CHAPTER 29
-DANIEL-
6 am.
“Okay it’s a wrap. Pack up na sa Wednesday ulit. 8 am call time.” Sabi ni Direk Cathy.
Sobrang saya ko na gusto ko ang sumigaw...
pero di ko magawa kasi galit pa rin sakin mga kasama ko sa set. Kaya inayos ko na lang gamit ko at umalis na.
8pm since kagabi nag-start kami mag-taping for 10 straight hours. Napasandal ako sa upuan sa backseat at pinikit ang mata ko..
Rest. Finally!
“DJ, photoshoot for BUM.” Hindi pa pala. Nasa tabi ko pala si Ms. Nina na hindi ko na napansin sa sobrang pagod. Hay, mag-kaaway pa rin kami.
“Hindi ba pwedeng---“
“You had your one week leave DJ.”
Hindi na ako naka-reklamo pa. Oo nga naman. One week leave without the consent of the management kasi nag-kasakit si Kathryn at hindi maka-luwas sina Tita Min. Sino bang hindi magagalit sa ginawa ko?
Na pag-desisyonan kong umidlip muna habang papunta kami sa venue.
Pag-kadating namin, nginitian ko silang lahat. Kahit na alam kong galit sila sakin dahil ang dami kong schedule na nagulo dahil sa one week leave na yon.
“Oh, bihisan na dali.” Sabi ng director. Buti nga eto hindi galit sakin eh. SI Kuya Ton Lao pa.
Yung mga make-up artist sobrang daming concealer ang nilagay sakin dahil sa sobrang puyat ko.
Hindi ko rin naman sila masisisi eh.
Ako yung may kasalanan.
Pero hinding-hindi ko pag-sisisihan yon.
All for Kath.
Habang inaayusan ako, nakatanggap ako ng tawag mula sa isang official fans club ko. Yung Team Padilla.
“Hello? Daniel Padilla?”
“Yes, Speaking.”
“Good Morning DJ! We would like to inform you na mag-kakaroon ng grand get together yung fansclub namin to celebrate its second monthsarry. Sana makapunta ka”
“Sure, kelan ba at anong oras?”
“Next week, Saturday. Diba may awards night ka non? After ng event mo diretso ka na lang sa GT para makakin ka na rin. Ok lang?”
“Bait nyo naman mga ate! Hahahaha, osige pupunta ako. See you!”
Great! Isasama ko si Kath para maka-labas naman kami
Tatawagan ko sana siya para sabihin to sa kanya pero nakapatay yata ang phone niya.
Hay, puntahan ko na nga lang mamaya.
-KATH-
Tanghali na.
Tanghali na at eto ako nagmumukmok.
Tanghali na at eto ako nagmumukmok habang naglalaro sa ipad.
Tanghali na at eto ako nagmumukmok habang naglalaro sa ipad kasi badtrip pa rin ako sa nangyari kagabi.
Urgh! Kath tama na nga.
Eh kasi naman tanghali na pero wala pa rin akong narerecieve na tawag o text mula sa kanya.
Eh tanga Kath! Malamang nakapatay phone mo!
“Wag guluhin? Edi wag!”
*ding dong* *ding dong*
Nabitawan ko ang ipad ko dahil sa nag-doorbell. Sino ba naman to at tanghaling-tanghali nambubulabog.
Tumayo ako tapos pinagbuksan kung sino man yun ng pinto.
“HI Kath!” at bumungad sakin ang masiyahing Daniel Padilla.
Tianalikuran ko sya at bumalik sa couch kung saan ako nakaupo kanina.
Narinig ko naman na nag-sara ang pintuan, meaning pumasok sya.
“Puro fast food naman kinakain mo…”
Napatingin ako sa kanya. Nakita ko ang malalim nyang mga mata at ang namumutlang labi. Pagod siguro to.
Hindi ko siya pinansin at nag-patuloy lang sa pag-lalaro.
“Kath, huy! Okay ka lang ba?”
Inirapan ko sya. Shet wag ka ngang mag-pacute, naiinis pa ako sayo eh!
Eh bakit ka ba kasi naiinis Kath?
Kasi ni-reject ako. At he knows me very well that I hate rejections. Pinag-hintay niya ako ng ilang oras tapos sasabihin niya hindi niya ako masusundo? Huh! Bahala siya hindi ko sya kakausapin.
Sinulyapan ko sya at nakaupo sya katapat ko.
“Kath? Galit ka ba sakin?”
Inirapan ko ulit sya. Leche bahala ka sa buhay mo.
“Kath pansinin mo naman ako, ano bang ginawa ko?”
Maghanap ka ng kausap mo. Hindi kita kakausapin!
Ilang minutes pa ang lumipas nang marinig ko syang bumuntong hininga.
“Kath kung galit ka sakin sabihin mo. Kasi hindi ko alam ang ginawa kong mali para ikagalit mo.” Tumayo siya at dumiretso sa pintuan. Pero bago niya ito buksan, huminto siya.
“Oo nga pala, pinuntahan kita dito right after all of my commitments para sana makasama ka at makapag-pahinga. Pero yun nga galit ka. I just want to say na may grand get together ang isa sa fans club ko next Saturday and I hope you’ll come. Bye.” Then he shut the door.
Uhm, okay medyo guilty.
------------------------------
SIX LEFT
OCTOBER 26, 2013
![](https://img.wattpad.com/cover/3472647-288-k896628.jpg)
BINABASA MO ANG
His Stylist, Her Prince.
FanficMeet Kathryn Bernardo. Isang 18-year-old girl na nabigyan ng task na maging "Temporary" Stylist ng isang Daniel Padilla. Meet Daniel Padilla. Isang 19-year-old-actor na ayaw pinapakialaman. Ano kaya ang mangyayari sa kanila? From Enemies to Friends...