// Alysah's POV //
Nagsisimula na kaming mag-grocery. Buti na lang kakaunti lang ang tao kaya hindi siksikan.
''Sky maghiwalay na lang tayo para mas mapabilis yung pamimili natin''
''Sige, kita na lang tayo sa counter'' sabi niya at pumunta sa ibang parte ng super market.
Habang nagtitingin ako ng bibilhin ko, may nakita akong isang batang babae na may pilit inaabot na box ng chocolate. Siguro mga limang taong gulang yung bata at ang cute niya. Mahilig pa naman ako sa bata. Nilapitan ko ito at kinuha yung box ng chocolate na inaabot niya.
''Here!'' nakangiting sabi ko sa bata. Yumuko ako at iniabot sa kanya.
''Thank you ate ganda!'' ngiting sabi niya din sakin
''What's your name little girl?'' tanong ko dito
''I'm Celina po, ikaw po ate ganda anong name mo?'' sabi niya at iniaabot ang kamay niya para siguro makipag shakehands. Napangiti naman ako.
''My name is Alysah'' at inabot ang kamay niya.
''Celina! nandiyan ka lang pala kanina pa kita hinahanap'' narinig kong sabi ng isang lalaki sa bandang likod ko kaya agad akong napalingon. He's just wearing a plain white t-shirt, maong pants and a white shoes. His brown eyes caught my eye down to his pointed nose and down to his kissable lips. Infairness ang gwapo!
''Kumuha lang naman ako ng chocolate kuya eh'' nakangusong sabi ni Celina
''Miss pasensya ka na dito sa kapatid ko hah medyo malikot lang talaga haha'' sabi nung gwapong lalaki sakin. 'Ang cute niya hehe'
''Hindi naman, ang bait nga ni Celina eh'' ngiting sabi ko ''By the way, I'm Alysah'' pakilala ko at inaabot ang kamay sa kanya.
''I'm Le...'' hindi pa natatapos nung lalaki yung sinasabi niya ng may humila sa akin papalayo sa kanilang magkapatid. Hinatak ko ang kamay kong hawak niya kaya napatigil kami.
''Wait Sky! bakit mo ba ako hinahatak?'' takang tanong ko sa kanya. Sumalubong sakin ang matalim niyang tingin? 'bakit siya galit?'
''Do you know that guy?'' parang iritang tanong niya sakin.
''Not yet? nagpapakilala...''
''SO WHY ARE YOU TALKING TO THAT GUY?!'' hindi ko na natapos yung sasabihin ko ng bigla niya akong pagtaasan ng boses.
''BAKIT KA BA NAGAGALIT HAH?!'' hindi ko na rin napigilan yung sarili kong pagtaasan siya ng boses. Kung hindi niya lang girlfriend ang bestfriend ko, iisipin ko na nagseselos siya. Para siyang biglang natauhan at nawala ang galit sa mukha niya.
BINABASA MO ANG
I'm Inlove With My Bestfriend's Boyfriend
Short StoryStart Writing: August 18, 2021 Published: October 4, 2021 Completed: January 1, 2022 Most Impressive Ranking #1 shortstory #1 childhood #1 bestfriend #1 sad Alysah has a bestfriend named Iza and a childhood friend Sky. She is secretly inl...