// Lexgel's POV //
Sobrang saya ko ng makita ko ulit si Alysah. Ilang months ko rin siyang inabangang magpunta ulit dito sa super market. Actually, mukhang na crush at first sight ako sa kanya haha ang corny. Pero seryoso, nung una kami nagkita tinamaan na agad ako sa kanya. Hindi ko alam basta lagi na siyang nasa isip ko. Gusto ko siyang makilala at mapalapit sa kanya.
Sinubukan ko siyang hanapin sa social media pero hindi ko siya mahanap. Yung name niya lang kasi ang alam ko. Marami pala siyang kapangalan kaya nahirapan akong isa-isahing istalk. 'Stalker eh haha'
Family namin ang may-ari nitong super market kaya kapag hindi ako busy dito ako tumatambay. Nagbabaka sakaling muli ko siyang makikita dito pero hindi ko siya natityempuhan. But now, sinagot na ni lord ang dasal ko. Finally, nagkita kami ulit. Hindi ko na sasayangin ang pagkakataon na'to.
Tapos na siyang mamili at nakapagbayad na rin sa counter.
''Alysah samahan na kita sa parking lot, mukhang mabigat tong pinamili mo eh'' nakangiti kong sabi sa kanya at kinuha yung mga pinamili niya.
''Naku wag na. Hindi ko kasi dala yung car ko kaya magta-taxi na lang ako.'' sabi niya at kukuhanin na sana yung hawak kong pinamili niya pero iniwas ko iyon.
''Hatid na lang kita sa inyo, pwede?'' sana pumayag ka please
''Wag na Lexgel, nakakahiya naman sayo baka may gagawin ka pa.'' sabi niya
''Wala naman akong gagawin eh. please?'' nagpapacute kong sabi sa kanya at nagpuppy eyes pa. 'nakakabakla haha'
Tinignan niya lang ako ng seryoso. 'Pumayag ka na please, ngayon nga lang kita natyempuhan eh.' sabi ko sa isip ko. Bigla siyang ngumiti.
''Sige na nga! mapilit ka eh'' natatawang sabi niya. Muntik na kong mapatalon sa tuwa. Kala mo naman sinagot niya ako, pero soon haha.
''Let's go!'' nakangiti kong sabi sa kanya. Tumango lang siya.
Inilagay ko sa likod ng kotse ko yung mga pinamili niya tapos pinagbuksan ko siya ng pinto bago ako pumasok sa kotse. Syempre dun siya nakaupo sa tabi ko, sulitin ko na. Habang nagdadrive ako bigla akong may naisip.
''Alysah gusto mo ba munang kumain?'' tanong ko sa kanya. 'Lulubosin ko nang kasama ko siya'
''Busog pa ako eh!'' Alysah
'' What about coffee?''
''Summer ngayon Lexgel, ang init init tapos gusto mo magkape? haha'' natatawang sabi niya. 'Oo nga pala'
''Ahm icecream?'' nag-aalinlangang tanong ko.
BINABASA MO ANG
I'm Inlove With My Bestfriend's Boyfriend
Short StoryStart Writing: August 18, 2021 Published: October 4, 2021 Completed: January 1, 2022 Most Impressive Ranking #1 shortstory #1 childhood #1 bestfriend #1 sad Alysah has a bestfriend named Iza and a childhood friend Sky. She is secretly inl...