Hello guys! ALAMNYOBAMAYDANIELPADILLAJRNA! Pero joke lang yun. hahahaha. KathNiel sa Hongkong? alam naaa!
Anyways, nanood na ako ng sisterakas with friends and super ganda nya. Nakapagcamcord panga ako eh. ang bait ko talaga!
Manood kayo ha?
Basa na!
-------------------------------------------------------------------------------
-KATH-
Ngayon ang araw ng pagluwas ko. Pinahatid ako ni Mama sa manila dahil tamad akong magdrive at magcommute. Si Jean naman, sumama din. Magbabakasyon muna sya dito sa Manila tutal wala namang pasok eh. Christmas vacation nya.
“Adik sayoooo, ooohhh” kanta ni Jean. Kanina pa sya.
Simula ng makaalis kami sa Pampanga, sinalang na nya ang 1st ever alum nung kanyang crush. Alam nyo ba, sya ang unang-unang nakabili ng album sa buong Pampanga. Paano ba naman, sinama ako sa SM Pampanga at nagbantay sa Astroplus. Kilala na nga ako dun dahil sa kapatid ko. Tapos nung nakita nyang naglalabas na ng CD, ayun sugod agad.
“JEAN LYKA! Ano ba! Pang sampung ulit na yan ha? Adik ka nga, proven.”
“Ate, I don’t get it! Bakit ba ayaw nyo kay DJ my love so sweet? Pogi-pogi nga nya eh! Tapos ang sweet nya pa kay Julia” ayan na naman po. Pumapout ang lola nyo.
Si Julia, yung kababata ko. Masaya ako dahil successful sya sa career nya kahit di ko laging napapanood yung soap nya.
Hininto na ni Jean ang kanyang pagsa-soundtrip at nilabas ang isang box. Ang box nya ng magazine.
“Kyaaaa! Ate! Look tinititigan nya ako!”
Nakakahiya. Alam ko ang bawat storya ng mga bagay na nasa loob nyan. Mapa magazines, props nung game 1 ng princess and I, posters, dyaryo. Grabe ako kasi laging kasama nyan.
“whatever,”
“Ate, ikaw kasi napaka-bitter mo sa mga lalaki! Wala pa naman silang ginagawa sayo tinatarayan mo na! kaya wala kang boyfriend eh!”
Eh basta ayoko sa lalaki. Nadala na ako nung highschool ako. Niloko ako nung walanghiyang Kim na yon! Pinaasa ako. Ang landi-landi kaya nun sa text. Alam nyo ba yung feeling na nakamove on na lahat, pero ikaw umaasa ka pa din na bigla-biglang magtetext sayo at magiging sweet.
BINABASA MO ANG
His Stylist, Her Prince.
Fiksi PenggemarMeet Kathryn Bernardo. Isang 18-year-old girl na nabigyan ng task na maging "Temporary" Stylist ng isang Daniel Padilla. Meet Daniel Padilla. Isang 19-year-old-actor na ayaw pinapakialaman. Ano kaya ang mangyayari sa kanila? From Enemies to Friends...
