I woke up this morning with a very heavy and aching head... Don't know what happened.
Nandito ako sa bahay ko (ng family ko), nang ihatid ako ni Sergius dito ay pinauwi ko sya sa bahay nya, aba may sarili syang bahay tapos dito sya makikitulog? Ano sya?! Lucky?!
Lumabas na ako ng kwarto at tumigil na muna sa mezzanine.
"Good morning Mrs.Co!!!"
"Anong ginagawa mo dito!?!?!?!"
"Malamang pinapasok ko." Sabat ni Kuya na bigla na mang sumulpot.
Inirap ko ang mga mata ko at tuluyan nang bumaba.
"Ang aga aga nagsusungit na kaagad?" Sabay batok sakin ni kuya.
"Makabatok?!" Angal ko tapos hinatak ko patilya nya.
Nagpunta na lang ako sa kusina para makakain na, pupunta na lang ako sa mall nang hindi ko makita mga pagmumukha nilang lahat.
Kasalukyang nagsasalin ako ng cereals sa bowl nang pumasok si Sergius.
"Yan lang breakfast mo?" Tanong nya. Hindi ko sya pinansin at tuloy lang ako sa ginagawa ko.
"Kakausapin mo 'ba ako o tititigan lang kita?"
Tinignan ko lang sya habang sinasalin ko ang gatas sa baso.
"Hindi ka talaga magsasalita? Ako lang talaga?"
Tumalikod ako para ibalik sa ref ang gatas. Pagharap ko...
"Ano ba Serg!" 2 inches away na lang ang mukha nya sa mukha ko. Tinulak ko na sya pero ayaw pa rin nyang lumayo.
"Lumayo ka nga!"
This time sya naman na yung hindi nagsasalita. Eye to eye lang ang peg namin.
"Hindi ka lalayo?" Pagbabanta ko sakanya... Sikmuraan ko na kaya 'to?
Mas lalo pa nyang inilapit ang mukha nya. I stiffened. Yung ilong nya tinetrace ang bridge ng ilong ko... I can feel his breathing... yung init ng hiningang lumalabas sa ilong nya. Napapikit ako at napahawak sa magkabilang bewang nya.
Wait, I'm starting to like it?
I opened my eyes and nakita kong nakapikit na rin si Serg.
I pushed him away and there, nakakawala ako. Kinuha ko na lang ang pagkain ko at umakyat sa kwarto... pero nakasunod sya sakin.
Hindi ko kaagad naisara ang pinto ng kwarto ko dahil may hawak ang magkabilang kamay ko kaya nakapasok din si Serg.
"Lumabas ka nga!" Sigaw ko sakanya. Ibinaba ko ang pagkain ko sa may center table ng sofa set ko.
In-on ko ang TV at pinakita kong wala akong pakialam sakanya.
Humarang sa TV si Serg.
"Pakyu ka. Tumabi ka, wag kang epal."
Maya maya ay luminga linga sya at nakita nya ang plug ng TV at tinanggal nya sa saksakan ang plug.
"Nambubwisit ka ba talaga? Ha?" Nakakapanginit ng dugo! Umagang umaga may pakealamero na kaagad.
Sinarado nya ang blinds ng mga bintana at lumapit sya sa switch ng ilaw at pinatay yun kaya naman dumilin sa kwarto ko at sabay nilock nya rin ang pinto ng kwarto ko.
Kinakabahan na ako dahil baka may gawin 'tong abnormal kong asawa.
Nakatingin lang ako sakanya. Nakatitig lang din sya sakin. Bumalik sya sa harap ng nakapatay na TV at nagcross arms.
![](https://img.wattpad.com/cover/16701786-288-k689670.jpg)
BINABASA MO ANG
Mr.Conservative meets Ms.Carefree
RomanceYung lalakeng mas dinaig pa ang babae sa pagiging Maria Clara dahil sa sobrang conservative... at Yung babaeng mas malala pa sa lalaking happy-go-lucky... Yung tipong GGSS.Go lang ng Go, Sabak lang ng sabak... Hanep lang di ba?