Ang buhay bilang estudyante ay parang isang notebook na madalas magamit. May mga pahinang maganda ang mga nakasaad, malinis ang buong nilalaman, mga sikretong nahihimlay na puro nakakatuwa, masasayang karanasan na gustong maalala kaya naisulat at magagandang letra mula sa malilikha at masining na mga kamay.
Ngunit minsan sa mga pahinang ito, hindi natin maiiwasan na makakita ng mga bura-bura, mga pagkakamaling bunga ng katangahan at kamangmangan, mga sulat ng bahid ng kasamaan at kabulastugan, punit at di pantay na pagkakapilas, bahid ng malisya bunga ng di nagreview sa nalalapit na exam, mga pangalan at pagkakakilanlan ng mga malalanding balak ligawan, numero ng hinahangaan, mga pangit na pagkakadrawing na reproductive organ ng mga kalalakihan at higit sa lahat listahan ng mga manifesto na puno ng kahihiyan .
Subukan nga nating isa-isahin yan.
Hindi naman natin maiiwasan na kung minsan darating ang isang araw na mapapahiya tayo ng todomax. Kahihiyan na parang isang sakit na dadapo sa iyong katawan at tatatak habang buhay na parang bulotongnezz festival. Yung kahihiyan na sa sobrang tindi eh maiiyak ang mga kaklase mo, hindi sa lungkot ah? Kundi sa sobrang katatawanan at kaligayahan! Yung feeling na puro bagang na lang nakikita mo sa bunganga nila!
So anu ang pinakanakakahiyang nangyare sayo sa buong buhay mo bilang mag-aaral?
Naranasan mo siguro nung elementary ka, siguro sali na rin natin nung highschool ka o malay natin hanggang ngayong college na makipagdaldalan madalas sa mga kaibigan mong anezz. Well hindi naman talaga maiaalis sa typical na estudyante ang pagiging maingay dahil alam naman natin na sa unang araw pa lang nung pumasok ka ehh hobby na ito ng iyong bunganga.
Sige, sabihin na nating marami kang kausap, as in grupo kayong nagkekwentuhan. Chikahan festival ang tema niyo at di kayo magkandaugaga sa kakekwento sa mga boolyf ng bawat isa na pinaghalong masaya, nakakalungkot, nakakatakot, nakakakilig, nakakaiyak na parang MMK, nakakaihi, nakakatae at kung minsan nakakabaog. Nakakabaog dahil walang puntahan sa cr once na magkwentuhan dahil gusto nakabuka lang ang bunganga.
Kanya-kanya kayong share.com dito , unique topic na chismisan day-on, minsan may pa iba't-ibang destinasyon pang nalalaman na parang 'one day isang araw', may blind-item na ikaw pala yung ibinibida then lahat ng iyon mapupunta sa isang malakas na halakhakan.
Dumating yung time na tapos na silang magkwento tas ikaw naman ang taya. ITS TIME TO SHINE ika nga na parang diamond. "Break a leg" sabi mo sa sarili dahil marami kang ishashare at lahat sila wiling-wili makinig. Feelingera mo ikaw ang bida sa pagkwekwento pero muka ka naman talagang si Lola Basyang.
Kalagitnaan nun ng kwento mo, tapos di mu inaasahang may biglang mangyayaring magpapatigil sa kasasalita mo. Lahat sila nakatingin, nakakatitig pa, at seryosong nakikinig sayo nang may biglang tumulo na isang malabnaw(minsan malapot) na likido sa bibig mo. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .
. . . . . . . . . . . . . . in a very slow-motion.
Napanganga ka. Sila naman nagulat tas nanlalaki ang mata na nakangiting nakatingin sa bunganga mo na parang may sinasabing wooooooy mineral water deposit! Napatameme ka, mapapangiti tapos masasabi mo na lang "ay. . .'," sabay tingin dun sa laway, ". . . . sayang".
Pero deep inside sa iyong sarili, ang talagang sinabi mo ay "paksyeeet!! erhemerrgerd! (1) Tumulo ang laway ko! Nakakahiya ever!!"
Tapos anung susunod na mangyayari?
Kundi "HAHAHAHAHAHAHAHA" at "NYAHAHAHAHAHA", "BWAHAHAHAHAHAHAHA" ang maririnig mo sa mga de-newta mong kaklase. HAHAHAHAHAHAHA WOOH! Sino ba naman kasing di tatawa sa ganung bagay? Kahit na si Mike enriquez pa yan siguradong di ka nun tatantanan sa katatawa.
BINABASA MO ANG
Bakit Nakakaiinis Mag-aral?? (Iba't ibang artikulo sa buhay ng mga estudyante )
Non-FictionKung ikaw ay ESTUDYANTE, ate,kuya, tito, tita, si mama, si papa, mayaman , mahirap, bata, matanda, may ngipin o wala, BASTA NAGAARAL , nursery, kinder,prep, elementary, highschool, or college, nakapasa o bumagsak . , , alam mo ba ang sagot sa tanong...