinto at linuwa nya ang isang Daniel Padilla na gulong-gulo ang buhok at may kissmarks pa. OMG HAHAHAHAHA.
“Ayan, yang tatlo yung susotin mo. Bahala ka na kung ano gusto mong suotin. By 5:15 mag start yung photo shoot. Yun lang.”
Binusisi nya yung mga damit na inayos ko tsaka humarap sa akin. Parang galit na galit yung mukha nya.
“Stylist ka ba talaga?”
“Malamang, kaya nga stylist mo ako eh.”
“Bakit ganyan ka pumili ng damit? Kathryn naman! Ang je-jejemon ng mga pinapasuot mo sa akin!”
Ilang beses na nya sinasabi sa akin to. Ilang beses na din nya akong pinapagalitan. Aba anong magagawa ko? Inuutusan lang ako eh.
“Alam mo, hindi talaga kita gets. Yung mga pinapasuot ko sayo hindi naman nalalayo sa fashion mo eh. I don’t get your point kung bakit mo akong pinapagalitan. Ayaw mong suotin? Edi wag! Bahala ka, hindi ko talaga maintindihan kung bakit pinupuri ka lahat ng kabataan. Nabubulag lang siguro sila sa appeal mo. Pero yung tutoo? Ang sama-sama mo! Bahala ka na dyan!”
BINABASA MO ANG
His Stylist, Her Prince.
FanfictionMeet Kathryn Bernardo. Isang 18-year-old girl na nabigyan ng task na maging "Temporary" Stylist ng isang Daniel Padilla. Meet Daniel Padilla. Isang 19-year-old-actor na ayaw pinapakialaman. Ano kaya ang mangyayari sa kanila? From Enemies to Friends...
