7

91 2 0
                                    

"Rise and shine baby girl!"

Isang bwan na rin silang magkasama sa iisang bubong, isang bwan na ring walang connection si Sarah sa pamilya nya matapos ang gabing 'yon.

6AM na. Nakapagbihis na si Sergius at inaayos na ang kanyang necktie habang ginigising na si Sarah. Uminat naman na si Sarah.

"Nakapagluto na ako ng breakfast. Kain ka na para makapagayos ka na."

Nakita ni Sarah na nagaayos si Sergius ng necktie. Tumayo na sya at sya na ang nagayos ng necktie ng asawa.

"Aba, mukhang good mood."

Nang matapos ni Sarah ang pagaayos nya ng necktie ng asawa ay hinatak nya ang necktie para mahalikan nya si Serg.

"Uy? Bacon and Eggs ang breakfast." Pagkatapos nun ay lumabas na si Sarah.

Sergius was left dumbfounded, last month pa kasi ang labing labing moment nila eh.

Nakangiting bumaba na si Sergius. Nakita naman nyang kumakain na si Sarah sa kitchen.

"Baby Girl! Aalis na ako!"

"Oy!!!"

Bumalik si Sergius sa kusina nang tawagin sya ni Sarah.

"Bakit?"

Lumapit si Sarah at binigyan na ulit ng isa pang halik si Sergius.

"Goodluck kiss, exam ko na mamaya eh."

Tatalikod na sana si Sarah para bumalik sa pagkain...

"Goodluck kiss, meeting with board mamaya eh." Dinip ni Sergius si Sarah at another passionate kiss.

-

Ganadong ganadong nagexam si Sarah. Afterwards ng exams nila ay inannounce na kung saan ang internship nila.

"Davao?! Seryoso 'to Sir?! As in Davao?!"

"Nagulat nga rin ako, hindi ko inaasahan na may ipapadala sa Davao, eh andami namang mas malapit na hospitals dito."

"Wala na bang iba? Yung tipong NCR lang po."

"I'll check and see if I can put you somewhere, but for the meantime, Davao na muna."

--

Literal na umuwi si Sarah na butata...

Davao? Sa isip nya para sa kabilang panig ng mundo ang Davao. Paano na si Sergius? 3 months din ang internship nya doon.

Pagkasara nya ng pinto ng bahay pagpasok nya...

"Bakit late ka na? 9PM na." Nagulat si Sarah nang magsalita ang kanyang asawang prenteng prente ang pagkakaupo sa sofa, habang nakataas ang mga paa, kumakain ng popcorn at nanonood ng The Da Vinci Code sa HBO.

"Nagannounce pa kasi ng internship destination kaya medyo OT."

Naupo si Sarah sa tabi ng asawa at nakikain sa popcorn na kinakain nito.

"Sa Davao ang destinasyon ko. Medyo badtrip, pero gumagawa na ng paraan prof ko."

"Davao?!"

"Oo. Ang layo di ba? Pwede namang sa PGH ako madestino, sa OsMak, sa Fabella, or kahit sa anong hospital around Manila. Nakaasar talaga, sa dina daming lugar sa Pilipinas sa Dav-"

Nahinto sa pagsasalita dahil pinatikom sya ng halik ni Sergius.

Maya maya ay naging sensual ang kanilang halikan. Napahiga na si Sarah sa sofa habang si Sergius ay nasa top.

Their kisses were growing deeper and deeper. Napahawak si Sarah sa batok ni Sergius. Sergius' hands were roaming around Sarah's body. He unbottoned Sarah's top, nakasando na lang si Sarah.

Since Sergius was already in his Sando, madaling naitaas ni Sarah ang damit ni Sergius. Dinaanan ng kanyang mga daliri ang abs ni Sergius, ang mabatong muscles, at ang makinis na balat nito.

Their pleasure were growing...

Hinanap ni Sarah ang butones ng pants ni Sergius. She successfully unbottoned the pants' button, nang hinahanap na nya ang zipper. Napatayo agad si Sergius.

"What? What's the problem?"

"Oops. Momo lang. Bawal pag below the belt." Mapangasar na sagot ni Sergius habang isinasara ang kanyang pants.

"Pambitin ka eh..."

"Tsaka na pag graduate ka na. We'll make 6 babies oara gagawing basketball team ni Ikee."

Napairap na lang si Sarah. Kinuha na nya ang mga gamit nya at umakyat sa kwarto nila para makapagpalit na.

"Muntikan na yun ah..." bulong ni Sarah sa sarili habang nagbibihis na.

"Kumain ka na b-" hindi alam ni Sergius na nagpapalit na ng damit si Sarah from taking her bath, kaya naman nakita nya ang whole back ni Sarah. Napapasok naman si Sarah ng di oras sa cabinet, pero too late, nakita naman na sya ni Sergius.

"Lumabas ka!!!"

"Sorry!" At patakbong lumabas si Sergius. Pinagpawisan sya sa nakita nya... kanina Make-Out Make-Out lang, pero baka matuloy sa Wonderland ang lahat kapag hindi nya napigilan ang sarili nya.

Nagmadali nang nagbihis si Sarah at imbis na kakain pa sya sa baba ay nawalan na sya ng gana kaya nahiga na lang sya.

Narinig nyang kumatok si Sergius sa pinto. Pero dahil sa hindi sya sumasagot, pumasok na lang si Sergius.

"Baby Girl... Kumain ka na ba? Nagluto ako kanina ng Sinigang. Kumain ka na. Sasabayan kita."

Nakatalukbong lang si Sarah.

"Sorry na Baby Girl. Hindi ka kasi naglock ng pinto eh."

Nanatiling tahimik lang si Sarah.

Hinatak ni Serg ang kumot.

"Pagod ako Serg." Finally, nagsalita din si Sarah.

"Sige tulog na tayo..." humiga na si Sergius at inakap si Sarah.

"Sarah... May problema ba?"

Sa una ay hindi nagsalita si Sarah, hinarap lang nya si Sergius.

"In 3 weeks, start na ng internship. Paano na yan? 3 months ako doon."

Hinawi ni Serg ang buhok ni Sarah.

"Syempre, mamimiss kita... Wala akong Baby Girl in 3 months? Nakakabaliw ata yun."

"What did you liked about me? Bakit ba kahit anong kamalditahan ang ipakita ko sayo, hindi mo pa rin ako iniiwan?"

"Yun nga din ang palagi kong iniisip. Ano bang nagustuhan ko sayo? Why am I still hanging on to you? Eh pwede naman akong tumakbo at magahanap ng iba, yung tanggap ako, yung tanggap ang arranged marriage na 'to... pero hindi ko talaga alam... Pero hinihila ako papunta pa rin sayo."

Mr.Conservative meets Ms.CarefreeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon