"Magandang umaga" bati ni Ate Selya saakin.
"Goodmorning Ate" nakangiting tugon ko, "Ano hong almusal?" sambit ko.
"Nagprito lang ako nang hotdog at itlog tsaka ako nagsangag" Ani ni Ate Selya.
"Ganoon ba, halika sabayan mo ako" Paanyaya ko sakanya.
"Naku hija! huwag na at kumain na ako kanina pa" Habang inaahinan ako nang pagkain.
"Salamat ate, nasaan nga pala si mommy at daddy?" Tanong ko, wala kasi sila ngayon wala din silang pasabi dahil sa nangyari kagabi hindi ko na sila pinasok sa kwarto, ugali ko kasing humalik bago matulog. "Naku! Miss Hanya hindi ko kasi alam, hindi ko natanong pero maaga silang umalis gusto mo bang tawagan ko ngayon?" Ani nito, "Hindi na ako nalang ang tatawag sakanila, thank you." siya nama'y nag lakad papunta sa kusina.
Natapos na ako sa pagkain umakyat ako at naligo, pagkatapos kong magayos nag paalam na ako kay Ate Selya, hindi ko na inantay ang sagot niya dahil nag mamadali ako.
Habang nagmamaneho naalala ko ang nangyari kagabi, napakasakit hindi pa alam ni Mommy at Daddy ang nangyari saamin ni Hugo.
| FLASH BACK |
"Hi babe, sorry nalate ako nang 5mins ang tagal naman kasi matapos yung discussion ni Ma'am Aja" nakangusong sabi ko.
Tumitig lang siya saakin, biglang may kung anong pakiramdam na gustong kumawala sa dibdib ko. Kinakabahan ako.
"Babe?" Tanong ko.
"Hanya.." Sambit nya, walang kalaman laman.. Walang pakiramdam, napaka lamig.
"Babe? May nangyari ba?" Tanong ko, naguguluhan ako ano bang nangyayari.
"M-Mag hiwalay na tayo.."
Natulala ako, nananaginip ba ako? tama ba tong narinig ko? bakit? Mahal ko anong nangyari? Naluluhang ngumiti ako sakanya, sa apat na taon bakit parang napaka dali saiyong bitawan ang salitang iyan.
Bakit? gusto kong sambitin ang salitang iyon, ngunit alam kong mahihirapan lang sya ipaintindi sakin kung bakit. Tumingin ako sakanya nang may nangingilid na luha sa mata.
"Huwag ka magsasalita, hayaan mo lang akong tignan ka nang limang minuto." Ani ko habang pinipiga ang mga kamay.
Hindi siya sumagot, batid kong pumayag siya kaya tinignan ko ang mapupula niyang labi, bilugang mata, matatangos na ilong at magandang pustura, 6'0 ang height nang lalaking ito. Nag aaral sa Luisana International School, matalino. Ano nga bang karapatan ko para pigilan sya sa desisyon nya? Hindi ako nararapat para sa lalaking ito, hahayaan na kita mahal ko.. Maraming salamat sa pagmamahal hindi ka nag kulang.. Baka ako ang nag kulang..
Tinignan ko siya at saka tumalikod upang mag lakad papalayo, gusto kong alamin ang dahilan niya pero hindi ko na ninais pang itanong, masyado na kong mahina para makinig pa sa sasabihin niya. Naramdaman ko ang pag hakbang niya para bang gusto niya akong habulin..
Lumabas ako nang restaurant na iyon at hindi na lumingon pa, lumapit ako sa aking sasakyan at nagmaneho nang mabilis. Hindi ko alam kung paano ako nakarating sa bahay ang naaalala ko lang ay madaling madali akong makaalis sa lugar na iyon.
Agad akong umakyat saaking kwarto blanko ang aking isipan pinilit kong magisip pero wala talagang pumapasok saaking isipan, at hindi ko namalayang nakatulog na pala ako
|END OF FLASHBACK |

BINABASA MO ANG
NARAHUYO
RastgeleSa mundong magulo at mapaglaro, hindi mo masasabi kung sino ang nakalaan para saiyo.