"Aaaaaaahhhh... Aray ko... Ang sakit ng ulo ko..." nagising si Sarah na parang dinidikdik ang utak nya. Hindi nya maipaliwanag kung paano ang sakit ng ulo nya, sabayan pa ng pananakit din ng tyan nya. Tumayo sya at pagapang na nagpunta ng banyo. Pagkasara nya ng pinto ng banyo ay nakita nya ang sarili nya sa salamin.
Gulo gulo ang kanyang buhok, ang mascarra at eyeliner nya ay nagkalat na at napunta na hanggang sa ilong nya ang kalat na linya.
Matapos sya makapagbanyo ay lumabas sya ulit at bumalik sa kama.
"Rise and shine baby girl!!!"
Bumukas ang pinto ng kwarto at iniluwa noon si Sergius na nakangiti pa.
Napaangat ng ulo si Sarah.
Nang makita nya kung sino ang pumasok ay umirap sya at idinukdok muli ang mukha sa mga unan.
"Wag ka nang magalit baby girl. Tayo ka na dyan. I prepared something for your hangover."
Umayos ng upo si Sarah pero mapait pa rin ang mukha nya towards Sergius.
"Bakit ganyan mukha mo?" Tanong si Serg as he put the tray at the side table.
Hinipo ni Serg ang pisngi ni Sarah.
"Namiss kita. Alam mo ba yun? Halos mamatay ako sa sobrang pagka-miss sayo."
Nakatitig lang si Sarah. Wala pa ring expression ang mukha nya.
"Alam kong napilitan ka lang na pakasalan ako, pero promise, kahit na napilitan lang tayo pareho hinding hindi kita lolokohin. Hinding hindi kita sasaktan. Kasi ikaw yung tipong pinapahalagahan, at hindi dapat sinasaktan."
Kinuha ni Sergius ang magkabilang kamay ni Sarah at hinalikan ito pareho.
"Please, wag mo na akong iiwan ulit. Baka mag-suicide na ako sa susunod."
"ANG OA HA!!! Okay na." Matawa tawang sagot ni Sarah. Napangiti naman na si Sergius.
"No. Seriously. Isa kang malaking kawalan sakin."
"Now, let me ask you. Sino ang mas masarap humalik between me and your secretary?"
"Ano ba Sarah. Walang ganun. I promise! Mabaog man ako walang intimacy na katulad nun ang naganap. I swear, sya ang nauna. Nagulat na lang ako nang bigla nya ako inakap. I swear tinulak ko sya nun pero hindi sya bumitaw. Muntik ko na syang maibalibag, buti na lang at dumating ka dahil baka sa presinto ang diretso ko kapag natuloy yun."
"Ahhhh... Eh bakit mo naman sya ibabalibag? Di ba sabi mo sakin, malaki ang respeto mo sa mga babae? Eh bakit mo sya sasaktan?"
"Kasi, ayokong masasaktan ka sa kung ano man ang makikita at malalaman mo. Siguro nga makakapatay ako kapag may nagpa-iyak sayo."
"Ang sweet."
"Kaya please lang... wag mo na akong iiwan. Please..." at inakap ni Serg si Sarah.
"Baby Girl. Ambaho mo."
Nagtawanan na lang silang pareho sa loob ng kwarto. Okay. Settled na ang lahat back to LOVE LOVE LOVE na silang pareho.
---
Nakarecover na sa hangover si Sarah at nakasalampak lang sya sa sofa, nanonood ng KBS World The Return of Superman.
"Sheet! Ang cute talaga ng Lee Twins! Grabe din ang Song Triplets oh!"
"You want to have triplets?" Nakiupo na rin naman at nakinood na si Sergius.
BINABASA MO ANG
Mr.Conservative meets Ms.Carefree
RomanceYung lalakeng mas dinaig pa ang babae sa pagiging Maria Clara dahil sa sobrang conservative... at Yung babaeng mas malala pa sa lalaking happy-go-lucky... Yung tipong GGSS.Go lang ng Go, Sabak lang ng sabak... Hanep lang di ba?