Melody's Point of View
Nasaan kayo? May ginagawa kayo? Gusto niyo manood ng practice?
Tiningnan ko si Ingrid pagkatapos kong basahin ang message ni Dex. Mukhang kakatapos lang din niya basahin ang message pero hinagis lang niya ang phone niya sa kama at saka nagpatuloy sa pagbabasa.
Natanggap nga kaya niya ang message?
"Punta ka ba?" tanong ko sa kaniya.
"Huwag na. Magyayabang lang 'yon. Ilang beses ko na sila napanood."
I chuckled and nodded. Typical Ingrid.
Dahil hindi pupunta si Ingrid, syempre hindi rin ako pupunta. Anong gagawin ko doon kung sakaling wala siya? Baka maawkwardan at ma-out of place lang ako. Kung nandoon si Ingrid, at least may kasama ako.
Magrereply na dapat ako kay Dex nang may dumating na bagong message galing sa kanya.
Let's eat after. Treat ko.
"Okay, let's watch," sabi ni Ingrid na kakabasa lang din ng message. "Punta tayo mamaya. Tapusin ko lang dalawang chapters."
Of course. Of course, she'll go. May treat eh. Again, typical Ingrid.
***
Hindi pa kami nakakapasok ay may naririnig na akong tunog ng gitara. Hindi naman nakakabuo ng kanta. Halatang sinasadya lang mag-ingay.
Habang mas lumalapit kami ay mas umiingay at sumasakit din sa tenga ang gitara. Bakit ba kasi hindi nakasara ang pinto ng practice room nila? Kaya nga ginawang soundproof ang karamihan ng practice room ay para hindi sila makaistorbo sa iba. Anong silbi ng pagiging soundproof nito kung hindi naman nakasara ang pinto?
Sayang lang.
Huminto si Ingrid sa paglalakad kaya maski ako ay huminto rin.
"Bakit?" tanong ko.
"Parang nagbago na ang isip ko. Parang mas okay kung huwag na lang tayo manood," iritang sagot niya. Halatang naiingayan na rin siya.
Kung ayaw niyang manood okay lang naman. Sasagot pa lang sana ako para ayain na lang siyang kumain kaya lang biglang huminto ang naggigitara at lumabas si Dex sa practice room.
Nginitian niya kami at lumapit.
"Too late," buntong hininga ni Ingrid.
"Tamang tama ang dating niyo. Magsisimula na kami! Sinabi ko na sa kanila na may manunood ngayon."
"Ayoko ng manood. Nagbago na isip ko. Aalis na kami. Bye," diretsyong paalam ni Ingrid at tumalikod na.
Kaya lang ay hindi siya nakalayo dahil bago pa siya makahakbang ay hinawakan na ni Dex ang braso niya.
"Nandito na rin naman kayo. Panoorin niyo na kung gaano kami kagaling."
"You should've not told him we were with Saving Daylights last time," harap sa akin ni Ingrid na para bang suko na siya sa buhay. "Hindi matatahimik 'to ngayon hanggang hindi niya napagmamalaki na mas magaling sila."
"Bakit ako?!" turo ko sa sarili ko.
Nananahimik lang naman ako dito ako pa ang nakita. Well, okay, kasalanan ko nga na nalaman ni Dex 'yon pero hindi ko na kasalanan kung mataas pride niya kaya gusto niyang ibida rin ang banda nila.
BINABASA MO ANG
And They Say...
Teen FictionMelody is a dreamer. Gusto niyang gumawa ng sarili niyang pangalan. Kaya kahit maraming tutol ay sinunod niya pa rin ang pangarap niya. She entered Concordia Academe - a school for dreamers like her; a school for those who want to be a singer, a dan...