CHAPTER 3
“ma sino siya? sino yung babae?”
“Hindi ko alam. Tara anak uwi nalang tayo. Let’s just pretend na wala tayong nakita.”
At ayun nga umuwi na kami.
Hindi ko mabasa ang expression sa mukha ni mommy.
Kung sabagay, hindi naman kasi ito yung unang beses na ginawa to samin ni daddy.
Kaya sanay na ako.
Unlike dati… nung 2nd year high school palang ako.
Flashback:
Absent daw yung teacher naming ng English kaya naman pinagawa nalang kami ng essay.
Wala akong maisip.magulo utak ko.
Pano ba naman kasi nagka…
“Excuse me. Dito ba ang section ni Ms. Gayle Ramos?” –isang practice teacher.
“Ah. Opo ako po yun. Bakit po?” sabay tayo at ayos ng palda.
“ummm. Pinapatawag ka sa Guidance Office.”
Normally pag pinapatawag ka dun, obviously may nagawa kang kasalanan or di kaya’y sobrang baba ng grades mo. Kasi naman, hindi sa pagmamayabang ah, tinagurian kasing Science High School ang school namin kaya dapat buhay na buhay ang mga brain cells mo. Or else, tsupi!
Kaya nga may tinatawag na “kick-out” dito sa lugar na to kahit mabait ka.
Katatapos lng kasi ng second grading.
“ah, sige po sunod nalang po ako.”
At ayun nga pagkarating ko, pinaupo na ako sa Hot seat.
“pinatawag niyo raw po ako.”
“Ah yes Ms. Ramos. Saglit lang.” at tumayo na ang ever favorite kong guidance counselor at may kinuha dun sa lalagyan ng mga files.
Hindi naman ako palagi dito, actually this is my first time. Kaya ko nasabing favorite ko si madam kasi favorite niya din daw ako eh. Ewan ba. Siya kasi ng-interview sakin nung first year ako eh.
“Gayle, bakit ganito ang mga grades mo this grading? kilala kita. And I know you can do more than this. Gayle, from line of 9 to line of 7? Sobra naman ata ang binaba. Buti sana kung isang subject lang pero lahat?”
“Just kick me out of this school. Habang maaga pa po.”
Gulat.
Alam ko.
Ako rin naman magugulat pag ako nasaposisyon niya.
“To graduate in this school is every child’s dream. At ikaw, nakaya mo na ng isang taon. Why?”
“Ayoko ko pong mawala ang papa ko.”
Binigyan niya ako ng what-do-you-mean look.
So tinuloy ko.
“Ma’am, sasabihin ko po pero wag niyo pong sasabihin kay mommy.”
“ok.”
“May babae po si daddy. Pano ko po nalaman? Nakita ko po sila. Nagpakilala nga po yung babae sakin. I warned her na pag hindi niya lalayuan daddy ko aawayin ko siya. Pero parang mas malakas siya. Kasi narinig ko noon si daddy kausap niya sa phone yung babae niya.”
Hoooo… huminga ako ng malalim.
Pilit kong binalikan yung oras na yun.
Hindi ko na napigilan ang mga luha ko.
Nag-unahan na sila sa pagbagsak.
Pero nakaya ko pang ngumiti ng mapait at tinuloy ang pagkukwento.
“sabi po niya pagka-graduate ko daw po ng high school, iiwan niya na daw po kami ni mommy. Ikaw ma’am kung ikaw nasa posisyon ko ngayon. Pipiliin mo bang makapagtapos ng walang tatay? Ako? I love my father. Kahit habang buhay ako sa high school ok lang. wag lang po mawala ang tatay ko. Please ma’am paki-kick out na po ako. Ayoko pong mawala ang daddy ko.”
Pag tingin ko sa mga mata ng aming Guidance Counselor isa lang ang nabasa ko sa mga mata niya.
AWA.
Ako din naaawa ako sa sarili ko.
Naaawa ako sa mommy ko.
Hindi ko lubos maisip kung bakit nagkaroon ng ganong asawa ang nanay ko well in fact mabait naman siya.
Ako rin naman ah, mabait ako.
Halos 14 taon na ako ditto sa mundong ibabaw, sa pagkaka-alala ko nagging mabait naman akong anak.
Simula nung Prep hangang sa grumaduate ako ng elementary hindi ko sila binigo. Parati pa nga akong umaakyat ng stage, parati akong may medal.
Hindi naman ako pabigat na anak ah.
Pero bakit ako nabigyan nang ganong ama?
Ikaw alam mo kung bakit?
Haha. Nakakatuwa ang buhay.
Yung mga kakilala ko nga na pasaway ang ayos ng buhay.
What an IRONY.
Lahat naman kasi atang mababait KINAKAAWAAN o di kaya KINAKAWAWA.
“ehem!”
Napatigil ako sa pag-iisip.
“Alam mo, ako rin iniwan kami ng tatay ko. Pero nagpursigi ako sa pag-aaral. Alam mo, pagkagraduate ko ng College, pagkatapos na pagkatapos ng graduation ceremony, pinuntahan ko ang tatay ko isinampal ko ang diploma ko sa kanya sabay sabing ‘See, I made it without you.’ Hindi ko naman sinasabing ganon din ang gawin mo. Pero ipakita mo na kaya mo. And time will come; he’ll realize how big his lost is. Study hard for you mom and for yourself. So, would you like to take a reconsideration test?”
End of Flashback.
Pero nagtataka ako ngayon.
3rd year na ako sa college hindi pa naman siya umaalis.
Pero if that time will come,handa na ako.
“baba na anak. Nasa bahay na tayo. J”
Oh God, si mommy nalang ang problema.
Kakayanin niya kaya?
Knowing na sobrang mahal niya si daddy.
Makita ko langna umiyak nanay ko, ako na mismo angmagpapalayas sa ama ko.
Ngayon pa kaya na handa na ako.
BINABASA MO ANG
The Reason Behind His GOODBYE
Non-Fictionwould you want to know the reason behind his goodbye? would you accept his reason? will you forgive him?