Track 28: Wasn't Easy

7.7K 281 207
                                    


Melody's Point of View


Hinihintay namin nina Chord at Ingrid ang ibang kaklase at mentor namin nang dumating sa Venice at umupo sa sahig sa harap namin.

Nakangiti siya sa amin, specifically sa akin. Hindi ko alam kung gusto kong malaman ang dahilan ng ngiti niya sa to be honest. Parang may iba siyang naiisip.

"I don't wanna hear about it." Hindi pa man nagsasalita ang bagong dating ay inunahan na siya ni Ingrid at saka isinaksak ang earphone sa tenga niya. Sumandal siya sa salamin at pumikit.

"So..."

Ilang beses ko na narinig 'yan sa kanya. May kasunod 'yang tanong o chismis panigurado.

Lumapit siya nang kaunti at inilagay ang kaliwang kamay sa gilid ng bibig para bumulong. "Where were you last night?"

I knew it! She's asking for confirmation. She already knows the answer.

"Dorm," kibit-balikat kong sagot. Which is the truth, kasi nasa dorm naman talaga ako. But it was also a lie kasi kasama ko si Jarvis. But then again, bakit kailangan kong magsinungaling? "Though I was with Jarvis din."

"Sa dorm?" Gulat na tanong ni Chord kaya inirapan ko siya. Eh 'di pareparehas kaming napagalitan. Damay pa si Ingrid. Bawal nga lalaki sa dorm.

"No, dummy. Tumambay lang kami sandali somewhere saka kami bumalik sa kanya kanya naming dorm."

Venice hummed. "Buti walang nakakita sa inyo."

"It was past midnight kaya wala naman ng tao."

"What?!" Gulat na sabi niya kaya napaatras ako. Nanglalaki ang mata niya pero nang mapansin niya na may ilang napatinign sa direksyon namin ay nagpeace sign siya sa kanila at umusad palapit sa akin. "Akala ko naman wala pang one hour after curfew. You were together that late?"

"In my defense, we lost track of time. And I made sure na okay na siya bago kami maghiwalay," depensa ko sa sarili ko.

Venice sighed and nodded. "Yeah. About that... Thank you. I was about to look for him but I thought he needed some time alone. As his best friend, I should've been there. Kaya I'm really grateful you were there. You did what I wasn't able to do."

"But you comforted him too. Magkaiba lang tayo ng naging paraan. At nabasa ko ang tweet mo. We both know he appreciated that."

"We're grateful to have you as a friend," ngiti niya sa akin na sinuklian ko naman ng ngiti rin. "Anyway, mabalik lang, buti hindi kayo nahuli. At hindi ko alam na may pagka rule breaker ka rin pala. We learn something new every day." Her tone back to teasing this time.

"Swerte mo hindi ka nahuli. Kung sakali, malaking ingay 'yan," iling naman na sabi ni Chord na sinang-ayunan ni Venice.

I knew it naman.

Narealize ko lang 'yon nang makabalik na ako sa dorm. 

Sa lahat ng gulong kinasangkutan ko dito sa Concordia, baka ayon ang maging pinakamalalang headline dahil na rin sa nilabag namin ang curfew. Masabihan pa akong bad influence ng mga fans niya.

Pero kung ibabalik ang oras, pupuntahan ko pa rin siya kahit lagpas curfew na. It'll be worth it knowing that I made him feel at least a bit better.

"Kaya 'wag ka nang maingay d'yan, Venice," biro ko sa kanya dahilan para mapasimangot siya.

"To be fair, wala namang nagsabi sa akin. Sadyang magaling ang instinct ko." Sumenyas pa siya ng parang pogi sign. "Kausap ko kasi si Leo to check on Jarvis kasi hindi na nga nagrereply pero sabi niya nagpaalam daw na magpapahangin lang. Tapos kachat ko rin si Ingrid kagabi kasi hindi ka nagrereply. Sabi niya lumabas ka nga raw. Kaya kung tutuusin, ikaw ang nagsabi sa akin na magkasama kayo."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 25, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

And They Say...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon