10

39 0 0
                                    

The next morning, I woke up next to Sergius. I was expecting to be naked, pero nakasuot ulit ng maayos sakin yung robe.

Napaluha ako. Napaka-gentleman talaga ni Sergius. Wala akong masabi sakanya. Hindi ko din expect na ganto kahaba ang pasensya nya sakin.

Sobra sobra na ang mga kamalditahang ginawa ko, pero si Serge... he never gave up on me.

Am I being too harsh?

Nagiging masama na ba akong tao? Na inspite na sobra sobra na yung pagaalaga sakin ni Serge, I'm still demanding for a divorce?

My point of having a divorce is to hurt my parents... pero tama si Sergius. Dahil sa gusto kong masaktan ang parents ko, nadadamay sya.

Am I worthy of this man?

Itong lalaking to na handang ibigay sakin ang mundo para lang mapasaya ako? Jusko! Hindi kita deserve Sergius. Sobrang bait mo. You are too good for me. May mas deserve ka dyan na babae. Hindi katulad ko, siraulo, impulsive, gaga, tanga, at matigas ang ulo.

But how can I let go of this man?

Attached na ako.

Sobrang attached na ako sakanya.

How?

I caressed his face, na ikinagising naman nya yun.

"Good morning... my world." At kumurba ang ngiti sa kanyang mga labi. Tumayo sya at inabot nya ako para mahalikan.

Gulong-gulo ang isip ko. Sobra! How can I run away from this man?

"Serg..."

"Tara... maligo ka na. Aalis tayo."

Napakunot noo ko. Grabe tong lalaking to ha... kakagising pa lang aalis na kaagad.

"Saan tayo pupunta?"

"Basta... surprise. Ako na ang bahala. Just wear comfortable clothes."

At hayun, iniwan na nya ako dito sa kwarto at lumabas na sya.

Saan kaya kami pupunta nun?

Nang pumasok sa CR, tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Grabe ang glow ko ngayon... ASG. Pero hindi pa rin talaga ako makapaniwala na binalutan pa rin ako ni Serg ng robe after what we did last night. Sya na ang may pinakamalaking respeto sa babae sa buong mundo.

After ko'ng maligo ay dumiretso ako sa walk in closet ko para magbihis. Comfortable clothes... bbyahe ata kami ah.

Nag-shorts and shirt lang ako, paired with my loaffers, tapos isang sling bag na maliit lang ang dala ko.

Pagbaba ko ng hagdan ay nagiintay na si Sergie sa sala... may katex ata.

"I'm ready."

"Ah... good! Tara na."

"Saan ba kasi tyo pupunta?"

"You'll see" at yun na... lumabas na kami ng bahay at nagpunta sa garahe at sumakay sa sasakyan nya.

Pagsakay ko pa lang ay nakita ko na na puro maleta at bag sa likod.

"Seriously Serg, saan tayo pupunta?"

"Shhhh" at nakangiti syang sumagot sakin.

Nang makaalis kami ay hindi ko na sya ginulo sa pagtatanong ulit. Pero... nang makita ko yung signage na "THIS WAY TO TERMINAL 1" at nakita ko ang ramp ng skyway papunta airport.

"Aalis tayo ng bansa?"

"Yup!" At hayun na nga... pagdating namin sa airport, may sumalo na chauffer sa sasakyan at may nagbaba ng mga maleta namin at sila na din mismo ang nagdala papasok nun sa airport.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 08, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mr.Conservative meets Ms.CarefreeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon