8

80 1 0
                                    

4 na gabi na halos hindi umuuwi si Sergius sa bahay nila ni Sarah. Nagaalala na rin si Sarah dahil sa bawat tawag nya kay Sergius ay puro "Busy kasi dito sa office. Maraming kailangang tapusin." Ang sagot ng kanyang asawa.

Halos hindi na rin nya naabutan minsan kung sasaglit umuwi si Sergius dahil may pasok sya.

Isang sabado ng umaga nang mapagpasyahan nya puntahan at bisitahin na lang nya ang kanyang asawa sa opisina nito.

Nagluto sya ng sangkatutak na pagkain- Beef Steak, Garlic Buttered Chicken, at Meatballs spaghetti.

Masayang inihanda ni Sarah ang mga pagkain atsaka sya umalis.

Sakay ng taxi ay nakarating din si Sarah sa tapat ng building ng kumpanya na pagmamay-ari ng pamilya nila Sergius.

"Excuse me. I'm Sarah Co, asawa ni Sergius." Bungad ni Sarah sa receptionist.

"Yes ma'am! Good afternoon po ma'am. Kilala ko po kayo. 24th floor po ang office ni Mr.Sergius." masayang sagot naman nung attendant.

Inihatid sya ng isang attendant papunta sa elevator. Nagpasalamat sya bago sya makasakay.

Pagdating sa 4th floor ay tahimik ang buong floor. May isang reception table lang ang nandoon para sa secretary at ang pinto na sa tingin ni Sarah ay ang mismong opisina na ni Sergius.

Since wala namang secretary sa table nya ay pumasok na sya sa loob.

"I love you."

"What the-"

Naputol sa pagsasalita si Sergius nang madiskubre nyang nandoon si Sarah at nadatnan ng kanyang asawa ang kasalukuyang sitwasyon nya.

"Sarah... Wait. I can explain!" Itinulak ni Sergius ang kanyang sekretary at hinabol si Sarah na tumakbo na papalabas.

"Sarah!! Wait!! Babe!!"

"Don't BABE me! Hayop ka!"

Wala nang mapupuntahan si Sarah kaya naman hinarap na nya ang asawa nya.

"Sarah, it's not what you think. Please let me explain." Pagmamakaawa ni Sergius sa asawa nya.

"B******t Sergius!! Hindi ako pinanganak kahapon para hindi ko maintindihan ang nakita ko!"

"Sya ang nanguna! Nagulat na lang ako nang bigla nya akong akapin! Please, makinig ka naman Sarah... Please."

"T*****a Sergius. Nagalala ako sayo for 4 days. Nageffort pa. Tapos yun ang maabutan ko? Sabagay, gawa ng malanding panahon."

"Please Sarah... Don't be like this." Sinubukang akapin ni Sergius si Sarah, pero itinulak sya ni Sarah papalayo at nang dumating din ang elevator ay pumasok sya at hindi nya hinayaang makasunod pa sakanya si Sergius.

Umuwi si Sarah sa bahay ng pamilya nya, at ang naabutan nya doon ay ang Kuya Ikee nya.

"Kuya?"

Walang lumabas na salita mula sa bibig ni Ikee, ngunit isang mahigpit na akap na lang ang ibinigay nya sa kanyang nakababatang kapatid.

"Sorry kuya."

"I know... I know... Kasalanan ko rin naman. Ako din naman ang may kasalanan. Sorry bunso ha. G**o si kuya."

"I love you kuya."

"I love you too Bunso."

Matapos ang madramang tagpo ng magkapatid ay si Ikee mismo ang nagluto ng dinner nila.

Mr.Conservative meets Ms.CarefreeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon