Hay! Isang lingo din akong hindi nakabisita kay Rence ah.
Kaya naman ngayon, bibisitahin ko siya.
Pagdating ko dun sa puntod niya, may nakasindi nang kandila at isang bouquet ng bulaklak.
“ui, may dumalaw na pala sayo. Siguro si Girlfriend mo yun. Uist. Swerte mo naman kahit patay ka na may ngmamahal pa rin sayo.”
Na upo na ako…
“alam mo, ok na ako. Feeling ko nakamove on na ako. J”
“hindi ko rin alam kung bakit eh. Basta sinabi nalang ng isa kong kaklase na iba yung tawa ko. hindi ko rin napansin nung una. Hahaha. Pero oo totoo. Ambabaw nga nung mga jokes nila pero sobra akong nakakatawa. Alam mo nirecord ko nga yung tawa ko para mapakingan mo. hehehehe.”
At ayun nga plinay ko na nga.
Oo, iba talaga yung tawa ko kanina.
Parang sobrang saya.
“alam mo ba kung bakit ganyan nalang yung tawa ko? kasi ang topic namin kanina eh kung paano ba mapapabilis ang paggaling nung hiwa ng mga nanganganak.may nagsabi na may feminine wash na daw na betadine. Tapos sabi naman nung isa, may sabon daw na amoy bayabas. Sabi naman nung baklang kaklase ko baka naman daw feminine wash na guava flavor. Hahahaha. Nakakatawa naman diba.”
Kung si Ralph makakarinig nito kahit hindi nakakatawa yung joke, tatawa pa rin siya. Tas sasabihing…
“bunch naman ang babaw mo”
Tas tatawa siya ng tatawa tapos may pahimas ng tiyan effect pa siya.
Hahahahhaahaha.
“alam mo ba, pag naaalala ko na yung ex ko, hindi na ako umiiyak. Tumatawa nalang ako. Oo naka move on na nga ata ako. Salamat sayo ah.”
Tatayo na sana ako ng may naalala ako.
“oo nga pala, last day na namin sa school kanina. bakasyon na. mejo late nga lang. nga pala nga pala 3rd death anniversary mo na bukas. Ngtataka ka ba kung bakit ko alam na bukas ang death anniversary mo? nasa lapida mo kaya. Tiyaka hindi ko talaga makakalimutan. Anniversary din kasi namin yan ni ex ko eh. Sige alis na ako. ”
Naglakad na ako.
Nang makarating ako sa gate ng sementeryo nakita ko si Tita Rita. Yung mama ni Ralph.
Bat kaya siya nandito.
Nilapitan ko siya.
“Hi po tita. Kamusta po kayo?”
Ngumiti siya.
“Ok lng naman ako. Ikaw? Binisita mo ba ulit lolo mo?”
“ah hindi po. Yung kaibigan ko po.”
“ai ganun ba? Bakit siya namatay?”
Mejo natawa naman ako sa tanong ni tita pero pingilan ko na muna.
“ah. Hindi ko rin po alam eh.kasi po hindi ko naman po talaga siya kilala. Wala po kasi akong mapagsabihan ng mga problema ko nun eh kaya po siya nalang. Hehe. Kayo po ano pong ginawa niyo rito?”
“wala may binisita lang ako.”
“ah. Oo nga po pala, may kilala po kayong Rence Madrid? Kasi siya po yung kaibigan ko po na sinasabi ko eh. Kasi po parehas kayo ng apilyido.”
Kumunot bigla noo niya, pero saglit lang.
Ngumiti ulit siya bago sumagot.
“… ah, oo. Gayle, pumunta ka sa bahay bukas, may konting handaan. Sige maauna na ako ah.”
At ayun nga umalis na siya.
Pero teka, kilala niya daw si Rence. Ah baka naman pamangkin.
Siguro nga.
Pagka-uwi ko sa bahay, nilog-in ko na account ko sa FB.
Uhmmm. May FB kaya yung Rence na yun?
Matignan nga.
Search for people, places and things
Ngsimula na akong magtype.
Rence Madrid
Loading…
Loading…
Loading…
Aist! Ang bagal naman ng net!
Bukas ko na nga lang tignan.
“Gayle anak,baba kana! Kakain na tayo.”
Tawag sakin ni lola.
“ah sige po.”
Tapos bumaba na ako.
Saglit lang ako kumain.
Tas umakyat na ulit ako ng-ayos tas humiga na.
Hindi ako makatulog kaya naman tinititigan ko lang ang kisame ng kwarto.
“ano kaya itsura ni Rence? Sana naman Makita ko pamilya niya. Bakit kaya siya namatay?”
Yan ang mga tanong sa isip ko.
Pano kaya kung ako yung Girlfriend niya?
Alin kaya mas madali yung magmove on ka dahil iniwan ka pero buhay pa siya o iniwan ka dahil namatay na siya.
Ikaw, alam mo kung ano mas madali?
Ako, di ko alam eh.
Parehas namang masakit diba.
Naman! Ang dami kong iniisip. Psh!
Makatulog na nga.
Pero seryoso, hindi kaya nabaliw yung Girlfriend ni Rence nung malamng namatay na siya?
Ako nga, buhay pa si Ralph pero kamuntik nang mabaliw, yung namatay pa kaya.
Hay nako buhay.
Matutulog na talaga ako.
I need to look fresh!
Malay mo lang maantig pa si Ralph sa kagandahan ko, tas ma-in love ulit siya sakin.
Hahahah. Joke lang naman.:)
Pero seryoso, kinakabahan ako para bukas.
BINABASA MO ANG
The Reason Behind His GOODBYE
Non-Fictionwould you want to know the reason behind his goodbye? would you accept his reason? will you forgive him?