CHAPTER 5
Maaga ako nagising kasi maaga rin ako susunduin ni lola.
Oo,sa bahay ng lola ko muna ako titira.
Bago ako umalis ng bahay binalak kong mag-iwan ng sulat.
Doon muna po ako kay Lola titira ayoko muna kasi kayong makita. Wag po kayong mag-alala, papasok pa rin naman po ako sa school. Hindi naman ako mahihirapan kasi nga diba malapit lang naman yung bahay niya sa school. Tiyaka babalik po ako.
GAYLE
Pagkasakay na pagkasakay ko sa sasakyan niyakap agad ako ni lola.
“Dalaga na talaga ang paborito kong apo.”
Bumitiw ako sa yakap niya bago nagsalita…
“hahaha.Lola naman, parang may iba pa kayong apo ah. Asan po pala si lolo?”
“andun sa bahay, naghahanda ng pagkain. Dapat daw masarap yung uulamin kasi ngayon ka na naman daw niya ulit makikita. Nga pala nahanda na yung kwarto mo.”
“yung kwarto bapo yun ni mama?”
“ah hindi. Naalala mo yung nursery room? Pinaayos yun ni lolo mo nung isang taon para naman daw may sarili ka nang kwarto sa bahay. Tiyaka alam mo miss kana ng mga tao dun. Blah blah blah blah…”
Parang background music nalang yung boses ni lola.
Namiss ko to yung magkukwento siya, tas ako matutulog sa balikat niya.
Kasi naman yung boses niya ang ganda.
Aist. Sana bata nalang muna ako.
Pagdating namin sa bahay nila, ganun pa rin naman.
Parang nawala lahat ng mga problema ko.
Ang sarap sa pakiramdam.
Naglakad ako papunta sa likod.
Alam ko kasing nandun si Lolo.
Mahilig kasi siyang magtanim nga mga gulay.
Pagdating ko dun, agad ko siyang niyakap.
Miss na miss ko na siya.
“Lolo! Namiss kita.”
“oh, bat naluluha ang apo ko?”
“namiss ko kasi kayo ni lola eh. Hehe. Lolo, gutom na ako. Anong ulam?”
Imbes na sumagot tumawa lang siya at tumayo.
Hahaaha.
Namiss ko talaga to.
Pagakatapos naming kumain, nagpaalam muna ako.
Puntahan ko kasi yung isa kong lolo yung papa ni papa.
Sa sementeryo.
Oo, namatay siya nung 1st year high school ako.
Mahal na mahal ako nun. Ako kasi ang bunso niyang apo.
Pagkarating ko dun, nahanap ko naman agad yung puntod ni lolo. Umupo ako.
Nagsindi ng kandila.
“Lolo, kamusta kana? Ayan oh, may katabi kana pala. Wait lang Lo ah, tignan ko kung sino. Baka kakilala ko.”
At ayun nga tumayo ako.
Rence Madrid
Kaano ano kaya to ni Ralph?
June 2, 1993 – April 12,2009
Ang bata naman niyang namatay.
“siguro isa ka rin sa mga naaksidente dahil sa katangahan.”
Pagkasabi ko nun, umupo na ako sa harap ng puntod niya.
Ewan ko pero parang gusto ko siyang kausapin.
“ui ako nga pala si Gayle. Lolo ko yung katabi mo. nakikita mo siguro siya sa langit.”
Ewan ko ba para akong eng eng.
Pero feeling ko matagal ko na tong kakilala.
“may girlfriend ka bang naiwan dito? Kung meron siguradong masakit para sa kanya ang pagkawala mo. pero 3 years na rin siguro naka move on na yun. Ano sa tingin mo?”
Kung ako kaya yung naiwan niya makakaya ko kaya?
“alam mo, kaapilyido mo pa yung ex ko. Parehas pa nga kayo ng birthday eh. Kaano ano mo ba siya? Sabagay hindi din naman siya taga rito. Alam mo mahal ko pa rin siya pero nakita ko lang siya nung isang araw. May kasamang babae. Pero parang nung nakita ko siya hindi naman ako galit. Parang wala lang. yun ba yung sign na nakamove on na ako? Na hindi ko na siya mahal? Hay. Sana nga.”
Alam kong patay na to kaso habang dumarami ang mga lumalabas na salita sa bibig ko gumagaan din pakiramdam ko.
“siguro nakita na kita dati nung buhay ka kaso hindi ko lang matandaan. Hindi kasi ako taga rito. Lumayas lang ako sa bahay.”
Pagkasabi ko non, parang naimagine ko na pinukpok niya ulo ko. Kaso nakakatawa si Rence yung naisip ko pero mukha ni Ralph nakita ko.
Hahaha.
Weird.
“haha. Uy hindi ako pasaway ah. Yung daddy ko kasi. Basta long story. Kunwari ikaw nalang si Ralph para kunwari alam mo yung buong kwento. Oo Ralph pangalan nung ex ko. kakatuwa nga eh Rence at Ralph. Ralph at Rence. Parang kambal lang. parehas pa ng birthday. Hehe. Pero imposible naman yun. May kapatid si Ralph pero wala siyang kambal. Ikaw may kapatid ka ba? Ako kasi wala eh.”
Uhmmm. Napatingin ako sa langit parang ngumiti siya.
Matagal na akong nakatingala nang mapansin kong palubog na pala yung araw.
“Oh siya Rence, nice to meet you! ^________^ alis na ako. Maggagabi na oh. Wag mo akong susundan ah. Nakakamatay. Haha. Sige na. don’t worry pag binsita ko ulit si lolo ko, pupunta ulit ako dito. Ikukwento ko lahat ng nangyari saking sa buong araw. Hehe. Sige.”
Hindi ko alam pero sobrang saya ko.
Yung ngayon ko lang ulit nafeel to.
Nafeel ko na to dati eh. 3 years ago…
Ano to naiinlove ako sa patay? Hehe
Wag nman sana.
Pagkauwi ko sa bahay sinalubong ako ni Lolo.
Nakakunot noo niya.
“haha. Hi lolo. Bakit ganyan mukha mo?”
“akala ko ba Broken hearted ka? Eh parang ang saya mo.siguro kayo na nung ano nang pangalan nong lalaking yun? Rence ba? O Lawrence?”
“hahahaaha. Lolo naman. None of the above.Ralph po. Tyaka hindi kami noh. Hindi na ako mahal nun. May nakilala kasi akong new friend.”
“ah ganon ba. Taga san naman?”
“taga sementeryo po. Hehe.Rence po. Ang gaan nga ng loob ko sa kanya eh.”
“Obvious ba? Hehehe” tlagang ginaya pa talaga niya yung tono ng boses ko.
Hahahhaaha.
Sana ganto nalang palagi.
Sana.
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
:*
comment comment at like like din.:))
BINABASA MO ANG
The Reason Behind His GOODBYE
Non-Fictionwould you want to know the reason behind his goodbye? would you accept his reason? will you forgive him?