Chapter 11

1.3K 30 0
                                    


// Sky's POV //


Lumipas ang mga araw, ganon pa rin kami ni Aly. Lagi ko pa rin siya inaaway. Hindi ko kasi talaga mapigilang magalit kapag nakikita ko siya. Hindi ko magawang kalimutan yung kasalanang ginawa niya.


Mas dumoble pa ang inis ko sa kanya simula nung nagkakilala sila nung Lexgel na yun. Madalas ko siyang naririnig kausap yung lalaking yon sa cellphone. Minsan napunta pa dito sa bahay at sinusundo si Aly. Mukhang nagkakamabutihan talaga sila. Nagiinit ang ulo ko pag nakikita ko ang pagmumukha non. 'Mas gwapo naman ako dun noh!''


Nakita kong bumaba si Aly ng hagdan. Nakapang-alis siya. Siguradong si Lexgel na naman ang kasama niya. Wala naman siyang ibang kaibigan eh.


Lilinawin ko lang hah. Hindi ako nagseselos. Basta naiinis lang ako. Siguro dahil habang ako miserable at malungkot kasi iniwan ako ni Iza. Siya naman parang masaya na at nageenjoy sa Lexgel na yun. Kung tutuosin kasalanan naman ni Aly kung bakit ako nagkaganito!


Binuksan na niya ang main door at akmang lalabas na ng magsalita ako.


''Saan ka pupunta?'' malamig na tanong ko sa kanya. Tumigil naman siya at hinarap ako.


''Lalabas kami ni Lexgel, susundoin niya ako.'' sabi ko na eh yung mokong na naman na yun ang kasama niya. Tinignan ko ang oras 8:05 PM na.


''Gabi na lalabas ka pa?'' walang emosyon na sabi ko.


''Magdidinner lang naman kami saglit''


''Wala bang pagkain dito sa bahay?'' inis na sabi ko


''Ano bang problema mo? magdedinner lang naman kami ni Lexgel eh.'' may inis na rin sa boses niya.


''Boyfriend mo ba yung lalaking yon hah?'' hindi ko na mapigil ang inis ko.


''Hindi, ka...'' hindi na niya natapos pa ang sasabihin niya ng magsalita ako.


''Hindi naman pala, bakit ka laging sumasama don?!''


''Mabait naman si Lex...''


''HINDI MO NA BA MAPIGILAN YUNG LANDI DIYAN SA KATAWAN MO?!'' nataasan ko na siya ng boses.


Kita ko ang bumakas na sakit sa mga mata niya dahil sa sinabi ko. Hindi ko rin alam kung bakit ko nasabi yon. Nadala na siguro ako ng inis ko. Hindi na siya nagsalita. Nakatingin lang siya sakin at alam kong malapit ng magpatakan ang luha sa mata niya. Nakaramdam ako ng sakit at akmang hahawakan siya ng biglang may bumusina.


Tinignan ko iyon at nakita kong bumaba mula sa kotse si Lexgel. Muli na namang nag-init ang ulo ko. Lumapit siya kay Aly na nakatingin pa rin sakin habang nagpipigil ng luha. Napansin siguro yon ni Lexgel.

''Alysah? ayos ka lang ba?'' nag-aalalang tanong niya dito.


Nag-iwas na ng tingin sakin si Aly at nilingon niya si Lexgel. Ngumiti siya ng pilit.

I'm Inlove With My Bestfriend's BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon