Anu ang pinakanakahihiyang bagay na nasabi sayo ng isang guro?
Para sa akin ang tawagin kang BOBO. Isang tanga, inutil, mangmang, imbecile, indio, hangin, pulpol, purol, bopol, sablay, walang sintido, baliko, luwangturnilyo, abnormal, slow, at walang laman. Nakaiinis isipin na sa araw-araw mong pagpasok napakaraming tao ang pumupuna sa mga bagay na wala ka at di abot ng kakayahan mo. Bakit kaya may mga taong ganun? Bakit ba may mga taong BOBO? Meron nga ba?Di kaya sadyang tanga lang tayo para maniwalang merong taong ganito?
Anu nga ba ang pinakaiba nila sa mga MATATALINO?? Sino ba ang mas angat sa kanila? Sino ang mas sikat? Sino ang kawawa?? Kung papipiliin ka sa dalawa? Anu ang pipiliin mo??
Syempre sagot mo MATALINO pero alam mo ba ang totoong perspektibo sa mga salitang ito? Ganito kasi iyon,
BOBO. Wala ka daw utak, isa kang mangmang. Mga simpleng lohika sa paaralanhindi mo daw alam. Ang hirap mo raw kasing turuan. Ganito ang realidad sa loob ng paaralan, isali na rin natin ang buong lipunan. Paano ba naman kasi mula pa noong una, panahon pa ni mahuma, sukatan na ng pagiging matalino ang mga mataas na markang nakukuha sa klase; mga grades na halos perfect na kung minsan nakuha lang naman dahil close ang guro nung nabigyan, mga test papers na kokonti lang ang mali na sure na nanggaling sa utak ng iba at hindi sa kokote niya, o di lang kaya malakas lang talga ang de-newta kaya nakakapasa.
MATALINO. A.K.A. Geniuses. Sila daw ang dapat tularan sa klase. Almost Perfect ang exam, active sa recitation, madalas favorite ng mga titser, madalas ding mataas ang grades. Merong nerd na di-friendly, may maarteng matalino, may magaling sa oral, merong namang sa written, may responsible. Pero ang kadalasang mahihinuha mo sa kanila eh yung pagiging sobrang COMPETITIVE. Its true kaya wag nang magmaang maangan pa at magiging hypokrito lang tayo kung sasabhin nating walang matatalinong ganito.
Yung tipong para silang politiko na halos gawin at ibigay na ang lahat kulang na lang bumuga sila ng apoy, kumain ng bububog, maglaslas sa harapan, lunukin ang kung ano at sumigaw ng "DARNA!!! DING PASAS ANG NAKAIN KO!!".
Sapawan ng sapawan sa loob ng silid paaralan para sa sa iisang pwestong pilit nilang pinagaagawan, ang inaasam-asam nilang TOP. Isa pang tunay nakakatotohanan, walang personalan.
Hindi naman sa pagiging unfair, hindi naman sa pagside sa mga bobo sa bobo, hindi naman sa anti-genius ako, hindi rin sa pambababoy ng image ng mga matatalino. What im just saying is based on what i have seen or observed . Aminin mo, may point ako diba?
Uunahan na kita,. ou ikaw na nagbabasa nito.
Magandang magkaroon ng ibang point of view, side by side, no more, no less ang terms na bobo and matalino. Nakakatamad naman din na kasing tignan na yung isang side lagi na lang bright tas yung isang side ugly. Baliktarin natin para fair, para may justice. Tignan naman natin yung bright side nung mukang ugly at tignan naman natin yung ugliness nung mga maganda.
O sige. Bakit nga ba kasi ganito? Paulit-ulit kong tanong, hindi sa dahil sa nakaunli ako. Sa dinami-dami na kasing nilipas na panahon ni isa wala pang nakapagsasagot ng tanong ko na ito. Panahon pa ng kastila uso na ang ganyan.
Intelectual Discrimination. Diba kung nakinig ka noon sa history teacher mo at hindi ka nakipagdaldalan o natulog kang bago ka. Matatandaan mo na sabi ng mga dayuhan na bobo ang mga pilipino. Payag ka bobo daw tayo? paksh*t diba?
Seriously, Pwera biro, Payag ka?
Syempre sagot mo HINDI. Tama ako diba? Kilala kita, hindi ka papayag na sasabihan ka ng ganung kasakit na salita. Ipinanganak ka kasing may angking pride sa katawan at higit sa lahat PILIPINO ka. Pilipinong ok lang na mambalahura ng damdamin ng iba ngunit pagdating sa katawan mo, overprotective ka. Pinoy Pride Ika nga, Kahit kanino naman kasi natin itanong yun. Yun at yun din ang magiging sagot nila.
BINABASA MO ANG
Bakit Nakakaiinis Mag-aral?? (Iba't ibang artikulo sa buhay ng mga estudyante )
Non-FictionKung ikaw ay ESTUDYANTE, ate,kuya, tito, tita, si mama, si papa, mayaman , mahirap, bata, matanda, may ngipin o wala, BASTA NAGAARAL , nursery, kinder,prep, elementary, highschool, or college, nakapasa o bumagsak . , , alam mo ba ang sagot sa tanong...