KJK Pov✓
Isang linggo nang nakakalipas simula nung nakipag hiwalay sa'kin si Eun hye. At sa isang linggo na yun sinubukan ko siyang habulin pero ayaw na niya talaga.
Kaya nandito kami ngayon sa cafeteria ng senior high nagla lunch, para makalimutan kona siya, iyon ang suggest ni Haha. Kasi kung doon kami sa cafeteria ng college may posibiliadad na magkita kami..Yes, hindi naman maiiwasan yun pero hangga't maaari ay ako na ang iiwas.
Sa isang linggong yun kasama ko lagi sila Haha,Gary, Jaesuk hyung and Sukjin hyung kumain. Simula kasi nung nalaman nila na hiwalay na kami ni eun hye ay humanap sila nang paraan para icomfort ako.
Madalang lang kami magka sabay sabay dahil sa schedule namin.Besides we're in college na kaya kailangan na namin magtino unlike before chill chill lang kami.
Jaesuk hyung and sukjin hyung ay parehong 3rd year college sa kursong mass communication. Sukjin hyung is a 25 years old while jaesuk hyung is a 23 years old and they have a position in all college department.. Jaesuk hyung is a president and sukjin hyung is a vice president, kaya madalas ay busy talaga sila...
Haha, and I, we're both 2nd year college sa kursong medicine.Yeah were classmates kaya lagi din kami magkasama..While si Gary naman is also a 2nd year college sa kursong related sa music.
Nasa kalagitnaan kami ng pagkain nang may tinawag si Haha. Pagtingin ko sa tinatawag niya yung si parrot pala tsaka si mongi.
"Somin ah, Ji hyo yah" tawag niya habang kumakaway. Lumapit naman yung dalawa.
"Hello, haha oppa, jong kook oppa, hello sa inyo" bati ni somin sa aming lima...habang yung isa ay walang expression na naka tingin sa'kin...
Problema nito isip isip ko..Tinignan ko naman siya ng may nagtatakang tingin, and she rolled her eyes on me.
"hi, I'm yoo jae suk the president of college department, you can call me jaesuk oppa" naka ngiting pakilala ni Jaesuk hyung
"I'm suk jin the vice president of college department, call me suk jin oppa na lang since kaibigan niyo rin naman ang mga kaibigan namin" naka ngiti rin nitong pakilala..and last
"Hi, ahhh I I'm k-kang g-gary nice to meet you" nahihiyang sabi nito habang naka tingin kay ji hyo....So mukhang may isa pang masisiraan dito tskk.. Ngumiti naman silang dalawa...wow totoo ba'to ngumiti siya, isip isip ko sa tingin ko kasi hindi uso sa kaniya yun.
"Ji hyo yah, somin ah sabay na kayo sa'min mag lunch since malaki naman itong table namin" sabi ni haha...
Sasagot na sana si Somin ng may sumigaw ng pangalan ko..
"Jong Kook hyung" pag lingon ko sila Kwang soo, se chan and jong ki, na kumakaway pa.
"Ohhh kwang soo yah, se chan ah, jong ki yah wala ba kayong klase at magkakasama kayo?" tanong ni Jae suk hyung..
"Wala hyung, may meeting daw yung mga teacher ng senior kaya maaga kami mag lunch ngayon." sagot ni joong ki, the youngest among us.
"Edi sumabay na din kayo sa amin para madami tayo" masayang sabi ni haha ng may biglang tumikhim.
"ehem, sa tingin ko hindi na kami sasabay ni somin, since masyado na kayong madami baka hindi na rin tayo mag kasya" seryosong sabi ni Ji hyo...
" No, ji hyo yah, mas maganda kung sabay sabay na tayo para naman mag kakila- kilala naman tayo, malaki pa naman kayo eh" naka ngiting sabi ni Jae suk hyung...
"O- oo nga j-ji hyo yah, mas madami mas masaya" sabi naman ni gary...
"Sige na unnie, since tayo lang naman lagi nagla lunch dalawa eh" pakiusap ni somin, napa buntong hininga naman si ji hyo tsaka sumagot.