Chapter 12

1.4K 36 0
                                    


// Lexgel's POV //


Dinala ko si Alysah sa favorite place ko. Nasa mataas kaming parte sa labas ng city. Mula dito makikita mo ang naggagandahang ilaw mula sa city galing sa mga buildings at kabahayan. Open area din ito at merong maliliit na damo. Masarap dito magpicnic. At dahil gabi, makikita mo ang napakaraming bituin na nagkikislapang sa kalangitan.


Pagbaba namin ng sasakyan ni Alysah. Kita ko ang kislap at mangha sa mga mata niya. Gumuhit din ang isang matamis na ngiti sa mga labi niya. Pumikit siya at dinama ang malamig na hanging dumadampi sa balat niya.


''Ang ganda naman dito!'' masayang sabi niya.


''Ang ganda talaga'' sambit ko habang nakatingin sa kanya. 'Napakaganda niya!'


Lumingon siya sakin kaya nagiwas ako ng tingin sa kanya at kunwaring sa kapaligiran nakatingin. Narinig kong tumawa siya ng mahina kaya napangiti ako.


Pumunta ako sa kotse at kinuha ang kumot na nakatago don pati na rin ang mga pagkaing binili ko. Inilatag ko yung kumot sa damuhan at inayos ang mga pagkain.


''Night picnic?'' nakatawang sabi niya. Nginitian ko lang siya.


Umupo na kami sa kumot na nilatag ko at nagsimula ng kumain. Masaya kaming naguusap habang kumakain. Mukhang nakalimutan niya na yung problema niya.


Nang matapos na kami kumain agad kong niligpit yung kalat at dinala sa kotse ko. Pagbalik ko, naabutan ko siyang nakaupo at nakatitig lang sa mga bituin. Napansin kong nilalamig siya dahil nakasleeve less dress siya kaya hinubad ko ang suot kong jacket at isinuot ko sa kanya.


Napangiti naman siya. ''Thank you!''


''Jacket lang naman yan haha!'' natatawang sabi ko.


Ngumiti ulit siya. ''Not just for this'' bigla siyang tumingin deretsa sa mata ko


''Thank you for coming to my life.'' sincere na sabi niya. Natigilan ako, ang bilis ng tibok ng puso ko. 'Kinikilig yata ako haha nakakabakla'


''Dahil sayo, kahit papano nagiging masaya ako. Nakakalimutan ko yung sakit!'' bumakas ang lungkot sa mga mata niya. Umiwas siya ng tingin at tumingala lang habang nakatingin sa kalangitan.


Hinayaan ko lang siya magsalita at pinakinggan lang ang sinasabi niya habang nakatingin pa rin ako sa kanya.


''You know, I have a bestfriend. Her name is Iza. I love her and I treat her like my real sister. While, Sky is my childhood friend. Ever since we're young, I like him and it became a love.'' parang kumirot ang puso ko ng marinig kong inlove siya kay Sky.


''They both don't know about it. I just keep it a secret. Until one day I found out that my bestfriend and the man I love is in a relationship.'' kita ko ang sakit sa mga mata niya.

I'm Inlove With My Bestfriend's BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon