Bakit Nakakaiinis Mag-aral??

2.7K 53 30
                                    

Kagluluhan, Kapahamakan, talino, lakas, hustisya, pagtitimpi, siyensya, tao, hayop, bata, matanda, pangit, maganda, lipunan, pamahalaan, korupsyon , eleksyon, pagkain, mayaman, mahirap. Gramatiko, linguahe, tula, kwento ,misteryo, pagibig, kanta, liriko ngunit isa lang ang alam ko. Ang makita kang ganyan ay sukang suka ako.

Paulit-ulit na lang ang buhay. Parang sikolo ng hirap, ginhawa, hapdi at sarap. Napakagulo ng lipunan, matatataas ang bilihin at hindi pantay ang pagtingin sa mayaman at mahirap. Kahit na otso pesos na ang pamasahe sa dyip, dos na ang sigarilyo sa tindahan ni aling nena, one fifty na ang presyo ng isang candy at tumaas ng limang porsyento ang tax sa karinderya ng kuripot na si silbiya, pilit parin sinasabi ng mga patola sa pamahalaan na tumataas ang ating ekonomiya. 

EDUKASYON, sa mga letrang ito umiikot ang sinasabing pagasa para sa bukas na puno ng kaalaman at malayo sa kamangmangan. Kapag marami ang nakakapagtapos, dadami ang trabaho, kapag marami ang trabaho, marami ang magkakapera, uunlad ang bawat isa, at uunlad ang ating bansa. Ngunit ano ang nangyayari? Natatamasa ba ng bawat isa ang sapat na kaalaman na napupulot natin sa apat na sulok ng silid paaralan? Anu alam ng kabataan ngayon? Ceteris paribus, umaalanganin, law of supply and demand, parang hindi naman! Quantum physics at Chemistry, tatay mu may cancer sa ihi. Subject Verb Agreement anu yun? Music and arts.Sino si Wolfgang Amadeus Mozart at Beethoven, tambay sa kanto? Sino ang may obra ng monalisa, Si Luna? Sino ang pambansang bayani? Sino ang pumatay kay magellan? 

               WALA AKONG PAKEALAM

Sa mga nakalipas na panahon marami akong natutunan, lohika,pilosopiya,siyensya at iba't ibang obra. Tumingin ako sa aking paligid at sinabi sa sariling magaling na ako at kaya ko nang harapin ang bukas. Ngunit binalikan ko ang mga panahon, napagtanto kong marami pa akong dapat malaman at matutunan. Sa pagbukas ko ng pinto sa panibagong pagsubok sa hinaharap, dinamdam ko ang karunungan,  

           niyakap ko, 

           dinamdam ko, 

           sinalo ko, 

           ang lakas 

           maingay 

           sinalo kong muli 

           masakit na 

           pinakinggan ko 

           ang lutong 

          napakalutong.

      ng mura ng magaling kong ina, habang nakahawak siya sa patilya ko "P*@&NG $&A MO GUMISING KANA MAY PASOK KA PA!!" 

       Dali-dali akong bumangon at nagmamadaling pumunta sa kusina. Nakalimutan ko na kung anu ang napaginipan ko, ngunit isa lang ang nasaisipan ko. NAKAKAINIS TALAGANG MAGARAL!!

          Ikaw .. matanong kita., 

          Bakit nga ba nakakainis mag-aral?


Bakit Nakakaiinis Mag-aral?? (Iba't ibang artikulo sa buhay ng mga estudyante )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon