Track 5: Are we friends?

86.8K 2.5K 2.1K
                                    


Melody's Point of View


Sino ba 'to?

Gusto kong itanong 'yon kaya lang hindi ko magawang magsalita. Baka mas magalit pa siya sa hindi ko malamang dahilan. Ayoko naman na may makaaway ako. Gusto ko lang maging peaceful at masaya ang buhay ko dito.

"Why aren't you – "

"Stop it, Ysabella." Mas lumapit sa amin si Jarvis at pinatigil 'ang babae. Napabuntong hininga siya at kinamot ang gilid ng noo niya. "She's not even saying anything. Stop attacking her."

Umabante din si Dex at tinuro ako. "Kami ang lumapit sa kanya."

"Is it true then?" taas kilay na tanong ng babae at saka ako tiningnan mula ulo hanggang paa. "You're in a relationship with – "

"Hindi ko alam bakit big deal 'to sa mga tao dito," putol ni Dex sa sinasabi ng babae at saka ako inakbayan. "Ni minsan ba sa buhay niyo hindi kayo nakakita ng babae at lalaki na magkaibigan?"

"Friends? With all of you? Wow. Coincidence lang ba? She's friends with both bands."

"It's possible, Ysabella. Huwag niyo 'to gawing big deal."

"Katrabaho siya ni Kelsey," singit ni Leo at nginitian 'yung babae. "Magkaklase din kami pati sila ni Jarvis sa ibang subjects. Wala siyang boyfriend ni isa sa amin. Kaya chill ka lang, Bella. Sige ka, magkaka-wrinkles ka niyan. Ganda ganda mo pa naman."

"Shut it, Leo," irap sa kaniya ng tinawag nilang Ysabella or Bella.

Tumingin ulit ang babae sa akin at kahit wala siyang sinasabi, kinikilabutan ako sa gusto niyang iparating.

Wala naman akong ginagawang masama. Hindi naman ako ang lumalapit sa mga 'to. Umiiwas na nga ako para iwas na rin sa issue pero ganito pa rin pala ang mangyayari.

"You won't even say anything?" she asked, obviously irritated.

I gulped, still speechless. Wala pang umaaway sa akin bigla kaya hindi ko alam kung ano ang sasabihin. "Uhh..."

"Seriously?"

"She doesn't owe anyone any explanation, Ysabella," Jarvis sighed but still careful with his tone.

Sasagot pa sana 'yung Ysabella nang mag-unat si Chord at nagsimula nang maglakad. "Ang labo niyo. May mapag-usapan lang talaga. Tara na, Dex!"

Ilang segundo lang din magbuhat nang maglakad palayo si Chord ay sumunod na si Dex. Pero bago 'yon ay ginulo niya ang buhok ko at sinabihang huwag pansinin ang sinasabi ng ibang tao.

Nang makalayo na ang dalawa ay tiningnan ko 'yung tinawag nilang Ysabella pero naglalakad na rin siya palayo. Nakatingin lang ako sa kaniya nang magsalita si Leo. "Huwag kang matakot doon. Hindi naman siya mataray."

Tinitigan ko lang siya kasi seryoso ba? Hindi pa ba mataray sa lagay na 'yon? Paano na lang pala kapag nagtaray na? Ano na lang mangyayari?

Natawa si Leo sa naging reaksyon ko. "Okay. Mataray siya pero hindi ka naman dapat matakot sa kanya. Hindi naman nangangain ng tao 'yon."

I don't know if his statement should make me feel better. Kasi kung oo, hindi effective.


***


"So," simula ni Kelsey at inilagay ang tray sa counter. Tiningnan ko siya sandali bago ibalik ang sukli ng customer na nasa unahan ko.

And They Say...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon