Entry 2.1 : Inferiority Complex

527 14 12
                                    

"Private school ka na magaaral sa susunod"

Nagbago na lamang bigla ang ihip ng aking hangin, naiba na lang kusa ang ikot ng mundo ko. Pagaaralin na ako ng aking mga magulang sa isang private school. Ulit.

Hindi ko lubos maisip na ako na walang amor na mag-aral ay pag-aaralin pa ng topaking mga magulang.

Mag iikatlong baitang palamang ako sa pasukan at nakahanda na ang lahat ng mga gagamitin ko sa pagpasok. Hindi na ako nakapalag sa desisyon ng mga aking magulang. Bakit pa nga ba choosy pa ba ako?.Private school din yun. Maswerte ang isang batang pagaaralin sa ganung paaralan. Integrated ang lesson, magaganda ang turo, malinis ang kapaligiran, kumpleto sa kagamitan at higit sa lahat, karamihan ng mga tao roon sosyal.

Sa di malamang dahilan sumabay na lamang ako sa agos ng tubig at ihip ng hangin, na tila ba isang dahon na di alam ang patutunguhan ng kanyang pagkalalang. 

Actually ayoko talagang mag-aral sa private school, gusto ko iyon sabihin sa kanila, ngunit nahihiya naman ako. Kung iisipin kasi parang hindi ako nababagay sa ganung uri ng paaralan. Isang bobong estudyante na walang alam ay siguradong mapagiiwanan lamang.


Atsaka nung time naman kasi na iyon , iniisip ko pa rin yung mga taong namahiya sa akin.  

Paano ba ako magiging magaling sa klase gaya nila?  

Paano ng isang bobong kagaya ko makakakuha ng pantay na pagtingin mula sa kanila?  

Paano ko makukuha ng respeto na dapat natatamo ko sa klase? 

Paano ako magiging matalino? 

Nagkaroon ako nun ng Inferiority complex. Araw-araw iniisip ko "paano ang gagawin ko upang hindi na maulit ang nangyari?" natatakot kasi ako na baka isang araw ay itakwil ako ng paaralang pagaaralan ko dahil sa mahina ako at baka masayang lang ang gagastusin ng mga magulang ko.

Hindi naman ako manhid, para maging pabaya at magliwaliw na lang sa pagaaral habang sila naman ay nagkakanda kuba-kuba na sa pagtatrabaho, maya niyan di pa sila makatulog at makakain ng dahil sa akin.

Nung mga oras na iyon ay nagnilay-nilay ako. Sa murang edad ay minulat ko ang isip ko dahil sa takot at pamamahiyang naranasan at nararamdaman ko nung mga nakalipas na panahon. Nang mga oras na iyon ay parang pinanghinaan na rin ako ng loob sa paghihiganti, ewan ko ba kung anung sinto-sintong utak na meron ako at pabago-bago na lang bigla ang laman ng sariling isip. Sabagay, anu nga ba naman ang magagawa ko? Ganito na ako, meron pa bang magbabago? Magagawa ko pa kayang maabot at makamit ang mga bagay na gusto ko? Sa tuwing iisipin ko ang mga sinabi nila.

     . . . .pinanghihinaan ako to the highest level. . .

Dati inisip ko noon na, "ang taong pinanganak na bobo. Inutil at mang-mang na habang buhay." 

Dumating ang pasukan at walang-wala ako sa sarili. Para akong bangag na di mu malaman kung istudyante ba o batang pinagsamantalahan ng mga baklang adik.  

Siyempre matapos ng dalawang taon sa public at ngayon na nagbalik na ako sa pribadong paaralan, medyo nanibago pa rin ang Newta. Habang muntanga kong pinagmamasdan ang bagong kapaligiran, mga bagong nilalang at kung anu pang mga BAGO!! Bigla kong napagtanto na ibang-iba pla talaga ang private school kung ikukumpra mo sa nakagisnan mong public. 

Pagpasok mu pa lang sa silid-aralan, gugulong ka na agad sa lupa, dahil mauubusan ka ng dugo sa ilong. Ispukening dalar ang trip ng mga tao dito day!!  

Nahilo agad ako nang di ko maintindihan ang mga pingsasabi nila. . 

"introduce yourseof to everyone" 

Bakit Nakakaiinis Mag-aral?? (Iba't ibang artikulo sa buhay ng mga estudyante )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon