CHAPTER 21-- Birthday Concert

2.3K 42 2
                                    

-CHAPTER 21-

April 30, 2013

Maagang nagpunta si DJ sa Araneta dahil mayroon pa silang general rehearsals. Hindi sabay dumating si Kath at DJ dahil hindi na ginising ni DJ si Kath. Gusto na lang niya magpahinga ito. Kaya ang kasabay niya ay si Julia.

Syempre dahil na rin sa closeness ni Julia at DJ, hindi na rin maiwasan na maging sweet sila.  Dahil sa pagiging sweet na yon, hindi napigilan ng ibang staff na magtake ng pictures at ipost sa twitter na naging dahilan ng pag-gising ng diwa ng JulNiel fans.

“Grabe DJ, lakas talaga ng tama nila sa inyo no?” pagpupuna ni Ms. Jinky habang nagkaron sila ng quick break from practice

“Hindi naman. Sadyang di lang kami plastic” sabi ni DJ sabay akbay kay Julia

“Oy oy oy! May magseselos!” sigaw naman ni Seth na nasa likod nila habang nagchihill lang.

“Ay oo nga pala. Sorry.”

“Uhm DJ, wala bang sinabi sayo si Kath about sa sinabi ko sa kanya few weeks ago?” Sabi ni Julia

“Wala naman. Bakit ano ba dapat kong malaman?”

“That girl. Sabi ko sa kanya wag akong pakitaan ng attitude niya! Alam mo ba na lagi niya akong tinatarayan, tinitignan from head to toe?”

Nabigla si Dj sa narinig mula kay Julia. Si Kath? Malabo naman yatang gawin niya yun. Mabuting tao si Kath

“Atsaka sabi niya sakin layuan daw kita dahil nakakasira daw ako ng relasyon. And sabi ko naman sa kanya na siya dapat yung lumayo, ako na nga concerned sayo siya pa nagagalit.”

“Sigurado ka bang sinabi niya lahat ng yan sayo?”

“You know we too well DJ. I don’t lie. And you know what? Tuwing ka sa tabi mo, I see her with random boys. Ang sweet sweet pa nila sobra!”

“Sige sige, kakausapin ko na lang siya.”

-----------------------------------------

6pm na at kadarating pa lang ni Kath sa venue. Higal na hingal siyang dumiretso sa dressing room ni DJ at iniwan ang mga damit niya sa rack tapos lumabas siya ulit para samahang pumila ang kapatid niya.

“Jean, Nicole ano okay lang kayo?”

“OMG ate we are so excited! Sayang nga lang hindi pinayagan yung iba. Mangiinggit na lang kami! Wahahaha!!!”

“Oo na, osige papasok na ako ha? Bawal kasi talaga kayo sa backstage. Bantayan niyo isa’t isa ha?”

Matapos ihatid ang kapatid niya, pumasok ulit siya sa backstage para puntahan si DJ. Pagkapasok niya sa dressing room ni DJ, nakita niya ito. Nakatingin sa kanya ng sobrang seryoso.

“Uhm, Hi.” Awkward na sabi niya

“Bakit ngayon ka lang? Late ka na ha?” sa sobrang cold na pagkasabi niya pwede ka nang magfreeze ng sandamakmak na ice candy

“Uhm kasi hinatid ko pa sina Jean sa may pila.”

“Ikaw lang mag-isa o may kasama ka pang ibang  lalaki?”

“Ano ba namang tanong yan DJ?”

“Hindi ba tutoo Kath? Na tuwing hindi tayo mag-kasama may ibang lalaki kang kasama?”

His Stylist, Her Prince.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon