Entry 1.1 : Unang Araw

1.1K 32 28
                                    

 Para sa mga tamad mag-aral, nagaaral, tapos nang mag-aral at huminto sa pagaaral.

  

 - - - - - - - 

Unang araw ng pasukan ungulan festival ang mga manok, aso at tambay sa labas. Sama na rin natin ang mga nanay na hirap gisingin ang mga anak nila mula sa pagkakahimbing sa tulog. Isa doon ang nanay ko, na inihanda na ang babaunin kong zesto at fudgee bar sa pagpasok. Nakalagay na ito sa supot ng bigas at nakapasok na sa bag kong di hila na proud na proud kong pinili sa tiyangge.  

Pag sinabing unang araw andyan naglipana ang mga estudyanteng bagong porma ,bagong salta, bagong uwi sa probinsya, bagong gupit na may bagong uniform, sapatos, bag, bolpen, libro, krayola, lapis, notebook at higit sa lahat nandyan ang mga bagong gulpi na kagaya kong makulit na ayaw na ayaw pumasok sa eskwela.  

Dahil nga sa unang araw, di magkandaugaga ang mga mga magulang nila kung paano pagagandahin ang mga anak nila. Ipit dito, tali doon, pulbo dito, pulbo doon, abiso dito na magiingat, abiso doon na bilisan ang mga kilos(kala mo sasabak sa sabong). Pero anu ba ang mas nakakatuwa sa first day?? 

PREPARATORY. Mapalad ako noon bilang panganay sa magkakapatid at unang nakapagaral. Bagonezz ang mga gamit natin. Kumpleto ako sa lapis; Monggol at Victory ang mga tatak. Kumpleto mula lapis pang grade 1 at pang grade 2 proud na sabi sa akin ng mama ko (na hindi ko alam kung anu ang pinagkaiba nung dalawa), tapos dalawang piraso ng pantasa, red at yellow hugis oblong at square na tig ootso sa labasan. 12 piraso ng notebook (extra daw ang dalawa) na de-stapler lang ang gilid at may mga nakadrawing. May teddy bear ang tema, may bubbles, may pink na ribon ang nakadrawing, tae nakalimutan ba ni mama na lalaki anak niya!? Syuriiiii!!! di daw ako lalake kumilos nun. Bongga!

Bago rin ang uniporme ko at dahil first time kong pumasok in my life, private school daw agad ang papasukan ko. Kaya muka daw kaming mga anghel nun sabi ni lola, mga anghel na may kanya kanyang balak sa pagpasok.  

Di ako yung tipong excited sa pasukan. Kung tutuusin isa ako sa mga pariwarang tao na ipagpapalit ang karunungan sa mga bagay na wala namang katuturan. Bata pa ako iniisip ko na sana habang buhay na lang na bakasyon at manunuod na lang ako ng teletubbies  at blues clues sa bahay. Itong pangarap ko sa buhay ang naging dahilan kung bakit di ako nagaral ng nursery at kinder, prep agad, dahil sa mga nakakalokong palabas nun sa tv at mga cartoons na lumalason sa mga inosenteng isipan ng kabataan. Nang mga time na iyon mahal ang bayarin namin sa kuryente. Imbis na magreses sa chapel nun (malapit lang ang kindergarten sa chapel), palihim akong umuuwi at iniiwan ang mga kaklase ko para lang manuod. Pagdating sa bahay nuod agad ang newta ng teletubbies sa sikat na TV station. 

         Tinky Winky,,.,. deapsea (favorite fud ko),,.,., lalalala,,.,.,.,.,. puh!,.,.,. UH! 

Kinakanta ko yan nuon with feelings habang papauwi sa bahay. Kaya si mama with feelings din akong minumura nun pagnaaabutang nakadekwatro sa bahay at nanunod. Poker face lang ang tingin ko sa kanya nun, isip isip na "sorry ka nalang ma. Ayoko sa skul, maspipiliin ko pa si tinky winky, ayoko kay teacher. "  Di kasi ako fan ni barney.

'Iskul Bukol' yan ang bansag nila sa akin, mapa si mama, papa, tito, tita, ate, kuya (kahit ako panganay) kaibigan, kumpare ni papa, kumpare ni mama. Nakakainis dahil maluha-luha ako nun sa tuwing mapapansin nila ako na nanunuod ng tv at binabansagan sa pangalang iyon. Di ba nila alam na hindi ko maintindihan ang dialogue ni dipsy? 

Pero sabi naman ni papa ayos lang sa akin ang ganun. Matalino daw ako, gifted at di na kaylangang dumaan sa kindergarten dahil puro pampautot lang naman daw iyon. Sa murang edad kasi, nakakapagbasa na ako, nakakabilang, simpleng additon at substraction, nakakamemorize ng kanta,(esp teletubbies theme song) at mga bersikilo sa bibliya. 

Bakit Nakakaiinis Mag-aral?? (Iba't ibang artikulo sa buhay ng mga estudyante )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon