[Special Entry] : Kapag Ang Puno Naging Papel, May Bunga - - ePhoneFive

234 10 11
                                    

Kapag Ang Puno Naging Papel, May Bunga

Dati ay ni minsan hindi ko naisip na sa puno pala gawa ang mga papel na lagi kong ginagawang eroplano noong ako'y uhugin pa lamang. Hindi lang ako sigurado noon kung kasali rin dito ang puno ng saging, puno ng kamatis, puno ng papaya, puno ng kamoteng kahoy, at iba pang puno na matatagpuan sa aming hacienda. Oo hacienda talaga para tunog mayaman.

Salamat sa aking guro na nagpaliwanag ng proseso ng pagputol ng puno hanggang sa maging Scribbles Notebook ang mga ito. Nakakamangha, para sa isang bata na gaya ko na wala namang alam kundi maglaro ng bahay-bahayan, lutu-lutuan at tagu-taguan.

Kaya nga ngayong malaki na ako, pero minsan inuuhog pa rin, bigla kong naisip kung ilang puno kaya ang "naputol" ko para matapos ko ang labing-apat na taon ko sa eskwelahan.

Awa naman ni Naruto ay nakapagtapos talaga ako ng kolehiyo. Kung kaya nga't hayaan mo akong ibahagi sa iyo ang mga highlights kuno ng aking pag-aaral. Simula sa pagpalo sa aking pwet ng aking ama para lamang pumasok hanggang sa makamit ko ang aking lisensiya na katibayan ng aking propesyon.

Nga pala, saling-pusa lang ako sa akdang ito, kumbaga ekstra lang. Ako si @ePhoneFive (sundan ang link para sa galawang promotion https://www.wattpad.com/user/ePhoneFive). Kung nagtataka kung bakit ako napadpad dito sa account ng ating pinagpipitagang si @LazyKnight ; yun ay dahil ito ang magiging simula ng pinaplano naming kolaborayson. Saka na lamang namin ibibigay ang detalye para kunwari may suspense.

Balik sa aking kwento. Simulan kong magbahagi noong Grade 1 ako. Nabanggit ko na lagi akong napapalo ng aking ama dahil ayaw kong pumasok. Limang taon pa lamang ako noon pero di ko sila maintindihan kung bakit gusto na agad nila akong isabak sa paaralan. Wala ng kinder-kinder, diretso Grade 1 na agad. Ewan, siguro dahil nagtitipid sila.

Pero ang di ko malilimutan ay noong nag-ihi ako sa loob ng klase habang nakapila para magpatatak ng star kay titser. Masaklap at mapanghi. Masaklap dahil sobrang nanliit lahat ng pwedeng manliit sa'kin at mapanghi dahil pinapak ko noon ang tikitiki ng kapatid ko.

Sa kaparehong taon ay napatunayan ko na uso rin sa mga bata ang plagiarism. Syempre sinasanay pa kami ng aming guro sa pagsulat ng pangalan. At dahil malaki ang mata ni ma'am ay nakita nya ang mga bilog na bilog kong titik, lalo na yung titik O. Oo yun ngang titik O, titik O. Tuwang-tuwa siyang kinuha ang papel ko at itinaas sa klase bilang halimbawa. "Mga bata, ganito ang gayahin ninyo. Kailangan malinis at mabibilog ang mga letra."

Pero anak ng tumatumbling na tinapa! Nung nakita ko yung papel ng katabi ko...

pangalan ko ang nakasulat. Literal na ginaya ng loko.

Noong Grade 2 naman tanda ko na sumali ako ng District Quiz Bee. Wala na sigurong panlaban kaya napili ako. Science ang subject. Siguro mga 15 schools kami. Bale magsasagot kami ng testpaper tapos pataasan lang ng score. Ayun na nga, kwentahan to the max na. Malakas talaga ang kapit ko sa tsamba kaya pasok sa banga ang kapogian ko. Nagnumber one pa ang gago. Kaso ang bilis din ng malas kasi nagkaroon pa ako ng ka-tie.

Tie breaker na, paunahan lang magkaroon ng tamang sagot ang labanan.

Q1: What is considered as the big ball of fire in our solar system?

Jackpot! Nareview namin yun ni ma'am. Confident to the nth power kong sinulat ang sagot kong "kamehame wave" sa illustration board. Biro lang syempre, "Sun" talaga.

Kaso alam din pala ng loko. Parehas kaming tama. Next question ulit.

Q2: What do you call to the offspring of mosquito?

Tumbling sabay selfie! Napag-aralan ko na naman yun. Sureball fishball na 'to. Mananalo na ako. Naamoy ko na ang medalyang ginto na isasangla ko sa MLhuillier.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 13, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Bakit Nakakaiinis Mag-aral?? (Iba't ibang artikulo sa buhay ng mga estudyante )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon