Chapter 16

1.3K 29 0
                                    


// Sky's POV //


Niyaya kong magdate si Aly. Dinala ko siya dito sa Star City. She looks beautiful wearing her above the knee plain white dress. I didn't told her where I'll bring her. She might taught we will go to a restaurant or somewhere romantic that's why she wore that dress.

''Hindi mo naman hon sinabing dito tayo pupunta, nagdress pa tuloy ako'' nakabusangot niyang sabi.

''Sorry hon! ang tagal mo kayang nag-ayos. Sayang effort mo kapag nagpalit ka pa.'' natatawa kong sabi sa kanya. Ngumuso naman siya at yumuko.

Hinawakan ko ang mukha niya at pinaharap sakin. Tinitigan ko ang maganda niyang kulay abong mata.

''You're the most beautiful girl here honey!'' I said. Namula naman siya sa sinabi ko.

''Let's go?'' nakangiti kong sabi sakanya at hinawakan ang kamay niya. Ngumiti rin siya at tumango.

Pagpasok namin sa entrance, bumungad samin ang napakaraming rides. Tinignan ko si Aly na manghang nakatingin sa mga ito.

''Hon anong gusto mong unang sakyan?'' tanong ko sa kanya.

''Ikaw!'' sagot niya. Nagulat naman ako sa sinabi niya at parang nakaramdam ng init sa katawan ko.

''Huh?'' gulat na tanong ko. Taka lang siyang napatingin sakin. Biglang lumaki ang mata niya at nagiwas ng tingin.

''A-ahm I m-mean i-ikaw na bahala k-kung anong r-ride yung unang s-sasakyan natin.'' nahihiyang sabi niya. Nauutal-utal pa siya at halata ang pamumula ng pisngi nya.

Natawa ako sa reaksiyon niya. Hindi naman siya makatingin ng ayos sakin.

''Tara na nga! sa Viking muna tayo'' sabi ko.

''Viking? alin ba dyang ride yon?'' inilibot niya ang paningin niya at isa-isang tinignan ang mga rides.

''Ayun oh!'' turo ko sa isang malaking bangka na parang idinuduyan. Mukha namang naexcite siya ng makita yon.

''Tara na!" excited na sabi niya at hinila pa ako papunta don. Natawa na lang ako sa kanya. 'Para siyang bata!'

''AHHHHHHHHHH!''

''WAAAAAAHH!''

''MAMAAAAA!''

'''WHAAAAAA!''

halos umalingaw-ngaw sa buong paligid ang sigaw ko. Oo uulitin ko, SIGAW KO! ako kanina pa sigaw ng sigaw at gusto ng bumaba sa ride habang itong katabi ko naman na si Aly enjoy na enjoy.

''YEEEYYY!''

''HAHAHAHA!''

''MOREEEEEE!''

''YUUUHOOOOOO!''

Ayan ang maririnig mo sa kanya. Halatang tuwang-tuwa siya habang ako sukang suka na.

Lahat ng rides sinakyan namin ni Aly. Dapat daw lahat yon matry niya. Sobrang enjoy siya sa pagsakay sa bawat ride. Ako naman no choice kung hindi samahan siya na sumakay sa mga ito. Todo kapit at sigaw ako dahil baka mahulog ako dun tapos siya naman tinatawanan lang ako.

'Dapat pala hindi ko siya dito dinala! bakit dito ko pa naisipan magdate? kainis!'


~~~~~


Nang matapos naming sakyan ni Aly ang lahat ng rides. Nabitin pa at gustong umulit pero pinigilan ko na. Hilong-hilo na nga ako eh daig ko pang nakainom pero siya parang wala lang.

Niyaya ko na lang siyang kumain. Naglibot libot kami upang maghanap ng makakainan. May nadaanan kaming isang stole na iba't ibang uri ng street foods ang tinda.

Naalala ko hindi non kumakain si Aly simula pa nung bata kami. Maselan kasi siya sa pagkain. Hindi siya basta-basta nakain ng kung anu-ano. Kahit anong pilit kong pakainin siya ng street food ayaw niya talaga.

Dahil may-amnesia siya, hindi niya ma-aalalang hindi siya nakain non. Napangisi ako sa naisip ko. 'Hinilo mo ako kanina, babawi naman ako!'

''Hon ito na lang kainin natin?'' tanong ko sa kanya at tinuro yung mga street foods.

''Ano ba tong mga to?'' Kunot noong tanong niya habang isa-isang tinitignan ang mga tinda.

''Basta masarap yan, try mo!'' nakangising sabi ko. Kumuha ako ng stick at nagtusok ng kikiam bago isawsaw sa sauce. Inilapit ko yun sa bibig niya upang isubo.

Nakangisi lang ako sa kanya habang hinihintay na kainin niya yon. Tinititigan niya lang yung hawak ko sabay tingin sakin at ngumuso.

''Bakit ganyan mukha mo? para kang nakangiting aso!'' nakabusangot na sabi niya. ''Ano ba kasi yan? saan ba yan gawa?''

''Basta hon kainin mo na lang, nangangawit na kamay ko!'' sumimangot pa ko para kainin niya.

Pumikit siya at pilit na isinubo ang kikiam. Napangiti ako ng malaki at hinintay magiging reakisyon niya. Hindi niya pa rin nginunguya at parang gusto ng iluwa.

''Nguyain mo kasi hon'' sabi ko.

Sinimulan niyang nguyain yung kikiam sa bibig niya. Biglang nagbago ang reaksiyon ng mukha niya. Naghahanda na ako para tawanan siya kaso nang magmulat siya ng mata ay bigla siyang ngumiti.

''Masarap nga hon! bili ka ng marami tapos ipagtake out mo ko hah?'' masayang sabi niya.

Ako naman ang napanguso. Akala ko pa naman makakabawi na ako sa kanya. Pero ayos lang atleast nagustohan niya.

''Oo naman!'' nakangiting sabi ko sa kanya.

Naglibot pa kami ni Aly sa Star City. Kita namang enjoy na enjoy siya sa lahat ng ginawa namin. Alam kong napasaya ko siya sa date namin. Nang mapagod na siya ay nagpasya na kaming umuwi.

Nagdadrive na ako papuntang bahay namin. Si Aly naman tulog sa tabi ko. Halatang napagod talaga siya. Pano kasi parang bata, halos lahat ng nasa Star City sinubukan.

Napangiti ako ng maalala yung mga ginawa namin kanina. Ang saya ko rin na kasama siya. Nakalimutan ko lahat ng problema. Nakalimutan ko rin na nagpapanggap lang pala akong boyfriend niya.

Naalala ko yung paguusap namin ni Aly bago kami umuwi.

(Flashback)

Paglabas namin ng Star City ni Aly, bigla niya akong niyakap ng mahigpit.

''Thank you for this date hon! I really enjoy it!'' nakangiting sabi niya. Niyakap ko din siya pabalik.

''I want to always make you happy!'' nakangiti ring sabi ko. Humiwalay na siya ng yakap.

''Siguro ang dami nating masasayang ala-ala dati, sayang lang hindi ko naaalala.'' may lungkot na sabi niya.

'Kung alam mo lang, puro sakit lang ang naidulot ko sayo noon.'

''Gagawa na lang tayo ng bago. Lahat puro masaya!'' sabi ko sa kanya. Ngumiti naman siya.

''I love you hon!'' sabi niya. Nginitian ko lang siya at muling niyakap.

(End of flashback)

Hindi niya naman alam na hindi talaga kami. Parehas naman kaming single. Si Iza mukhang wala na rin balak bumalik sakin. At isa pa, mahal naman ako ni Aly.

'Bakit kaya hindi ko na lang totohanin?'


~~~~~


A/N: Sorry sa typos  and wrong grammar. Also its unedited. Pavote po thankyouu :))

I'm Inlove With My Bestfriend's BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon