Nandito kami ngayon sa mall.
Wala, lakad lakad lng tas titigil para kumain.
Ang boring nga eh.
Dati naman ganito lang ginagawa namin pero hindi naman ako naboboring.
Ano kaya kung Makita ko siya ngayon?
Tas may kasama siyang babae, tas magha-hi pa siya.
Sasagot kaya ako?
Kung ako ikaw?
Sasagot ka ba?
Or deadma lang?
Hay… nakakaloka naman madepress.
Sakit sa bangs.
“Ma, gusto ko ng ice cream. Bili tayo.”
“Kawawa naman ang anak ko. Halatang depressed. Sige dun nalang tayo bumili. Mas madami kasi dun. J”
Nakasmile si mommy kaso alam ko nasasaktan din yan.
Bakit naman kasi ang hirap magmove on?
Yan tuloy pati nanay ko nadadamay.
Pagkadating namin sa isang familiar na ice cream shop, nakipila na kami.
Madami kasing tao.
Masarap kaya kasi ice cream nila dito.
Ditto kami palagi ni Ral…
“Ralph! Cookies and cream sakin ah.” –babae sa likod.
“So pag magpapabili wala nang endearment?hahaha” –lalake sa likod.
Naramdaman kong hinwakan ni mommy ung kamay ko.
Alam ko na narinig niya.
Hindi dapat pumatak luha ko.
“ ma.”
My mom gave me a concerned look.
“ Ok ka lang? upo ka muna doon.” Sabay turo sa isang bakanteng bench.
Nakayuko akong naglakad kaya hindi ko nakitang may tao na pala akong nabanga.
“Sorry po.”
.
.
.
“Ah wala yun. Kamusta kana pala?”
I was shocked by his question, kaya naman tinignan ko siya.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
It’s him. Siya talaga.
Hindi ako namamalik mata.
Totoo.
Pero parang iba.
Hindi ko maexplain pero diba dapat galit ako sa kanya?
Pero alam mo yung feeling na nakita mo ang iyong kaibigan na matagal nang hindi ngparamdam
sayo tapos gusto mong sabihing…
“hey yoh! Wazzup! Long time no see ah.”
Hindi ito yung naimagine kong scene pag nakita ko siya.
Tyaka teka, parang may iba.
yun parin naman yung mata niya.
bibig? mukhang kissable pa rin.
ilong? Matangos pa naman as ever.
Pero alam ko may mali eh.
Hindi naman dahil sa matagal ko na siyang hindi nakita.
Palagi ko ngang tinititigan mga pictures nya eh.
May mali talaga.
Sadyang mabilis ang mga kamay ko kaya hindi ko na sila napigilang hawakan ang mukha niya.
Ganon din naman kabilis ang bibig ko sa pagsabing…
“parang may mali.”
“ano? Hahahaha. Anong mali?”
“Nagpa-Belo ka ba? Para kasing iba ang hugis ng mukha mo.”
“hahahahaha. Ano kaba Gayle. Ako to. Si Ralph. Kamusta kana?”
“ok lang naman ako. Pero nawi-weirdohan ako sa sarili ko ngayon eh.”
“Dati ka naman na kasing weirdo. Joke.”
Tas tumawa siya ng mejo malakas.
Napataas ang isa kong kilay.
Aba naman kasi sa pagkaka-alam ko hindi ganon ang tawa niya.
Ang dami naman atang pinagbago ng lalaking to.
Samantalang ako wala ni isa.
Ay nako ewan. Nakakaloka.
Nako nako naman. Ang gulo!
Napatigil ako sa kaiisip ng…
Aba! Walnjutay naman oh.
Ganon na lang? ai naman!!!
nilapitan ko na ulit si mommy na matagal na palang naktingin samin.
“ma alam mo, ang weird.”
“oo alam ko. Hindi rin ganon yung eksenang naimagine ko. Kasi naman diba ngapractice ka pa sa bahay. Yung ganito… ehem! Ehem! ‘bakit Ralph? Bkit? Anong akala mo sakin? Laruan?huhuhu. Basta basta na lang iiwan pag pinagsawa na.waaaaahhhuhuhuhuhuhuh. gaano ba kaganda ang mga babae dun at nakalimutan mo mga pangako mo!’ ung ganong epek. Pero wala. I’M VERY DISSAPOINTED.”
Aba naman. Nanay ko ba to?
Pero sabagay tama naman.
Pero. Aist!
“oo nga noh? Pero ma, may napansin k aba kay Ralph?”
“ah. Oo, hindi naman ganun kahaba baba niya noon, tyaka ngpadadag ba daw siya ng panga? Parang lumaki din no?” sabay hawak sa panga niya.
“oo yun yun yung napansin ko kanina. Uhmmm. Nakakastress naman siyang isipin. Uwi na tayo ma. Pagod na kasi ako eh.”
At ayun bumaba na kami.
Pagbaba namin, bigla na lang napaupo si mommy. Nakatingin siya sa isang direksyon.
Sinundan ko ang mga mata niya. And was really shocked all I managed to say was… “sino yung siya? Ma, sino yung babae?”
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
kung may readerman ako jan, pls pls pls pls pls pls vote and comment na rin. tenchu.:))
sorry kung may pagkaMAIS. baguhan pa lang po ksi.^___________^
maraming thank you ulet sau.:)
BINABASA MO ANG
The Reason Behind His GOODBYE
Non-Fictionwould you want to know the reason behind his goodbye? would you accept his reason? will you forgive him?