Somin's Pov✓
"Yahh Se chan ah, ready na ba para mamaya" tanong ko habang kausap sa phone. Lunch na at hanggang ngayon wala paring update.
Nandito kami ngayon ni Ji hyo unnie sa cafeteria, kaming dalawa lang sa ngayon dahil yung mga boys ang nag aayos. Kumakain na kami at hanggang ngayon di parin niya ako pinapansin dahil siguro ang akala niya ay di'ko naalala na Birthday niya. Dahil sa ayaw ko naman na hindi niya ako kinakausap ay ako na mismo ang kumausap sa kaniya.
" Unnie" kalabit ko pa sa kaniya. "Hmm?" "Bakit mo ba ako hindi pinapansin ha? Sorry na kung nahuli namin kayo kanina ni Jin hyuk na mag kayakap" sabi ko pa. Sinamaan naman niya ako nang tingin.
"Really Jeon Somin?" inis na sabi niya pa tsaka nag patuloy ulit sa pagkain. Matatawa na sana ako sa reaction niya buti na lang napigilan ko sarili ko. Syempre alam ko naman na hindi iyon yung dahilan ba't hindi niya ako pinapansin."Eh bakit nga?" pa inosenteng tanong ko pa. "Wala, kumain kana mahuhuli pa tayo sa klase" mataray na sabi nito, kaya nag patuloy na lang ako sa pagkain gaya nang sabi niya.
Habang naglalakad kami pabalik sa classroom namin ay tahimik parin siya at deretso lang ang tingin.
"Unnie, pwede mo ba ako samahan mamaya?" tanong ko habang naka kapit sa kaliwang braso niya.
"Saan?" seryosong tanong niya
"Doon lang sa likod ng High School building"
"At ano naman ang gagawin mo dun?" tanong pa nito, kaya nag isip naman ako nang pwede ko idahilan.
"Ahh si hyun-min may i-importante kasi siya s-sasabihi sakin?" sabi ko habang nauutal utal..Hyun-min is my boyfriend and one year and a half na kami pero hindi ko alam kung bakit ayaw na ayaw sa kaniya ni Unnie kaya nahihirapan ako maki pagkita sa kaniya lagi."Ayoko" tipid na sagot niya..Hayst bakit pa kasi iyon ang dinahilan ko eh. "Sige na unnie please last na talaga to" pag mamakaawang sabi ko pa sa kaniya habang nakakapit parin sa braso niya.
" A-YO-KO TAPOS" sabi niya pa, pag sinabi niya talaga na ayaw niya ayaw niya.JI HYO'S POV✓
Pabalik na kami sa classroom namin nang maki usap si Somin sa'kin na samahan ko siya mamaya. Papayag na sana ako pero nung sinabi niya na ang pupuntahan namin ay si Hyun-min ay bigla nagbago ang isip ko. Ayoko sa lalaking yun, hindi ko alam pero wala ako tiwala sa kaniya. Feeling ko masasaktan lang si Somin sa kaniya, kaya hindi ako pumayag.
Malapit nang matapos ang klase, at nang sa wakas ay natapos iyon ay akin ng iniligpit ang mga gamit ko ng makita ko ang dalawang paper bags. Hindi nga pala namin nakain ni Somin ito at ng mga boys dahil nawaglit narin sa isip ko. Nang lumingon ako kay Somin ay nag aayos parin siya kaya nilapitan ko siya kaagad nang matapos ako sa gamit ko.
"Somin uuwi kana ba kaagad? Kain muna tayo may baon ako!" tanong ko dito...Tumingin naman sa'kin ito ng may malawak na ngiti "Sure unnie di muna ako uuwi. Pero sumama ka muna sa'kin okay" sabi nito tsaka tumalikod at madaling iniayos ang gamit niya. Huwag niya sabihing isasama niya talaga ako doon sa hyun-min na yon.
Nag lalakad na kami ni Somin sa hallway ng building namin nang tumunog ang cellphone niya.
"Unnie wait lang sagutin ko lang ito" sabi niya tumango naman ako, tsaka siya lumakad palayo kung saan di'ko maririnig ang pag uusapan nila. Tsk sino ba yun para lumayo pa siya tsaka wala naman ako balak makinig lalo na kung yung hyun-min lang din na yun.
Sumandal muna ako sa railing at nag- antay nang almost 5 minutes. Pagbalik niya sobrang laki ng ngiti niya na halos umabot na sa tenga niya. Anong problema ng babaeng ito, isip- isip ko.
"Anong problema mo at ganiyan ka makangiti?" naguguluhang tanong ko. "Wala, Unnie let's go na" yaya nito sa'kin habang naka kakapit pa sa braso ko.
"Huwag mo sabihing si Hyun-min ang kausap mo kaya ganiyan ka maka ngiti?" tanong ko dito. "Basta unnie tara na anong oras na oh" sabi pa nito habang hinihila ako, na muntikan ko ng ikadapa." Somin, bakit kaba nag mamadali masyado? Siguro naman makaka pag-antay yang boyfriend mo no!?, Kapal naman ng mukha niya siya na nga itong nagpapunta sayo e" tuloy tuloy lang na sabi ko, ngunit hindi naman niya 'ko pinapansin hanggang sa huminto kami may punong malaki sa may likod nang high school building. Magrereklamo pa sana ako nang may lumabas sa likod ng puno....Ay doon naka tayo at kumakanta ang mga lalaking akala ko ay walang alam kung anong meron ngayon. At hindi lang yun naka suot din silang lahat ng party hat at lumapit sakin si Kwang soo at isinuot sa'kin yung isang party hat.
"1-2-3 go"
"Saengil chukha hamnida
Saengil chukha hamnida
Saranghaneun Song Ji Hyo
Saengil chukha hamnida 2x" At sa pangawalang pagkakataon ay mas lalo nila nilakasan ang pagkanta na dahilan upang mag tinginan yung ibang dumadaan.Tsaka lamang ako bumalik sa ulirat ko nang isa-isa silang lumalapit sa'kin na may dalang lobo na may hugis puso.
"Happy Birthday Ji hyo yah"
"Happy Birthday Noona"
"Happy Birthday Mong Ji hyo" bati nila sa akin. Hindi ko naman alam ang sasabihin ko dahil hanggang ngayon ay hindi ko parin alam ang sasabihin ko.."Unnie, tara kain na tayo"hila sa akin ni Somin.
"Noona, bakit ganiyan mukha mo? Hindi kaba masaya?" tanong sakin ni Se chan. Tumingin naman silang lahat sakin,tsaka ako ngumiti sa kanila.
"No Se chan nah the truth is I really don't know what to say. I'm speechless, akala ko kasi hindi niyo naalala" sabi ko sa kanila. Ngumiti naman silang lahat sa'kin at nakipag group hug. Dahil ako ang nasa gitna nilang lahat, kung baga naka pabilog silang lahat sa'kin ay ako yung kawawa lalo nang mas lalo nilang hinigpitan ang yakap. Napa sandal naman ako sa nasa harap ko, kaya amoy na amoy ko yung pabango niya. Pag taas ko nang tingin para tignan kung sino ay nagsisi ako na sana pala hindi kona tinaas ang ulo ko. Sa sobrang lapit ng mukha namin ni Jong kook oppa na naka tingin din sa akin.
"Groupp Huggg" sigaw nila..Makakahinga na sana ako ng maluwang nang luwagan nila ang yakap akala ko tapos na. Pero na bigla ako sa lalo nung bumalik sila para higpitan pa yung yakap, kaya lalo akong napa hawak kay Jong Kook oppa na dahilan pa para magdikit ang aming katawan at konti na lang talaga ay magdidikit narin ang mga labi namin. Buti na lang talaga bumitaw na sila sa yakap, kaya naka hinga na talaga ako ng maluwag.
"Unnie bakit namumula yang mukha mo?" tanong ni Somin dahilan para tumingin yung iba.
"Are you sick Ji hyo yah" jaesuk oppa asked me with worried face.
"No oppa, okay lang ako." sabi ko sa kanila tsaka ngumiti para maniwala sila. "Sigurado ka ahh" tanong pa nito kaya tumango n lang ako."Jong Kook hyung, bakit ang pula din ng mukha mo?" tanong naman ni Haha Oppa. Napatingin naman siya sakin kaya umiwas agad ako ng tingin. Uhhh ang awkward bigla ng atmosphere.
"Uhmm I don't know just shut up" yun lang sinabi niya..Nang kakain na kami ay tumayo ako nang maalala ko yung paper bag na bigay sa'kin ni Jin hyuk at Eomma tsaka ko inilapag sa table.
"Wow! Noona saan galing yan mukhang masarap ahh" nasasabik na sabi ni Joong ki. Natawa naman ako sa kaniya.
" Ito pinabaon sa'kin ni Eomma at ito naman bigay sa'kin ni Jin Hyuk" sabi ko habang naka ngiti.
"Ahhh yung kayakap mo ba kaninang maga yung Jin Hyuk?" tanong ni Kwang soo na may halong pang- aasar. Magsasalita na sana ako nang si Somin na ang sumagot.
"Yes, Oppa si Jin hyuk yun kaibigan namin since high school" sabi nito.
"Talaga, so bakit kayo mag kayakap kanina nung makita namin kayo" tanong naman ni Joong Ki yah na seryosong naka tingin sa'kin. Bakit ba ang seryoso bigla nito.
Sasagut na sana ako nang tumayo naman si Jong Kook oppa sa upuan niya.
" Hyung san ka pupunta?" tanong ni Haha oppa.. "Restroom" sagot nito. Kaya nag patuloy na lang ako sa pagpapaliwanag kung bakit ganun yung nadatnan nila kanina.*******************************
Good day everyone!
Let's support Haha Oppa for his new mv and also the Running Man🏃🏃♀️🏃♂️ Thank You and Godbless!
Ps. Hindi kona po lalagyan ng title per Chapter 😊