Melody's Point of View
"Welcome to Venice's Buzz!" ngiti sa amin ni Venice.
Dahil Choreography ang last class naming tatlo ngayong araw at wala akong duty sa coffee shop, sumama sa amin si Venice pabalik ng dorm. Sa Building A kasi kami ni Ingrid dahil doon ang dorm ng mga nasa Drama Department habang siya naman ay sa Building B kung saan naman nagdodorm ang mga nasa Dance Department.
Nakahiga ako sa kama habang si Ingrid naman ay nakadapa at nakapangalumbaba sa kama niya habang pinapanood si Venice na pabalik balik ng lakad sa harap naming dalawa. Para siyang magbibigay ng presentation sa ayos niya ngayon.
"May mga bagay pa rin kayong hindi maintindihan sa academy? May mga chismis kayong gustong malaman? Mayroon akong mga sagot d'yan! Tamang tama kayo ng nilapatan. Venice Moretti, Concordia's resident chikadora, at your service." Nagbow pa siya pagkatapos ng mga sinabi niya. "Any questions?"
Itinaas ko ang kamay ko at game na game naman siyang tinuro ako. "May narinig ako kanina. About Ysabella and the Saving Daylights. Are they friends?"
Natawa si Venice at pumalakpak. Naghikab naman si Ingrid at umikot para humiga. "This is boring."
"Sort of," sagot ng aming resident chikadora as what she calls herself. "Kelsey and Ysabella were high school classmates and they are pretty close. And since Kelsey became super close sa Saving Daylights to the point na naging manager siya, in a way, parang naging friends na rin si Ysabella sa iba. They are friends but you can't say na super close sila."
"Aren't you Jarvis' bestfriend?"
"Yup. We're childhood bestfriends since our parents know each other. Then nakilala namin si Aiden at Leo noong high school sa Kingdom High tapos si Kelsey this college."
"How about Ysabella? Aren't you close with her?"
Natawa na naman si Venice at umupo sa upuan sa tapat ng study table ko. Napagod na ata.
"We're fine. Hi's and hello's lang. I tried to get close to her but... I don't know. Parang hindi lang kami magvibes? She'll approach me first when I'm with the guys but if hindi ko sila kasama, wala. Parang it's always me who has to make a move para lang maging close sa kaniya so nevermind. I'm good."
"Huh? But it's you who made a move para maging close sa amin."
"That's different. I like you both! I can feel na super real kayo."
I feel flattered na ganoon ang tingin niya sa amin. And I'm happy that she likes us. Venice is a good friend, a nice company. Without her, our life here would be dull.
"Anyway, next question?"
Nagtaas ulit ako ng kamay kaya pumalakpak ng dalawang beses si Venice saka ulit ako itinuro habang si Ingrid ay sinabihan akong chismosa saka lumapit sa study table niya para maglaptop. Hindi siya interesado sa pinag-uusapan namin obviously.
"I heard something about rumors. May nagsabi na dahil nakitang magkasama ang Saving Daylights at si Ysabella, bumabalik na naman daw ang rumors. What's that... uhh, rumor?"
"Ah, that," she sighed. "May umaaligid kasing balita na may boyfriend si Ysabella sa isa sa Saving Daylights. Most think na si Jarvis ang boyfriend niya."
Si Jarvis?
Well if looks ang basehan, bagay nga sila. Isang sobrang gwapo at isang sobrang ganda. Hindi malabo na totoo ang rumors. Sabi nga nila, walang usok kung walang apoy. Kaya may pinanggalingan ang balitang 'yon.
BINABASA MO ANG
And They Say...
Teen FictionMelody is a dreamer. Gusto niyang gumawa ng sarili niyang pangalan. Kaya kahit maraming tutol ay sinunod niya pa rin ang pangarap niya. She entered Concordia Academe - a school for dreamers like her; a school for those who want to be a singer, a dan...