HUSTISYA, isa sa mga bagay na pinaka mahirap makamit sa loob ng paaralan. Sa apat na sulok ng sild-aralan bibihira lang sa sampu-sampung estudyante ang nakakatamasa ng mataas na pagtingin, kunsiderasyon, at gabay. Kung isa ka sa mga malas, mas magugustuhin mo pang di na lang pumasok kaysa sa maging palamuti, masabi lang na merong klase, tunay na paaralan at meron kang natututunan.
Sa Edukasyon ng Pagpapahalaga pinagaaralan ang salitang EQUALITY o PAGKAKAPANTAY-PANTAY, sinasabing ang bawat isa ay may karapatang kilalanin, unawain at respetuhin ng bawat isa sa atin. Ngunit nauunawaan ba ito ng bawat isa? Naipaiiral ba ito ng mga natututong magaaral? Mas maganda sigurong tanungin kung Naituturo ba ito ng maayos sa atin?
Paano nga ba mauunawaan ng mga mag-aaral ang salitang HUSTISYA at PAGKAKAPANTAY-PANTAY, kung ang mismong nagtuturo nito sa atin ay di ito kayang isabuhay?
Ngunit bago ko ito simulan, lilinawin ko muna na ang mga mababasa mo rito pawang opinyon lamang. Kung sakaling hindi mo man magustuhan ang iyong mababasa, wala na akong magagawa. Malamang ay hindi para sayo ang kabanatang ito.
Sa klase, sino nga ba ang mga maseswerteng indibidwal na nakakatamasa ng mga ito? Sino pa nga ba sila ang mga mayayaman, sikat, anak ng guro at matatalino. Minsan, kapag nagsama-sama sila, itsa-pwera kana talaga kasama ng mga ibang basura.
Isa ako sa mga naging kamalas-malasang tao na tinatawag na Filler, pampapuno at palamuti lang ng klase, hirap unawain at ni minsan kakarampot na hustisya lamang ang natatamasa. Dahil sa ako ay makulit nabilang ako sa nga estudyanteng kahit kailan di napagtuunan ng pansin ng guro. Kung minsan, mapapansin ka lang nila kapag may katarantaduhan lang ginawa na di mo naman talaga sinasadya. Sa mga nakalipas na taon nakita ko ang mga ibat-ibang tingin sa amin ng mga guro.
Meron iyong tatlong Uri sa aking pananaw.
>IBA'T IBANG URI NG MGA FILLER AYON SA TAMAD NA AUTHOR NG AKDANG ITO<
Filler Type 01 : "Positive"
>> Ito yung mga tipo ng studyanteng commoner sa klase. Kung maihahalintulad mo sila sa lansangan, tinatawag silang mga "crowd". Gaya nga ng salitang "positive", positibo sila sa lahat ng bagay, masasabi mong normal. Nakikipagdaldalan, may mga friends din, dag-dag sa pasakit ng ulo ng mga teacher kung minsan, nagrerecite, sakto lang ang talino, at madaling magblend sa nakararami. Kaya minsan, normal lang silang nariyan, di rin napapansin, at kung mapapansin man, hindi iyon sa positibo, kundi sa kung anu mang ginawa nila na ikinabwisit ng madla. Karamihan naman sa kanila 'may mga utak' talaga, hindi nga lang nagagamit at napapagana, kasi madaling inaatake ng katamaran at kung anu-anu mang inpluwensya(Take note: Kapwa filler lang niya ang nakakaimpluwensya sa kanya). Sila ang may pinakamalaking porsyento ng bumubuo sa klase, at populasyon ng mga filler, nakakamatay sila kasi, they form into groups, para naman hindi sila mapunta sa second degree ng pagiging filler.
Filler Type 02: "Comparative"
>> Sila minsan ang ang napagiinitan ng ulo ng mga teacher, dahil sa pagiging "epsy" nila. Nangagailangan sila ng pansin, na shortage kapag napabilang ka sa ganitong degree ng filler. Super active sila sa klase, magaling sumagot, ipipilit talagang tama, kahit na alam naman nating mali. Kaya minsan, "naikukumpara sila sa mga matatalino" binabansagan din silang "assuming" "epal" "papansin". Pero kakikitaan mo sila ng pagiging industriyalisado, dahil sa limang araw na pagpasok sa isang linggo, dalawang araw doon ay absent para makapagbanat sila ng buto. Kaya kung tutuusin mapepera rin itong mga ito kapag payday. Isang malinaw na dahilan kung bakit sila ay madaling mauto.
Filler Type 03: "Superlative"
>> Pinakamalala, OUTCAST sa madaling salita, sila ang sumisimbolo ng salitang kawawa sa klase, ang pagiging papansin nila nung nasa ikalawang stage palang sila ng pagiging filler ay lumala na. Mahilig silang magjoke, kaya palaging nasasabiin ng buong klase ng "WEH!". Dapat sila ay pasalamatan, dahil kung wala sila, ni minsan di magagawang magkaisa ng buong klase. Magkaisa, sa pangaasar, pangugnutya, at pangugudtime. Nakakaawa kasi kung minsan pati ang mga titser nakikisama sa pangaasar sa kanya. Ang ibang gaya nila ay ISOLATED na kung tutuusin, nagpapakalayo-layo dahil di na kinaya ang sakit na natatanggap physically ang emotionally. Ang iba sa kanila, kabibiliban mo, matatag, matibay at manhid. Sa kabila ng mga nangyayari, buo parin ang loob nila para magpursigi sa pagaaral. Kaya naniniwala akong ang mga karamihan sa mga nagtatagumpay ay nangagaling dito. Dahil di lang sila masipag, may taglay silang talino. Napakataas ng porsyento ng kanilang STATE OF REASONING, Kaya kung pagalingan sa debatihan, at kasinungalingan, GO lang ng GO! Nakakaawa kasi dahil din sa kanila tumataas ang BULLYING CASES ng paaralan.
BINABASA MO ANG
Bakit Nakakaiinis Mag-aral?? (Iba't ibang artikulo sa buhay ng mga estudyante )
Non-FictionKung ikaw ay ESTUDYANTE, ate,kuya, tito, tita, si mama, si papa, mayaman , mahirap, bata, matanda, may ngipin o wala, BASTA NAGAARAL , nursery, kinder,prep, elementary, highschool, or college, nakapasa o bumagsak . , , alam mo ba ang sagot sa tanong...