Chapter 24

1.2K 41 5
                                    

// Alysah's POV //

I heared everything! Narinig ko lahat ng pinagusapan nina Sky at Iza. Parang gumuho ang mundo ko sa lahat ng nalaman ko. Kada salitang naririnig ko mula sa kanila ay parang kutsilyong paulit-ulit sinasaksak sa puso ko.

Naglalakad ako ngayon sa kalsada. Hindi ko alam kung saan ako pupunta, ang gusto ko lang ay makalayo ako sa lugar kung nasaan sila Sky. Hindi ko na kaya pang pakinggan ang paguusapan nila. Masyado na akong durog na durog.

'Malinaw na ang lahat tungkol sa nangyari nung gabing yon!'

'So kagagawan pala lahat yon ni Iza?' natawa ako ng pilit.

'Pano niya nagawa samin yon?'

'Paano niya nagawa sa akin yon!'

'Tinuring ko siyang tunay na kapatid!'

'All this time siya palagi ang inisip ko!'

'Lagi ko siyang sinusuportahan sa gusto niya at magpapasaya sa kanya!'

'Pinaubaya ko sa kanya ang lalaking mahal ko!'

'At ginawa ko ang lahat para hindi ko siya masaktan!'

'Pero anong ginawa niya sakin? Pinagmukha niya akong masama!'

'Niloko niya lang ako! Kami ni Sky!'

'Pagkatapos ng lahat, sinaktan niya lang ako!'

Patuloy lang sa pagpatak ang masaganang luha sa mga mata ko. Kanina pa to walang tigil sa pagtulo. Nakaramdam ako ng hilo kaya napaupo ako sa gilid ng kalsada. Parang bumaliktad ang sikmura ko at nasuka. Halu-halo ang sakit na nararamdaman ko.  Sumasakit na din ang ulo ko pero mas nangingibabaw pa rin ang kirot sa puso ko.

''We have a son Sky! MAY ANAK TAYO!''
''We have a son Sky! MAY ANAK TAYO!''
''We have a son Sky! MAY ANAK TAYO!''

Parang sirang plakang paulit-ulit na umecho sa isip ko ang huling mga salita na narinig ko kay Iza. Mga salitang halos pumatay sa puso ko.

'May anak si Sky at Iza'

'Ano pang laban ko ngayon sa bestfriend ko? Siya na nga ang mahal, may anak pa sila ng lalaking mahal ko!'

'Paano na ako?'

''We have a son Sky! MAY ANAK TAYO!''

Then everything went black.

// Lexgel's POV //

Napangiti ako ng maalala si Alysah. I missed her so much! Kahit gusto ko siyang palaging makita at makasama, pinili ko na lang na medyo dumistansiya na sa kanya. Hindi ko na siya gaano binibisita at bihira ko na lang din siya tawagan. Mahirap pero kailangan, para na rin mawala tong nararamdaman ko para sa kanya. Masaya na sila ni Sky. Masaya na siya sa piling ng lalaking mahal niya. Pero kahit anong gawin ko, patuloy pa rin siyang hinahanap-hanap ng puso ko. Napangiti ako ng mapait.

''Iniisip mo na naman kuya  si ate ganda noh?'' sabi ng makulit kong kapatid na si Celina.

Nasa kotse kami ngayon at nagdadrive na ako pauwi. Galing kami ni Celina sa mall kasi nagyaya itong ipasyal ko siya. Namiss niya na daw ako, lagi kasi akong busy sa pagpapatakbo ng mga super markets namin. Binibusy ko ang sarili ko para hindi ko na gaano maisip si Alysah.

Ginulo ko ang buhok ni Celina. Si Alysah ang tinutukoy niyang ate ganda. Una pa lang yun na tawag niya don.

''Pano mo naman nasabing si ate ganda mo ang iniisip ko?''

I'm Inlove With My Bestfriend's BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon