Chapter 4

1.5K 43 1
                                    

// Alysah's POV //


Nakatingin lang ako sa dalawang lovebirds na nagsusubuan dito sa harap ko. Magkakasabay kami ngayon kumakain ng hapunan pero ako eto hindi makakain ng ayos at pinapanood lang sila.


''Babe try mo tong niluto ko kung masarap.'' sabi ni Iza kay Sky tapos sumandok ng menudo at isinubo dito.


''Mmm! ansarap babe! galing mo talaga magluto'' tuwang sabi ni Sky


''Wait babe lapit ka parang may sauce na tumalsik sa pisngi mo '' sabi ni Iza. Napansin ko ngang meron sa pisngi ni Sky


''Saan banda babe? punasan mo nga'' lumapit si Sky kay Iza at pinunasan nga ito.


'Ang sweet niyong dalawa! nakakaumay! tumigil na nga kayo at ang sakit mangagat ng langgam dito' pero yung puso ko talaga ang masakit huhu. Gusto ko sanang sabihin sa kanila yan kaso baka sabihin naman ang bitter ko masyado.


''Yan babe wala na!'' sabi ni Iza at ngumiti


''Thank you babe! iloveyou!'' at ngumiti rin sa kanya pabalik si Sky


Shit! I can't take this. Masyado na akong nasasaktan. ''Nakakawalang gana kumain'' bulong ko.


Napatigil ang dalawang lovebirds sa pagtutukaan nila hehe I mean sa pagkain nila at napatingin sakin ng bigla akong tumayo.


''Ahm tapos na ako guys kumain kaya punta na ko sa kwarto ko hah'' sabi ko sa kanila at pinilit ngumiti. Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin nila at pumunta na agad ako sa kwarto ko. Pagkasara ko palang ng pinto ay nag-unahan ng maglabasan ang mga luha sa mga mata ko na kanina ko pa pinipigilan.


''Umiiyak ka na naman Alysah! Hanggang kailan ka pa ba masasaktan hah? hindi ka pa ba sanay na makitang sweet sa isa't isa ang bestfriend mo at lalaking mahal mo?'' pagkausap ko sa sarili ko.


Napabuntong-hininga na lang ako at pinunasan ang mga luha ko. Simula ng maging close kami ulit ni Sky at lalong mahulog ang loob sa kanya, mas nararamdaman ko na rin ngayon ang sakit sa twing makikitang kay Iza siya masaya.


Kahit alam kong wala naman akong karapatan, hindi ko pa din maiwasang masaktan.


~~~~~


Nagising ako dahil naramdaman kong kumukulo ang tiyan ko. Tinignan ko ang oras sa phone ko, 12:51 AM palang. Pinilit kong matulog ulit kaso ramdam ko talaga yung gutom ko kaya napabangon ako.


''Kainis! hindi kasi ako nakakain ng maayos dahil sa lovebirds na yun!'' lumabas ako ng kwarto upang magtungo sa kusina. ''Siguro naman may tira pang pagkain sa ref. Makakain nga muna''


Hindi pa ako tuluyang nakakababa sa hagdan ng mapansin kong may mga tao sa kusina. Gumilid ako at pilit sinisilip kung sino yon. 'Magnanakaw ba yun? Shit! kailangan ko tumawag ng pulis!' pero natigilan ako ng makilala kong sina Sky at Iza ang tao don.

I'm Inlove With My Bestfriend's BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon