Melody's Point of View
"Hey, look. Isn't that Chord?"
Tumingin ako sa tinuro ni Venice at oo nga. Si Chord nga.
Mag-isa siyang kumakain sa fastfood. Hindi na nakakagulat na mag-isa siya pero bago ata 'to, ha? Nagpunta rin siya ng mall? Naalala ko noong bata pa kami umiiyak 'yan kapag sinasama ng mama niya sa mall kasi napapagod at naiinip daw siya. Tapos ngayon...
Ah. Oo nga pala. Things changed. People change. He changed.
"Should we go say hi?"
"Siguro?" sagot ko kay Venice kaya tumango ito at naglakad na papasok ng fastfood.
"Akala ko ba magpapasama lang siya bumili ng new shoes?" tanong ni Ingrid nang kumapit ako sa braso niya. "Why is she so sociable? I can't count how many people she greeted today. And why do they love to buy shoes lately?"
Tinapik ko na lang nang mahina ang likod niya at kumapit ulit sa braso niya para sundan si Venice.
"Hi, Chord!" kaway ni Venice sa kanya.
Tumigil sandali sa pagkain si Chord at tiningnan kami.
"Walang hello?"
Hindi pa rin nagsasalita si Chord pero hindi nawala ang ngiti ni Venice. Umupo siya sa tapat nito at hinila ang isang upuan sa tabi niya saka tinuro sa amin ni Ingrid. "Sit, guys. Nandito na rin naman tayo kaya let's eat."
I was about to object since we didn't even ask for Chord's permission to share the table with him first but Ingrid is already sitting next to Venice.
Sabi ko nga. Uupo na lang din ako.
I let out a deep sigh and sat beside him.
"I hope you don't mind," ngiti ni Venice.
"May magagawa pa ba ako?"
"May point," tango ni Ingrid at sumandal sa upuan niya.
Natahimik ang table namin. Wala ni isa ang nagsasalita. Si Venice nakangiti at tumatango habang sinasabayan ang tugtog. Si Ingrid ay nakasandal pa rin at nakacrossarms habang si Chord ay nakatingin lang sa pagkain niya pero hindi 'yon ginagalaw.
Akala ko ako lang ang medyo naaakwardan sa ayos namin ngayon nang bigla na lang binagsak ni Chord ang kamay niya sa lamesa. Mahina lang naman pero dahilan pa rin 'yon para mapatingin kami sa kaniya.
"Uupo lang ba kayo?"
Nang hindi kami sumagot ay napakamot siya sa noo niya at tinuro ang pagkain na nasa lamesa. "Hindi ako makakain – "
"You have hands for a reason," Ingrid deadpanned.
"Gusto mo bang pakainin ka pa namin?" tanong naman ni Venice.
Gusto kong i-untog ang ulo ko sa lamesa pero magmumukha lang akong tanga. Bakit ganito ang mga kaibigan ko? Hay nako. Kaya para maintindihan ng dalawa at mailigtas na rin si Chord ay nagsalita na ako.
"Guys, it's a bit awkward sa part niya. Kumakain siya habang 'yung mga kasama niya sa table hindi."
Nagsink in naman na sa dalawa ang gustong sabihin ni Chord kaya tumango sila at nag-aya na magpunta sa counter para umorder.
Hindi rin naman kami nagtagal dahil wala rin masyadong pila kaya pagbalik namin ay kumakain pa rin si Chord. This time nang umupo kami sa pwesto namin kanina ay hindi na siya tumigil sa pagkain.
"Why are you here alone?" tanong ni Venice.
"Hindi ko naman tinatanong kung bakit kayo magkakasama kaya huwag mo akong tanungin bakit ako lang mag-isa."
BINABASA MO ANG
And They Say...
Teen FictionMelody is a dreamer. Gusto niyang gumawa ng sarili niyang pangalan. Kaya kahit maraming tutol ay sinunod niya pa rin ang pangarap niya. She entered Concordia Academe - a school for dreamers like her; a school for those who want to be a singer, a dan...