Araw na naman ng pasukan matapos ang mahabang pahinga at eksayting na weekend, oras na para magaral mga newta!
Pagpasok na pagpasok mo sa paaralan, makikita mo nanaman ang mga kaklase mong hindi na na ubusan ng harot sa katawan. Kanya-kanyang trip ang bubungad sa iyo sa klase, kanya-kanyang mundo, kanya-kanyang chika, kanya-kanyang payabangan,kanya-kanyang iyakan nagulpi na naman ng ina.
Ayaw na ayaw ko talagang pumasok, nung bata pa ako. Sa loob kasi ng silid aralan, ang tanging gagawin ko lang ay ang umupo, magisip ng kung anu-ano habang nagdidiscuss ang teacher at magdrawing ng kung anu-anung hayop, tao, superhero, bahay at kotse na iisa lang ang mga nagiging itsura . Palito.
Imbis na matuto ng kung anu-ano, mga bagay na di na dapat ipagkalat ang mga naiimagine ko noon, mga nalalaman at natutuhang kabulastugan.
Noon si Ms. "EUGENE" ang isa sa mga mababait na taong nagudyok sa amin na magaral ng mabuti. Bago ako tumino sa pagaaral, noon siya ang umalalay sa amin sa mabuting landas ng pagiging estudyante,.Teacher namin siya nung Grade 1. Mabait si ma'am at caring, kayang-kaya niya kaming pasunurin at iorganize ng hindi gumagamit ng dahas at kamay na bakal. Sa isang salita niya lang at sermon sure na sure na di na kami uulit. Kumpara mo naman kay sa na unang teacher. Kulang na lang shampoo, tabo at tubig , sabon na sabon kana. Lalabasan ka pa ng sipon sa bunganga, kasasabi niya sa inyo ng "mga salaula!".
Sakto lang ang kagandahan ni Ms. "EUGENE",maliit, maputi, mabait,mahinhin, at syempre dalaga. Noon pagnakikita namin siya sobrang saya namin sa klase; yung mga biro niya, mga advice, grabe ang saya! Minsan nga naisip niyang magpakulay sa buong klase, para bang coloring contest! Bibigyan niya kami ng tigitigisang mga drawing na binayaran namin ng piso, at kami ang bahala ang magkulay nito. "COLORING ART NO.1"
Swerte ako nun dahil nakakuha ako ng napakagandang drawing. Isipin mo na picture ng babae na may hawak ng lobo, at ice cream na tumutulo na sinusundan ng aso. Malaki ang mga mata nito na nakasalamin, nakalugay ang buhok, maikli ang mga shorts at damit na halos kita ang pusod na maching polkadots na ribbon sa ulo. Dagdagan mo na lang ng malalaking pares na boobs at pulang nguso. Pornstar na
Syempre kulay-kulay ang tema, gustong-gusto ko yan!(kaya gusto ko maging titser nun si maam eugene, sulit palagi ang art namin). Ayaw ko kasing magdrawing,magupit, magdikit at kung anu-anung chinalin. Ang gusto ko kasi nun, puro kulay lang, feel na feel ko kasi nun na magaling ako, creative at pintor gaya ng mga sikat. Nang tumahimik na ang klase, ibig sabihin nun simula na ang patagisan. Imagination movers na ang trip siyempre na muntanga lang ang itsura, isip ng isip wala namang naiisip.Kung anu-anung inisip ko nun, paano ba ang kulay nito, anu ba magandang design para dito at kung anung blablabalbal.
Dito nagsimulang nagpasiklaban ang magkakaklase, di naman kasi maiiwasan ang "pahabaan ng ihi" sa elementarya . Siyempre, nilabas ko ang mga kayamanan ko nun, ang mga bago kong gamit: pantasa,lapis,pambura, at ang pencil case kong korteng kotse. Isa na rin dun ang pinakaiingatan kong "8 COLORS!!" na bagong-bago at halatang hindi pa nagagamit. Laki ng ilong ko nun, nang nakatingin sa akin ang mga kaklase kong ulikba habang nagkukulay ako. Nang mga oras kasi noon, kapag bago gamit mo, unique , at amoy pabrika, ehh lam mo na . . you're the man!!! Pero nanliit ako nang ang iba ay merong mga krayola kagaya ko, ang masaklap karamihan sa kanila "16 COLORS!", meron ng pink at gray na pilit ko nung pinapalabas gamit ng color mixing, kaya yon nababoy.
Yung isa naman naglabas ng briefcase, binuksan niya, at tumambad sa amin ang hile-hilerang krayola, mga bago, malalaki, at nang binilang ko lahat . . . 64!!!! "Tentenententen 64 Colors!!" Kaya ang kaninang mayabang nung umaga, nasasulok ngayon sa cr, tahimik na nagkukulay
Bihira lang kasi noon (hanggang ngayon) sa mga estudyanteng maralita ang magkaroon ng bagong gamit. Sa public karanasan ang mga makikita mo ay mga pinaglumaan at laspag na gamit pang eskwela.Noon maswerta ka kapag may pencil case ka, mas maswerte ka kapag bago ito at mas na mas maswerte ka kapag may tatak itong Teletubbies o kotsekotsehan. Yung iba kasi, plastik lang ng bigas ang gamit o di kaya sa bulsa lang nila inilalagay ang mga gamit nila. Yung iba, magaganda ang mga lapis, monggol (parang sila) , victory, aspen ,etc basta bago at may pambura. Kawawa kasi ang ilan dahil ang lapis nila, luma na, may ngatngat pa (ngatngat ng pusa, manok, kaibigan, kaklase, daga at minsan yung nagmamayari). Minsan sadyang masakplap ang buhay, luma na, wala pang pambura ( Take note: Dalawa naman ulo! Bali nga lang ang isa.).
BINABASA MO ANG
Bakit Nakakaiinis Mag-aral?? (Iba't ibang artikulo sa buhay ng mga estudyante )
Non-FictionKung ikaw ay ESTUDYANTE, ate,kuya, tito, tita, si mama, si papa, mayaman , mahirap, bata, matanda, may ngipin o wala, BASTA NAGAARAL , nursery, kinder,prep, elementary, highschool, or college, nakapasa o bumagsak . , , alam mo ba ang sagot sa tanong...