"Hi, ako nga pala si Sergius... Ako yung nagdala dito sayo sa hotel na tinutuluyan ng Kuya mo..."
"Ang mapapangasawa mo..." dagdag pa ni Kuya...
"Teka lang ha... Saglit lang, hold it, pause it, freeze it... Kelan pa ako ikakasal? Sino ang may sabi? Bakit hindi ko alam? at Bakit siya pa?"
"Teka lang din Sarah, dala mo ba utak mo? Baka nakalimutan mo nanaman..."
"Kuya , you know me kapag seryoso ako at kung kelan ako nagbibiro. Now, tell me honestly, totoo ba ito? at kung totoo nga, sino ang may pakana nito?!"
"Si mameh" nagmamadali pa at walang kaabog pa na sagot ni kuya.
"Si Mameh?! Pak shyet kuya... Bakit ako?! Bakit hindi ikaw?!"
"Simple, kasi lalaki si Sergius."
"Ikaw na lang!!" pagpupumilit ko pa.
"Lalake sa lalake? Ok ka lang?!"
"Eh bakit nga ako?! Tsaka bakit na lang biglaang nandito kayo?!"
"Pinapasundo ka ni mameh..."
"Excuse me, Sergius. I just would like to know something... Why are you here? with my kuya?"
"I'm here to take my future wife home."
"What the?! Agree ka sa kasunduang yun?! Hibang ka na ba?! Are you on drugs?!"
"No I'm not. I just would like to... Since I'm already 27, I guess tama nga silang kailangan ko nang magkapamilya at makakasama sa pagpapatakbo g kumpanya, so when they brought up to me about this arranged marriage, pumayag na ako."
"So papayag ka na lang sa kung anong gusto nilang ipagawa sayo? Wow, meron pa palang mga taong walang sense of direction in life. Eto, mark my words. HINDI. KITA. PAPAKASALAN. and that is final! Excuse me lang, but i need to go to find Kyle." patayo na sana ako dahil nga sa magwawalk out na sana ako ng biglang...
"Wag mo nang hanapin yang Kyle na yan... dahil wala na sya, umalis na sya ng bansa... Wala talaga sya dito sa Davao."
"Ano?! No way!!" Ano?! Si Kyle my labs wala na dito sa bansa?! Kyleeeeeeeeeeeeeeee!!!
"Yes way Sarah."
Dire-diretso na akong lumabas ng hotel, tinawag ako nila kuya, pero di ko na sila pinansin pa... Kailangan kong makita si Kyle... Kailangan ko syang tanungin... Kailangan nyang malamang mahal na mahal ko sya at pinipilit nila akong ipakasal sa iba. Alam kong hindi ito palalampasin ni Kyle, I know he will do something about thiz, hindi sya makakapayag kapag nalaman nya.
Agad akong pumara ng masasakyan papunta sa hotel na tinutuluyan ko. Nang makarating ako ay agad kong inempake ang mga gamit ko at wala nang inaksaya pang oras at pumunta na sa airport...
Tinawagan ko ang lahat ng pwede kong mapagtanungan kung nasan sya... Pero sa katangahan ko, hindi ko man lang inunang tawagan ang number ni Kyle.
Nakaalis na ang eroplano at saktong 3 ng hapon lumapag ang eroplanong sinasakyan ko sa NAIA.
Pagkalabas ko ng airport ay agad kong tinawagan ang number ni Kyle..
Kyle, please... sagutin mo ang tawag ko... I need to talk to you...
"Hello?"
"Kyle?!?!?!"
"No, this is Belle. Kyle's fiance..."
Parang tumigil ang oras at umikot lang saakin ang camera... Parang sasabog ang puso at ang utak ko sa narinig ko.
"No, this is Belle. Kyle's fiance..."
"No, this is Belle. Kyle's fiance..."
"No, this is Belle. Kyle's fiance..."
Agad kong pinatay ang cellphone ko...
Wala na ako sa sarili ko.
Naibagsak ko ang mga gamit na dala ko sa lapag. Isang kamay naman ang pumatong sa balikat ko.
"Sergie... wala na sya... May iba na sya... " agad na bumuhos ang mga luha sa mga mata ko at hindi ko na napigilan pang mapaakap pa kay Sergius.
Wala na sakin kung paano sya napunta dito gayong iniwan ko sila sa Davao, basta ang mahalaga ngayon ay may dibdib na nagpapasandal sakin, may polo na pumupunas sa mga luha ko, at may mga bisig ngayon na nakaakap sakin para iparamdam na nakikidalamhati sya sakin...
BINABASA MO ANG
Mr.Conservative meets Ms.Carefree
RomanceYung lalakeng mas dinaig pa ang babae sa pagiging Maria Clara dahil sa sobrang conservative... at Yung babaeng mas malala pa sa lalaking happy-go-lucky... Yung tipong GGSS.Go lang ng Go, Sabak lang ng sabak... Hanep lang di ba?