Sa talambuhay ng magaaral, di ka tunay na estudyante kung di mo mararanasan ang mga samu't saring kalokohan na matututunan mo sa paaralan. Bukod sa ABAKADA at ISA DALAWA , may mga bagay pang nakakatuwang natututunan ang mga magaaral sa kani-kanilang mga nakakasalamuha. Pero kahit puro kalokohan man iyon, dito lumalabas ang mga totoong talento ng mga kabataan. Pati na rin ang kabastusan nila.
Sa ELEMENTARYA, parte ito ng buhay-magaaral na maghahanda sayo para sa bukas na puno ng Kabulastugan. Dito ka unang kakanta, tutugtog ng instrumento, mananakot, manunulat sa uniporme, maglalaro at dadaldal, at mapapahiya. Lalo na kung nasa Public School ka. Ako na di nagkaroon ng isang marangyang pamilya, pero may kaya naman, ay pinagaral sa isang simple ngunit produktibong paaralan.
Nung grade 1 dito itinuro sa atin ang ABAKADA na master na master ko na bago pa man ako pumasok ng elementarya. Pakakabisaduhin ka ng A E I O U, BA BE BI BO BU, KA KE KI KO KU, DA DE DI DO DU ... hanggang sa umabot sa YO. Pagdating ng recitation isa-isa kayong pababasahin sa blackboard.
Bumili ng prutas si Ana.
Si mama ay namili sa tindahan.
Nasaan ka Dionisia?
Ang mansanas ni bebang ay malaki.
Malaki ang alagang manok ni tatay.
Panis na ang kaning kinain ko.
Mabaho ang kili-kili ng ate ko.
Nilantakan ng walang pakundangan ang aming hapunan
Dito tinuruan din tayong bumilang mula ISA, DALAWA, TATLO, APAT, LIMA, ANIM, PITO..... hanggang ISANG DAAN.
Isa, dalawa, tatlo, ang tatay mo kalbo
Apat, lima, anim, nakain ng pating
Pito, walo, siyam, nagbabasa nito timang
Merong ding, english numeral version,
One, two, three asawa ni Marie.
Araw Gabi walang Panty
Na hindi ko alam kung sino ba talaga ang walang panty. Si marie ba? O Ang asawa Niya? Bakit Nagsusuot ng Panty ang asawa niya? Lalaki ba si Marie at ang asawa niya talaga ang babae? O pangalan niya lang ito tuwing hatinggabi? Marie, panty, hatinggabi?
Hindi kumpleto ang araw mo nang di ka pasasagutin ng APAW( A Problem A Week) na walang katapusan at paulit-ulit niyong sasagutan sa buong taon. Nakasulat ito sa makulay na manila-cartolina (hybrid san ka pa?) at may iba't ibang prutas. Halos lahat kami kinaiinisan ito habang tumatagal. Nung una kasi puro addition lang, nang kalaunan, na haluan na ng kinaiinisan naming 'dibay-dibay'.
Problem Solving #01: Ang nanay mo ay may dalawang asawa, at may kabit sa Iba. Nagkaroon siya ng anak sa una, hindi sa pangalawa dahil nahuli siya. Kung lima lahat kayong magkakapatid , tigisa sa bawat kabit at asawa, Ilan ang kabit ng nanay mo?
Problem Solving #02: May dalawang dosenang biskwit sa lamesa at anim kayong magkakapatid. Kumuha ka ng isang piraso at ang bunso mong kapatid ay ganun din, habang ang iba naman ay tig dadalawa na. Ilan ang patay-gutom sa inyong anim?
Problem Solving #03: Binigyan ka ng Nanay mo ng setenta pesos upang bumili sa tindahan. Inutusan kanyang bumili ng toyo at suka na tigsasais, isang kilo ng kamatis na katorse,at patatasna limang piso, ¼ na asukal at isang betsin. Paguwi mo galing sa daan ay naispatan mo ang tindero ng sorbetes at bumili ka ng tiglilima dahil di kasya sayo ang tigtetres. Paguwi mo sa bahay, magkano na lang ang makukupit mo?
BINABASA MO ANG
Bakit Nakakaiinis Mag-aral?? (Iba't ibang artikulo sa buhay ng mga estudyante )
Non-FictionKung ikaw ay ESTUDYANTE, ate,kuya, tito, tita, si mama, si papa, mayaman , mahirap, bata, matanda, may ngipin o wala, BASTA NAGAARAL , nursery, kinder,prep, elementary, highschool, or college, nakapasa o bumagsak . , , alam mo ba ang sagot sa tanong...