Melody's Point of View
Nakaupo ako sa may likod ng counter habang wala pang masyadong tao ang nagpupunta sa cafè. It's Sunday noon kaya karamihan ng estudyante ng Concordia ay nasa kani-kanilang bahay pa o 'di kaya ay nasa galaan. Habang ako, ito, stuck sa trabaho.
I'm humming and tapping my fingers on the counter to keep myself from sleeping when the bell rang. I looked up and saw Leo, Aiden and Jarvis enter the coffee shop.
"Yo, Melody!" kaway ni Leo.
"Nasaan si Kelsey?" tanong naman ni Aiden at dinudungaw pa ang pintuan ng staff room.
Para namang naramdaman ni Kelsey na may naghahanap sa kaniya kaya bigla siyang lumabas sa staff room. Nang makita nga lang niya ang tatlo ay naglakad siya paatras pabalik sa staff room pero pinigilan siya ni Jarvis bago niya pa tuluyang maisara ang pinto.
"Wala ang seniors kaya hindi pwedeng kaming tatlo lang ang magpractice. Wala kaming drummer and bassist," reklamo niya dahilan para mapairap si Kelsey.
"May trabaho pa ako. Mamaya pa tapos ng shift ko. Mapapagalitan ako ng magulang ko kapag umalis agad ako."
"We'll wait," pursigidong sagot naman ni Aiden.
Napabuntong hininga si Kelsey at nagpamewang. "Kaya kong sagutin ang drums pero paano ang bassist?"
Natahimik ang tatlo sa naging tanong ni Kelsey. Dalawa ang hinahanap nilang proxy at isa lang ang pinuntahan nila. Ineexpect ba nila na hahatiin ni Kelsey ang katawan niya para lang magampanan ang dalawang role?
Hindi ko rin talaga alam minsan sa mga 'to.
Inilipat ko na lang ang atensyon ko sa pag-aayos ng mga gamit sa counter. Paling paling kasi at lalong napaling dahil natutulak ni Leo unconsciously ang ibang gamit.
When I'm done arranging those things, I noticed that the four are too quiet. Kaya nang tingnan ko sila ay nalaman kong nakatingin din sila sa akin.
What did I do this time?
Huwag lang nilang sabihin na may kung ano na naman na issue tungkol sa akin kasi pwede bang pass muna?
"Uhh, bakit kayo nakatingin?"
"Help us. Be a proxy," diretsyong sagot ni Jarvis. "Be our bassist for the day, please?"
"I would love to help," sagot ko dahilan para mapangiti sila kaya lang nawala 'yun nang ituloy ko ang sinasabi ko. "But I don't know how to play the guitar."
They all groaned and Leo even let his forehead touch the counter.
It would be nice if they asked me how to play first. Nag-alok kasi bigla kaya ayan. Ayoko man silang madisappoint kaya lang kusa silang nag-expect kahit nananahimik lang ako.
Expectation leads to disappointment, they say.
Naramdaman ko ang pagvibrate ng phone sa bulsa ng apron ko kaya tiningnan ko 'yun. It's a text from Ingrid.
I'm going back now. Are you sure you don't need anything from your house?
Ah, oo nga pala. Umuwi si Ingrid ngayon sa kanila para kumuha ng ibang gamit at para na rin makita pamilya niya. Samantalang ako, ito, stuck pa rin sa trabaho. Pero wala man akong trabaho ngayon baka hindi rin naman ako umuwi. Gustuhin ko man, pakiramdam ko masyado pang maaga. Baka magtalo lang kami ng parents ko. Pipilitin lang nila akong umalis sa academe.
BINABASA MO ANG
And They Say...
Teen FictionMelody is a dreamer. Gusto niyang gumawa ng sarili niyang pangalan. Kaya kahit maraming tutol ay sinunod niya pa rin ang pangarap niya. She entered Concordia Academe - a school for dreamers like her; a school for those who want to be a singer, a dan...