CHAPTER 16-- Birthday Bash ni Baba

3.5K 35 3
                                        

-CHAPTER 16-

Maagang umalis sina Roselle, Daezen, Gabby, Miles, Mariko, Jem at iba pang mga friends ni Kath papuntang Subic. Sobrang excited ng lahat nakalimutan nilang kumain.

"Girls, kain muna tayo ha?" Sabi ni Kath

"Ayan kasi girl, excited ka masyado. Mababatukan kami kay DJ nyan eh." Sabi naman ni Daezen

"Eh pabayaan nyo siya, basta stop over muna tayo ha?"

Lahat sila nag-agree. Nagstop sila sa unang nadaanan nilang fastfood. Nagorder sila ng makakain at nagusap-usap

"So Kath, ano nang meron sa inyo ni DJ?" nakakalokong sabi ni Roselle

"Ha? Bakit naman yan ang tanong niyo?" Kath

"Eh bakit? Di mo masagot? Kayo na ba?" Daezen

"Hindi pa nga! Nanliligaw lang." Kath

"Ahhh, nanliligaw pa naman pala. Eh kelan mo balak sagutin?" Miles

"Hmm, siguro pag naka 100 million na ako sa temple run. Aish! Ano ba naman yan! Bakit ba ako ang topic" Kath

"Eh birthday mo bukas eh. Ate?" Gabby

Masaya silan nag-usap at nagtawanan. Hindi na sila Awkward sa isa't-isa.

Samantala, ang mga boys naman ay paalis pa lang sa Manila. Late kasi silang natulog, kaya late din nagising. Nag-sleep over kasi sila kina DJ kaya ayan, naging over lang at wala nang sleep

"Hoy DJ! Tigilan mo nga ako!" Sigaw ni Taboy dahil kinukulit siya na picturan daw siya

"Taboy naman eh! Dali na, sandali lang naman eh." Pagmamakaawa ni DJ

Walang nagawa ito kundi picturan para makatulog siya ulit ng maayos

"DJ, ano ang pasabog mamaya kay Kath?" Lester

"Aba'y Secret! Mamaya ko na lang sasabihin baka madulas kayo kay Kath. Lalo na ikaw Emps!"

Nang kumalma na ang lahat, denial naman ni Dj ang kaibigan niya..

"Hello? Oh pare? Mamaya ha, pakideliver na lang. Kahit ano basta yung pinaka bongga. Sige salamat!" sabi niya at inend ang call.

Napatingin ulit siya sa phone niya, 12 pm na pala. Yung Battery life niya 5% na lang. pinabayaan niya na lang yon at natulog ulit.

----------------------

Unang nakadating ang mga girls sa resort at nagpicture-an muna, pero si Kath talagang ingat na ingat sa mga ipapalabas na pictures. Ayaw niya kasing ma-issue siya or si DJ kaya as much as possible, puro group shots na lang.

3pm na pero ni isang text o tawag mula kay DJ ay wala siyang natatanggap.

"Nasaan na ba kasi sila?" tanong ni Kath sa mga kasama niya

"Ikaw nililigawan, hindi mo alam kung nasan?" Sabi ni Miles na medyo niloloko si Kath

"Hindi nga kasi ako tinetext eh! Paano ka malalaman?"Naiinis na sagot ni Kath

"Hahahahahaha! Chill Ate Kath, Nag-grocery lang sila." Sabi ni Gabby

"Wag mo nga akong tawaging Ate! Bahala sila, matutulog muna ako." Sabi ni Kath at dumiretso sa kwarto nila at natulog. "BADTRIP!"

Ilang minute pa, dumating na ang boys at agad-agad naman nilang linapitan ang mga ka-paertner nila maliban na lang kay Lester, Seth, Tabs at Francis. Si DJ dumiretso sa kitchen at naghanap ng makakakain.

"Asar naman oh! Bakit ba kasi hindi sinabi na required yung couple? Edi sana pinilit ko si Anikka!" Nagmamaktol na sabi ni Seth habang bitter kay Kats at JC

His Stylist, Her Prince.Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon