Wants
Julienne Mari's POV
"M-Mari..Happy Valentines Day! U-uhm..nag-bake nga pala ako ng cookies para sayo kagabi—"
"Thank you." I looked at him directly in his eyes which made him blush. Hindi ko alam kung dahil sa kilig ba o dahil sa lamig ng mga mata kong nakatitig sakanya.
Nahihiya siyang yumuko at lumakad palabas ng classroom. Ipinatong ko ang binigay niyang box sa sa gilid ko kasama ng iba pang natanggap ko ngayong araw. Alas tres na ng hapon, last breaktime na at hindi ko parin alam kung paano bibitbitin palabas ng eskuwelahan ang lahat ng ito.
Ibinaling kong muli ang tingin ko sa binabasa kong romance novel habang nakaupo ng mag-isa dito sa classroom. Hindi naman ako bitter, pero hindi ko kailangan ng date dahil sapat na ang mga pinakamamahal kong libro.
Oo, NBSB ako. Senior highschool na ako pero heto ako, walang karanasan maski sa pakikipag-date man lang. Hindi naman din strict ang parents ko. Pero pagdating sa pakikipagrelasyon, wala akong gana dahil na rin siguro sa taas ng standards ko sa kakabasa ko.
Nang dumating ang uwian, isinilid ko sa malaking paper bag na dala ko ang lahat ng regalo sa akin. Rinig na rinig ko ang usapan ng mga babae kong kaklase sa likuran ko.
"Itong si Mari na naman ang humakot ng lahat ng atensyon."
"Hayaan mo na. Masyadong nagmamaganda eh, pinapaasa ang mga manliligaw para madaming mahuthot na regalo—"
Nilingon ko ito at tinignan ng matalim. Kaagad siyang umirap at niyaya ang mga kaibigan na lumabas na.
Napabuntong-hininga nalang ako. Alam ko naman na dahil kinakaya-kaya nila ako dahil hindi kami ganun ka-yaman. My mom is a housewife while my dad is an accounting clerk. I am also a scholar since elementary hanggang ngayon na senior high na ako dahil consistent top student ako ng batch namin. I got the privilege to be a top scholar so I grabbed it, sayang din kasi.
"Hello, Dad? Opo tapos na ang klase ko." Kipkip ko ang cellphone sa aking balikat habang tuloy padin ang pag-aayos ko sa paperbag ng mga regalong natanggap ko.
"Okay, anak. I'll meet you at the parking lot..or do you want me to fetch you on your classroom?"
"Huwag na, Dad. Kaya ko na. I am not a preschooler you know. " I rolled my eyes heavenward.
He chuckled at the other end of the line, "Julienne, alam ko na naman ang sitwasyon mo. Alam kong marami ka na namang gifts galing sa admirers mong hindi mo man lang tinatapunan ng tingin—"
"Dad, I am nice to them! I said thank you after they hand me the gift." I heard him laugh again.
"Okay, sweetheart if you say so. See you in a bit."
"Love you, Dad." I smiled warmly as if he could see me.
Hindi ko napagkasya ang lahat kaya nilagay ko ang ibang non-food sa locker ko sa likod na parte ng classroom. Binuhat ko ang paperbag at lumabas na. Damn, this is quite heavy. It will be a 3 minute walk to the parking lot.
I remained my cold expression on my face despite the stares I receive from my schoolmates. I learned through books to not trust so easily, and to ignore the bad words they say to me. Wala akong kaibigan, there are kind people around me, though, but nobody knows me beyond my full name because of my trust issues.
"Hi, Mari! Happy Valentine's Day! Do you need help?"
I glanced at my classmate, Jian, our ever helpful class president. He's not hitting on me though, he's just really kind hearted to everyone.
YOU ARE READING
Chasing Julienne
RomantizmJulienne Mari Salazar - the girl with so many achievements in life. Everything she wants just falls on the palm of her hands. Not until she met her match and realizes she needs to chase him to be truly happy. (this story is slowly updated, please be...