Track 2: Gallery of Stars

76.9K 2.7K 1.5K
                                    


Melody's Point of View


"Excuse me."

Nasa dorm's lounge kami ni Ingrid nang may lumapit sa amin na isang babae. Napatigil ako sa pagscan sa magazine at tiningnan ang babae habang si Ingrid ay nagpatuloy lang sa pagbabasa ng libro.

"May itatanong lang sana ako." Nginitian at tinanguan ko siya biglang senyales na nakikinig ako sa tanong niya. "Uhh... by any chance are you friends with Saving Daylights?"

Itinagilid ko nang bahagya ang ulo ko at pumikit sandali para magconcentrate. Saving Daylights. Narinig ko na ba 'to? Ano ba 'yun? Parang first time ko lang na-encounter ang word na 'yun.

Wait, is it some kind of a codename?

"Anong Saving Daylights?" tanong ko sa babae nang hindi na kayanin ng utak ko ang pag-iisip.

Her eyes grew wide which confused me even more. May mali ba akong sinabi? Hindi ba dapat ayon ang naging sagot ko?

"Hindi mo sila kilala?!" gulat na tanong niya na tinanguan ko naman. "Pero... kahapon... sa tapat ng dorm... 'yung Saving Daylights..."

Wala akong maintindihan sa sinasabi niya. Itatanong ko pa lang sana kung ano ang ibig niyang sabihin nang may isa pang babae ang lumapit sa amin at woah. She's so pretty. Is she even real?!

"What about them?" tanong ng bagong dating na babae sa babaeng nagtatanong sa akin.

Napansin ko naman na nagulat ang babaeng nagtatanong sa akin at tumingin tingin pa sa paligid. Hindi niya sinagot ang tanong ng bagong dating na babae at mabilis na umalis.

Kumunot ang noo ko at napanguso sa naging reaksyon niya. That's rude.

I shifted my attention to the pretty girl in front of me. She's looking at the girl who just left. Siya, mukhang alam niya kung ano 'yon.

"What's Saving Daylights?" My question caught her attention. Tumingin siya sa akin sandali saka ako inirapan at umalis.

I gasped and looked at Ingrid na hanggang ngayon ay nagbabasa pa rin at walang pakialam sa paligid niya.

"Nakita mo 'yon? Inirapan niya ako," sumbong ko sa kanya pero sa halip na damayan ako sa pagkagulat ay tiningnan niya lang ako sandali at ibinalik ang tingin sa libro.

"Inirapan mo rin sana."

Anong nangyayari? Bakit ang weird ng mga tao? At hindi ba talaga uso dito ang sumagot kapag may nagtatanong?

Siguro maaga pa masyado at hindi sila morning person kaya gano'n ang mga mood nila. Oo. Tama. Gano'n nga 'yon.


***


I opened my mouth in amazement when I reached the Gallery of Stars. It's like a mini museum inside the academe. Nakadisplay dito ang malalaking frames ng mga artists na mayroong malalaking pangalan sa entertainment industry na alumni ng Concordia.

Sobrang dami ng nakadisplay. Isa lang ang ibig sabihin no'n – sobrang dami rin na pangarap ang natupad ng mga estudyante sa eskwelahan na 'to.

"They'll put our photo here someday," bulong ko kay Ingrid. Tulad ko, namangha rin siya sa mga nakadisplay dito.

"Someday," she agreed.

Bukod sa mga frames, nakalagay din ang sobrang daming trophy, certificates at awards na natanggap ng academe. Nakakalula sa sobrang dami.

And They Say...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon