Prologue

5.3K 117 4
                                    

Do you have a bestfriend? What about someone you love? What if one day come to your life that you need to choose between your bestfriend and the person you love? What will you do? Who will you choose?

''Siss! bat tulala ka dyan? ano ba yang iniisip mo hah at lutang ka?'' sigaw ni Iza sakin.

Kahit kailan talaga ang ingay ng babaeng to. Lagi ng pasigaw kala mo bingi ang kausap. Her name is Iza Lyn Gersaniva and she's my bestfriend. Magkasama, magkasundo at magkakampi kami sa lahat ng bagay. Magkapatid na ang turingan namin sa isa't isa. Mahal ko yan at ayokong nakikitang nasasaktan o umiiyak yan kahit medyo may pagkaluka-luka.

''Wag mo na kasi isipin yon, mahal ka non'' birong sabi naman ni Sky habang nakayakap patalikod kay Iza.

'Sky Niel Laresma malibhasa hindi mo alam na ikaw lang lagi laman ng isip ko.'

''Hindi nga ako ang mahal mo eh'' bulong ko sa sarili ko

''Ano? may sinasabi ka ba?'' tanong pa nito

''Sabi ko ang sakit niyo sa mata! alam niyo namang may single kayong kasama tas dyan pa kayo sa tabi ko naglalampungan.'' sabi ko sa kanila sabay irap bago ako umalis at pumunta sa kwarto ko.

Narinig ko pa silang nagtawanan at sinabihan akong bitter. Sanay na sila sa ganong asta ko. Akala nila bitter ako kasi no boyfriend since birth pa ko pero ang totoo nagseselos at nasasaktan ako sa kanila.

2 years ng boyfriend ni Iza si Sky, But they don't know that I'm secretly inlove to him. Oops! bago niyo ko husgahan at sabihan ng kung anu-ano dahil minahal ko ang boyfriend ng bestfriend ko, uunahan ko na kayo. Mahal ko na talaga si Sky bago pa naging sila. Actually dahil nga sakin kaya sila nagkakilala eh. Kung baga ako naman talaga ang nauna sa kanya. Una siyang naging sakin! Charr hindi naman pala naging kami. I mean una akong nagmahal sa kaniya.

Kababata ko si Sky at dati pa man gusto ko na siya pero hindi ko maamin dahil natatakot ako na baka iwasan niya ko pag nalaman niya. Hindi yon alam ni Iza, syempre secret ko lang yun. At dahil sa kaduwagan ko sa bestfriend ko siya napunta. Oo masakit, pero tinanggap ko ng hindi pwede maging kami ni Sky. Nakikita ko namang masaya sila sa piling ng isa't isa kaya ayoko ng makagulo pa. Sasarilinin ko na lang siguro to, hindi na nila kailangang malaman pa.

Sinasaksak ko na lang sa isip ko na makakamove on din ako at mawawala ang feelings ko para sa boyfriend ng bestfriend ko. Pero pano naman mangyayari yon eh lagi ko silang kasama. Sa iisang university kami napasok tapos nakatira pa kaming tatlo sa iisang bahay. Ang hirap kayang araw-araw makitang masaya ang taong mahal mo sa piling ng bestfriend mo. Pero nasasanay na din naman ako... nasasanay ng masaktan.

By the way, I'm Alysah Vergara. I'm inlove with my bestfriend's boyfriend.

~~~~~

A/N: First story ko po ito dito sa Wattpad. Unedited pa po ang story so sorry sa mga typos and wrong grammar. Sana magustohan at suportahan niyo po :)) Don't forget to vote and comment. Thankyouuu! ^3^

I'm Inlove With My Bestfriend's BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon