he WAS my superman 2

38 2 0
                                    

CHAPTER 4

Matutulog na sana ako kaso parang may naririnig akong nag-aaway sa baba.

Binuksan ko ang bintana sa kwarto ko kaso wala naman.

Hindi naman ugali nila mama  ang magsigawan ni papa eh.

Pipikit na sana ako ng may biglang…

Crashhhhhhhhhhh!!!

Napabalikwas ako ng bangon.

Lumabas ako ng kwarto at nasilip ko sa baba na nakaupo sina mama at papa may mga bubog din so malamang iyon yung narinig ko kaninang ingay.

Dahil sa kadahilanang tinuruan naman akong wag makialam sa usapan ng mga matatanda, papasok  na  sana ako ng magsalita si mama.

“akala ko ba kasi magbabago ka na? eh parang lumala ka pa eh!”

“Wag kang sumigaw. Hindi kana nahiya sa mga kapit-bahay!”

Sasagot pa sana si mama pero bumaba na ako.

Dumeretso ako sa kusina ng parang walang nakita kumuha ako ng tubig at bumalik ako ulit sa sala.

Habang umiinom, pinagmasdan ko  lang sila.

Para bang ng-aantay ng palabas.

Pagkatapos kong uminom, ako na ang bumasag sa katahimikan.

“Go on. Nahiya pa kayo eh nagising niyo na nga ako. So imbes PO na magreklamo ako papanoorin ko nalang tong palabas niyo.”

“BASTOS na bata! Pagsabihan mo yang anak mo Tina!”

Tinignan ako ni mama na parang sinasabing pumasok na ako.

Pero ewan ko. May pumipigil saking pumasok.

Then bigla kong naalala yung nagyari nung high school pa ako at kanina.

“ano naman po tawag niyo sa sarili niyo?”

“san kaba natutung sumagot ha Gayle? sa pagkaka-alala ko ako pa rin ang ama mo at kelangan mo akong irespeto?”

“respeto? Nasa bokabyularyo mo pala yan PA. Ama nga kita pero this past years parang wala akong tatay. Kasi nga naman you’re too busy having…”

Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko kasi hinwakan ni mama kamay ko.

“Gayle pumasok ka na. ako na bahala ditto.”-mama

Tinignan ko lang ang kamay ni mama na nakahawak sakin tas dahan dahan ko na itong tinanggal.

“No! papalagpasin ko pa batong oras na to? Matagal ko nang sinilid ang galit ko ditto.” Sabay turo sa puso.

“at ngayon na may oras na akong ilabas lahat to pipigilan ko pa ba? Sabihin mo nga sakin Pa ikaw pa ba ang superman ko?” tuluyan nang bumagsak ang mga luha sa mga mata ko.

“Last week lang umiwi ako ng late, ni hindi mo man lang tinanong kung bakit late ako umuwi oh kung san ako pumunta o kung kumain na ba ako. Ni hindi mo nga ako liningon nung sabihin kong ‘Pa, nandito na po ako.’ Dumaan nga ako sa harapan mo  pero parang hangin lng ako sa mga mata mo.  pa, naalala mo pa ba yung time na hindi ako nakauwi kasi umuulan ng malakas, nasa kapitbahay lang ako noon, pero todo alala ka. Sinabi mo pa nga sakin noon na ikamamatay mo pag nawala ang prinsesa mo.”

Ngumiti ako dahil, sa mga nagsisibalikang alaala.

Bittersweet ika nga nila kasi may kasamang luha.

“Eh nung time na nagalit sakin si mama kasi dapat doon na ako sa room ko matulog pero katok pa rin ako ng katok sa pinto niyo kasi natatakot akong matulog mag-isa. Sabi ni mama noon dalaga na ako. Tinanong ko nga sayo noon kung dalaga na ba talaga ako kasi hindi ako masyadong naniniwala kay mama. Sabi mo hinding hindi ako magiging dalaga kasi kahit tumanda ako, ako pa rin ang baby mo. I was a daddy’s girl. Umiiyak ako noon diba pag hindi mo ako sinama sa mga lakad mo. diba magkatabi pa tayong natutulog sa sala kasi hindi tayo magkasya sa bed ko, kasi pag dinala mo ako sa room niyo ni mama magagalit na naman siya kasi matanda na ako.”

“Pa, alam mo ba,kaya may line of 7 ako nung 2nd year high school kasi narinig kong sinabi mo sa kabit mo na pagka graduate ko ng high school, sasama ka na sa kanya. Ayoko na noong grumaduate.haha. Balak ko nang maging high school student habang buhay, wag mo lang kaming iwan.”

Masakit pala.

Sobra.

“Alam mo pa, nagka-boyfriend na ako. Alam yun ni mama, hindi ko nasabi sayo kasi hindi mo na ako pinapansin noon. Pero alam mo, iniwan niya ako. Ang sakit Pa. At I’m starting to believe na it’s your fault. Pa oh, yung karma mo sakin napupunta. Dati inaaway mo si mama pag hindi niya ako binibilhan ng Chocolate. Sabi mo noon ayaw mo akong makitang umiiyak. Eh ano na ngayon? Pa,kung hindi mo kayang magbago para kay mama, please Pa magbago ka naman oh para sakin. Please. Pero  pag mas matimbang pa rin sayo ang babae mo, Tutal alam ko naman na dika kayang iwan ni mama, aalis ako. Babalik rin ako pero ihanda mo na mga sagot mo.”

Tumalikod na ako.

Nagsimula na akong naglakad pero may gusto akong sabihin pa.

Nagsalita ako nang hindi lumilingon.

“Pa, bukas aalis ako ah. Pero sana pagbalik ko yes ang marinig kong sagot pag tinanong kita ng ‘Pa do you love me?’ kasi nung last time na tinanong ko yan sayo ang sagot mo ‘I don’t have time to answer silly questions.’  Pa, I love you.”

At ayun umalis na ako.

Bukas aalis ako.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

thanks for reading,:)

please vote and comment.

The Reason Behind His GOODBYETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon