CHAPTER 8-- I'm hurt

3K 47 1
                                        

Hello guys! alma nyo ba natype ko itong update na ito kasi magsasayaw ako ng cheerdance bukas at napagisipisp ko na magtype para mabawasan ang kaba, HINDI NAMAN EFFECTIVE!

Hay ewan. basta goodluck na lang sa akin

(sorry sa typo errors)

-----------------------------------------------------------------------------

CHAPTER 8 (CEBU part 1)

-DANIEL-

Nagising ako dahil ginising ako. Langya naman oh. Hindi ko pa talaga nababawi ang tulog ko. Natapos nga ang Princess and I, may movie pa naman kami.

“DJ! Ano ba! Tumayo ka na dyan!” at paano ba naman ako matutulog kung lagi akong iniidtorbo ng aking magaling na bestfriend na walang ginawa kundi putakan ako ng putakan.

“DeeeeJaaaaayyyyy!!!!!!” napatakip ako sa tenga ko dahil ang lakas ng boses nya.

“Oo na! Oo na! Eto na gising na!”

“Mabuti naman! Alam mo, kung di lang kita bestfriend, kanina pa kita iniwan dito!”

Napatingin naman ako sa paligid ko at nakita ko na kami na nga lang ang tao dito

“Halika na! Bumaba ka na tayo!”

“Ikaw ha! Napapansin ko lagi kang galit sa akin!”

“Eh bakit ako magseselos sayo?”

“Sabi ko GALIT. Hindi SELOS. Ikaw haaaaa…”

“H-ha? A-ano, Bumaba na nga tayo! Hinihintay na tayo nila Tita!”

“Alam mo Babe, Kung magartista ka na lang kaya para matuloy yung Ka---“

“ANONG BABE?!”

“Shhhh!!!! Ingay naman eh!”

Bangayan kami ng bangayan ni Kath habang lumalabas. Kaya lang napatigil ako dahil sa nakita ko.

“Oh My Gosh.” Sabi naman ng aking kasama.

“OH MY GOSSSSSHHHH! SI DJ AT SI BEBE GIRLLL!”

“WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHH!!!! KATHNIEL FOREVERRRR!!!!!”

Napatawa na lang ako. Nakita ko ang malaking tarp ng KathNiel Cebu Chapter. Akalain nyo yun? In the span of 3 hours, nagkafansclub na kami ni Kath ditto sa Cebu?

Eto naman kasama ko, nagtatago sa likuran ko.

“Kath! Sikat ka na!”

“Manahimik ka nga dyan! Nasaan na ba yung Van mo?”

“Eto naman! Ientertain mo muna yung mga fans mo! Siguro buong araw na silang nakatayo dyan tapos hindi mo man lang sila papansinin?!”

“Eh bakit di na lang ikaw?!”

“KAAATH! KAATH! Papicture please!”

“Bebe girl! Sawa na kami sa picture ni Pads! Ikaw muna please! Please!”

“Ikaw kasi ang gusto?”

Ngumiti si Kath sa mga “fans” naming duon tsaka inayos yung suot nyang salamin. Pagkatapos nun, dumating na din ang van ko tapos dali-dali syang sumakay.

“Ikaw ha! Paano napunta sayo salamin ko?”

“Wala akong magawa kanina eh.”

“Eh bakit naman nahihiya ka sa labas kanina?”

“Ewan.. Di ako sanay no.”

Nginitian ko sya tapos niyakap ko.

“Eto naman! Masanay ka na Babe! Sa araw-araw tayong magkakasama, kokota ang ‘KathNiel’ sa BTS pictures!”

His Stylist, Her Prince.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon