Chapter 13

1.3K 33 0
                                    


// Alysah's POV //


Nanaginip ako ng masama kaya agad akong napamulat. Sa panaginip ko hinahabol daw ako ng napakaraming pogi! charr zombie huhu dat pogi na lang eh. Kahit panaginip lang yon pakiramdam ko hinihingal talaga ako. Kaya napagpasyahan kong pumunta sa kusina at uminom ng tubig.

Pagkarating ko sa kusina, naabutan ko don si Sky na umiinom. 'Na naman? hayst!'

''Umiinom ka na naman Sky? makakasama yan sa kalusugan mo!'' nagaalalang sabi ko sa kanya.

''You don't care!'' malamig na sabi niya.

''Gabi-gabi ka na lang ganyan! You've change Sky!'' hindi siya umimik, parang hindi niya ako naririnig.

''Simula ng umalis si Iza, ibang iba ka na!''

''Kasalanan mo to! kasalanan mo kung bakit umalis si Iza! kasalanan mo kung bakit niya ako iniwan! Kasalanan mo kung bakit naging miserable ang buhay ko!'' sabi niya. Nagsisimula na namang magulap ang mga mata ko.

''Kasalanan ko? pano ko naging kasalanan yon? hindi ko ginusto yung nangyari!'' Tumawa siya ng palit.

''Hindi mo ginusto? wag ka ng magkunwari pa Aly! Alam kong pakana mo yon! Nilagyan mo ng pampatulog yung beer ko at nagpretend kang lasing para ihatid kita sa kwarto mo!Pinalabas mo na may nangyari satin kaya iniwan ako ng babaeng mahal ko!'' so kaya siya galit sakin kasi akala niya kagagawan ko yon?

''What? wala akong alam sa nangyari! bakit ko naman gagawin yon?!''

''Cause you love me! ginawa mo yon para mapunta ako sayo! Anong klaseng kaibigan ka? nagawa mong saktan yung bestfriend mo! Ano? masaya ka na ba?!'' nasampal ko siya.

''Wala kang karapatan para husgahan kung anong klaseng kaibigan ako! Wala kang alam!'' nagbabagsakan na ang masaganang luha sa mga mata ko.

''Bakit? ano pa bang dapat kong malaman maliban sa pagiging traydor mo? sa pagiging manloloko at pagiging makasarili mo!'' kita ko ang galit sa mga mata niya.

''Wala akong ginawang mali Sky! Oo, mahal kita! matagal na! mga bata pa tayo mahal na kita! Pero nung malaman kong mahal niyo ang isa't isa ni Iza. Na mahal ka ng bestfriend ko! pinilit kong kalimutan yung nararamdaman ko para sayo! Sinubukan kitang iwasan pero itong bwisit kong puso ikaw pa rin yung tinitibok! Ginawa ko naman lahat para hindi ako makagawa ng bagay na makakasakit kay Iza. Ganon siya kahalaga sakin!''

''Stop lying Aly! wag ka ng magpretend na biktima ka! nagkamali ako ng pagkakakilala sayo.''

''Nauna akong magmahal sayo Sky! pero nagpaubaya ako sa bestfriend ko. Pinaubaya kita!'' hindi ko na kaya pang itago ang mga nararamdaman ko. Masyado ng masakit.

"Ano bang ginawa kong masama? Bakit mo ko sinasaktan ng ganito!" hindi ko maintindihan. wala naman akong ginawang mali pero bakit?

''Ang kasalanan ko lang naman, minahal kita! Mahal kita Sky! Mahal na mahal!'' may bumakas na lungkot sa mga mata niya.

''Pero si Iza ang mahal mo. Ang bestfriend ko ang mahal mo! bakit ba hindi na lang ako?'' parang ayaw ng tumigil sa pagluha ang mga mata ko. Sobrang sakit!

Nakatingin na lang siya sakin. Hindi na siya nakapagsalita pa.

''Ang sakit sakit mong mahalin alam mo ba yun?!'' tinitigan ko ang mga mata niya

''But don't worry Sky, natauhan na ko!''

''Tatanggapin ko ng wala talaga akong puwang diyan sa puso mo!'' dinuro ko pa ang kaliwa niyang dibdib.

I'm Inlove With My Bestfriend's BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon