CHAPTER 34-- DANIEL'S SIDE

1.8K 32 4
                                    

-DANIEL-

Nagising na naman ako sa tunog ng maingay kong alarm clock.

Agad akong bumangon kahit na ayaw ko pa dahil puyat na puyat na ako pero pinilit ko.

Agad na akong naghanda para sa isa na namang mahabang araw.

Lumabas ako ng bahay at pumasok ako sa van. Agad ko naman nakita si Tita Nina.

“Okay DJ, Photoshoots tayo ngayong araw. 3 photo shoots. For BUM, Bench and Chalk magazine. At recording session ka rin today kay Rox with parking 5 for your upcoming album.”

I just nodded na para bang alam ko ang mga sinsabi niya.

“May rehearsals ka rin mamaya sa ASAP para sa Sunday---“

“Tita…”

“But DJ kailalangan lang talaga para sa Album promo. Please?”

Bumuntong hininga na lang ako. Wala na rin naman akong choice eh.

Sa loob ng tatlong buwan, iniiwasan ko talaga na magkaron ng TV exposures. Mas lalo na ang mga Mallshows at get together.

Hindi pa akong handang harapin sila, lalo na’t alam ko na sila ang dahilan kung bakit lumayo sa akin si Kath.

Sa loob ng tatlong buwan, parang routine lang lahat ng ginagawa ko. Gigising, Magtatrabaho, Kakain, Matutulog.

Madalang na lang kaming mag-hang out ng ka-banda ko dahil nga lagi akong wala sa mood.

I may be physically alive, but not emotionally

Tatlong buwan na akong walang social life. Hindi na rin ako nagopen ng kahit na ano pang social networking sites.

Alam ko na ang lahat ng nangyari kung bakit Kath came up with that decision. Julia told me once.

Oo nung una nagalit ako sa kanya dahil napakababaw na dahilan yon. Pero di nagtagal, naintindihan ko siya. Nasaktan siya at gusto niya lang ang best para sa akin.

Hindi ko naman kayang talikuran ang mga taga-hanga ko dahil sila ang dahilan kung bakit hanggang ngayon nandito pa rin ako.

Alam ng mga taong malapit sa akin ang mga pinagdadaanan ko kaya naman no one dared to talk about this issue. Maging si Mama or mga kapatid ko. Si Ms Nina din kunwari na lang hindi niya alam ang tungkol dito.

Hindi na rin ako nakakangiti sa sakin na dinadala nito sakin. Maging ang press ay nahihiwagaan na sa mga kinikilos ko kaya naman iniiwasan ko talagang tumagal sa labas ng bahay.

“DJ nandito na tayo.” Sabi sakin ni Ms Nina

Bumaba ako agad at sinundan na lang siya. Wala akong pakialam sa tao. Basta matapos lang tong trabahong to.

Minsan naisip ko rin na, bakit hindi na lang mag-suicide? Pero agad pumasok sa isip ko ang Chances. Bakit ko ba tatapusin ang buhay ko kung may ilang milyong pagkakataon pa na maging mag-kasama kami ulit?

Kaya naman araw-araw, pinagdadasal ko na mag-krus ang landas naming ulit ni Kath. At sa pagkakataong yon, hindi ko na sasayangin ang mga oras na magkakasama kami.

----------------------

 Nandito na kami sa photoshoot ng Bench. Natapos na yung sa BUM at medyo okay naman ang nagging kinalabasan. I made them happy but not myself.

Nakaupo ako habang minemakeup-an ngmga makeup artists dito. Poker face as usual.

“Daniel, nandito na stylist mo.”

My mood lightened up when I heard that. Si lang naman last stylist ko. Wala namang nababanggit na naghahanap sila ng bago.

So possible. Possible na bumalik si Kath. Binalikan ako ni Kath.

Umalis naman kaagad yung nagmemakeup sakin. Tulala pa rin ako hanggang ngayon? Tutoo ba to?

Narinig kong bumukas ang pinto.

“Stylist mo to.”

Agad ko siyang nilingon…

Pero uli, bigo ako. Ibang stylist pala ito.

“Oh bakit ganyan ka makatingin? Ayaw mo sakin? Ayoko rin sayo hoy!”

Parang siya lang, kaugali pero hindi siya at malayong maging siya.

“Ganyan mo ba itrato ang amo mo?”

“Wow ang taray! Edi sorry!”

“Ano ba ang pangalan mo?”

“Ako si Aria. At hindi ko gusto ito kung di ang dahil sa pamilya ko. Kaya tumayo ka na dyan at mag-bihis!”

“Ikaw pa ang may ganang mag-utos? Bakit di ka na lang mag-resign?”

“Kasi nga kailangan kong kumita!”

“Edi mag-hanap ka ng ibang pagkakakitaan!”

“Kung pwede lang sana, kaya lang wala eh! Dito ako dinala ng tadhana, hay malas naman.”

Lalabas na sana ako para mag-sumbong kay Tita Nina kaya lang agad niya akong pinigilan sa braso

“Hep, hep, hep! Oo na, sorry ulit di na ko magtataray.”

Tumalikod din agad siya at nag-hakot ng damit tapos nilapag niya sa upuan tsaka ako hinarap ulit.

“I don’t like you.” Sabi ko sa kanya

“Sino ba gutso mo? Yung dati mong stylist?”

Hindi ako nakasagot. Pero Oo, siya. I want her back

“Kung oo, gumawa ka ng paraan. Suyuin mo, Haranahin mo, ganon! Hindi yung nagmumukmok ka diyan tapos rerekla-reklamo ka na ayaw mo sakin.”

Kahit galit ang tono ng pananalita niya, tama pa rin siya. Oo nga, if I want her back, I should make a move.

Good things come to those who wait but best things happen to people who do.

“Pero kelan?”

Bago pa siya sumagot, bumukas ang pintuan at nakita ko si tita Nina na nakatingin na naman sa iPad niya.

“DJ, Mall show on October 26, 2013. 3pm…..

….SM Pampanga.”

 --------------------------------

His Stylist, Her Prince.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon