Kelsey's Point of View
It's the usual tiring day.
Classes, managing Saving Daylights, practices, Coffee Bloom. Hindi pa nakakatulong na stress ako ngayon kasi hindi pa rin kami okay ni Dex.
I mean nakakausap ko na siya, narereplyan ko na ang messages niya kaya lang hindi ko pa siya nakakausap nang matino katulad ng dati.
Kung kailan kasi ako nagkaroon ng lakas ng loob saka naman ako nawalan ng oras.
Kinandado ko ang pinto ng cafe at nag-unat. The day has finally ended.
Makakahiga na ulit ako sa kama ko.
Pero halos mapatalon ako nang mapansin ko na may taong nakatayo sa gilid ng cafe. Bumilis ang tibok ng puso ko sa kaba. Wala na kasing tao dito. Paano kung masamang tao pala 'to? Walang makakarinig sa akin kapag sumigaw ako.
"Sino 'yan?"
At nang tumapat na sa liwanag ay namukhaan ko na si Dex. Kasi naman sa dinamirami ng pwedeng paghintayan, doon pa niya naisip sa madilim.
Napahawak ako sa puso ko at nakahinga nang maluwag.
"Akala ko naman kung sino."
"Sorry, did I scare you?" Lumapit siya sa akin nang kaunti. "Baka kasi may makakita. Mahirap na."
By that alam kong ako lang ang iniisip niya. Mahirap na... mahirap na kapag may nakaalam.
"Kanina ka pa d'yan?" tanong ko.
"Hindi naman. Kakatapos lang din ng practice namin. Dito na ako dumiretsyo."
Dahil wala naman masyadong tao dahil malapit na ang curfew, naglakad kami ng sabay. Umupo kami sa isa pinakagilid at pinakatagong bench around the student's park at nagkwentuhan.
Nagkwentuhan ng mga nangyari sa amin ngayong araw. Nagkwentuhan tungkol sa mga bagay bagay kahit wala na ngang sense.
I love moments like this. 'Yung ang gaan lang sa pakiramdam. Wala masyadong iniisip.
Stressful man ang araw ko ngayon, dahil lang sa nakausap ko siya pakiramdam ko bawing bawi na.
It would've been nicer if we could do this freely. If only we're under different circumstances.
"Kung pwede lang laging ganito," I said out of the blue which made him stopped.
Napangiti siya at yumuko. "Pwede naman," bulong niya.
Natahimik kaming dalawa. Dapat pala hindi ko na lang sinabi ang sinabi ko. Gusto naman niya kasi na 'wag na 'to gawing sikreto. Ako lang naman 'tong umaayaw.
"Tara!" Malakas niyang sabi at tumayo saka inabot ang kamay sa akin. "Malapit na curfew. Balik na tayo."
Tinanggap ko ang kamay niya. Pero nang makatayo na ako ay binitawan na rin namin ang kamay ng isa't isa.
"Paano? Dating gawi?"
By dating gawi, ang ibig sabihin ay maghihiwalay na kami para pumunta sa kanya kanya naming dorm. Dulo dulo kasi ang dorm ng boys sa girls.
Tumango ako at nagpaalam na kami sa isa't isa. Pero bago tuluyang makalayo ay tinawag niya ang pangalan ko kaya umikot ako para harapin siya.
"Are you free this weekend?" tanong niya.
"Yes. Wala naman silang practice and hindi ko shift. Bakit?"
Ngumiti siya nang kay lapad at tumango. "I'll take you somewhere."
BINABASA MO ANG
And They Say...
Teen FictionMelody is a dreamer. Gusto niyang gumawa ng sarili niyang pangalan. Kaya kahit maraming tutol ay sinunod niya pa rin ang pangarap niya. She entered Concordia Academe - a school for dreamers like her; a school for those who want to be a singer, a dan...