- CHAPTER SIX -
" Alam mo dahil sa itsura mo , di ko akalaing magagawa mo yun." Napapaisip na saad ni Dyllan.
" Talaga? "Ako rin eh . Hindi mo talaga maasahan na sa ganitong ka-cute ay makakagawa ng ganung bagay.
" Oo naman! Pero wag kang mag alala hindi ka naman naiiba dito samin."
" Hai! " Nagulat naman kami dahil sa biglaang pagsulpot nitong tukmol na to.
" Hoy ano ba?!" Pasigaw na singhal ng katabi ko.
" Ayy hihi sorry." Naka-peace sign pang sabi nito at muling humagikgik." Uhm hi! Ash Cole Lee, AC na lang ha. Para cute ."
" Uh hello?"
" So, anong pinaguusapan nyo? Sali ako!"
At yun na nga nasama na siya . Hanggang may naisip akong itopic para dagdag kaalaman na rin.
" Eh kayo? Bakit kayo napunta sa section D?" Isang tanong pero marami na kong malalaman.
" Kami na? Ako kasi sa previous school ko madalas akong magcutting tas nasasangkot rin sa gulo. Hindi naman kasi ako kasali dun pero sinapak ako kaya nakisali na rin ako HAHAHAHAHA, ang ending lahat ng kasama sa gulong yun ay na-expelled kasi malaking kahihiyan daw sa school."kwento ni Dyllan.
" HAHAHAHAHA yung sakin naman eh binugbog ko yung mga kaklase ko! " Sagot naman ni AC na parang proud na proud pa," eh kasi naman ginagawa nilang kalaswaan yung lengwahe namin. Yung 'yamete' nilalaswaan nila kasi ganun daw sa hentai. Tapos nang sinuway ko sila tas narinig nanaman nila akong nagsalita ng yamete pinagtawanan ba naman ako, kaya ayun sa inis ko binanatan ko sila." Nakapout pa nitong sabi. Cute!
Dahil sa nacucutan ako sa kanya ay hindi ko mapigilang mapangiti at pisilin ang mga pisngi nya. Ang cute! Bilugan na singkit na mga mata, chubby cheeks , at pouty lips. Nakikita ko sa kanya si bunso kapag nagpapacute ito kaya hindi ko mapigilang...
" Ang cute mo! " Panggigigil ko.
Hindi ko napansin na samin na pala napunta ang atensyon ng mga kaklase namin. Habang ito namang si AC ay napangiti pa at parang natutuwa pa sa reaksyon ko.
" Aba shempre naman hihi."
At dahil dun ay mas nangigigil pa ko. Ang sarap pugpugin ito ng kiss. Huli na para mapagtanto ko na sobrang lapit na pala ng mukha namin sa isa't isa ni AC na malalaking mata.
" Oh my! Sorry! " Bahagya akong lumayo at natataranta kung anong gagawin. B*s*t nakakahiya! Na carried away lang, patawarin sana ako ng panginoon. T*ng*n* baka isipin nila na bakla ako-- si lan-lan pala." Sorry, sorry talaga!."
Putek hindi ako to! Yung payment ulet na magsosorry.
Napayuko na lamang ako ng magsimulang mag ugungan ang tawanan at kantyawan. Nakakahiya talagaaaa!
Hanggang sa mag uwian ay hindi ako mapakali dahil sa kahihiyan kong ginawa. Naman kasi! Nasanay lang naman ako kay bunso eh. Kasi ganun ang ginagawa ko kay bunso kapag nacucutan ako sa kanya at pinupugpog ko ng halik yung mukha nya. Hindi ko naman inaasahan na muntik ko na pala magawa yun sa iba.
_ ツ _
Umuwi, kumain, naligo, natulog, nagising akong hindi parin mawala sakin yung kahihiyan na yun.
B*s*t! Habambuhay ko na ata tong dadalhin.
Ngayon naman ay papasok na ko at mala zombie kung maglakad sa hallway. Napuyat nanaman kasi ako dahil di ko magawang limutin yung nangyari. Malapit na ko sa building namin ng may biglang tumawag sa akin.
" LOUIE! LOUIE MELAN LENDELLE WAIT!WAIT SABE!!"sigaw ng kung sinong pamilyar na boses.
Huminto lang ako at hindi na nag abala pang lumingon ng mapagtanto ko kung kanino yung pamilyar na boses na yun.
" Wait! Hoooh kapagod!" Ani nito ng makaabot sakin.
Ano naman kayang problema ng babaeng to?
" Hey."
" What do you want?" Cold kong tanong na bahagyang nakapagpitlag sa kanya. Alam kong dapat kaugali ko si bunso ngayon pero hindi ko yun magawa sa babae na to at isa pa wala ako sa mood.
" Uh eh first of all I'm Mickie Gomez. Yung Mickie na IE not Y. Noelle's--"
" Cousin."pagtatapos ko." So?"
" Ehehe. Well uhm, I-I just wanna apologize of what happened. Nakausap ko si Noelle and he said na wala ka naman talagang kasalanan, you just want to help him pero yun yung naabutan namin. K-kung gusto mo, sasabihin ko kay Dean na ibalik ka sa section A, na wala ka talagang kasala--" i cut her off.
" Don't ."
" Huh?"
" Don't you dare do that. You don't need to."
" Bakit?!" Gulat na saad niya," bakit naman ayaw mo? Eh diba mas maganda nga yun? Malilinis na yung pangalan mo. Hindi mo na kelangang pumasok sa section na yo--" kelangan ko.
" It's ok. I'm fine."
I saw a glimpse of amusement in her eyes.
" Owh." Napapantastikuhan itong tumingin sakin at napabuntong hininga pa, tanda ng pagkatalo." Ok... Pero wala ka namang kasalanan eh. Hayaan mo sasabihin ko sa Dean yung totoo. Namisunderstood lang yun."
" That won't change a thing."
Tumalikod na ko at nag umpisa na muling maglakad papunta sa classroom ko. Ngunit napigil iyon ng isang kamay na humawak sa braso ko.
" Fine, fine. J-just take this" tinignan ko kung anong hawak niya at pagkain yun na may drinks pa," please?"
Walang pag aalinlangang tinanggap ko yun. Hindi naman niya kelangang pilitin pa ko eh. Sakto pa nga at hindi ako nakapag breakfast at hindi rin ako nakapag drive kanina.
" Thanks." At ngumiti ako sa kaniya kahit na maliit pero sapat na yun para ipakitang tanggap at nagustuhan ko ang binigay niya. Helloooo? Pagkain kaya to!
Tuluyan na kong nagpatuloy sa pagpunta sa klase at iniwan na siya dun.
MICKIE's P.O.V.
Y naman ganun?
Ang plano ko lang naman sana ay mag apologize sa cute na nerd na yun. Totoo namang cute siya! Pero wala sa plano kong humanga sa kanya.
Yung simpleng pag ako nya kahit di niya kasalanan at pagsasalita na cold at seryoso. Tapos yung pag tanggap niya sa binigay kong pagkain na san baon ko at kakain ko sana sa breaktime mamaya pero binigay ko na lang sa kaniya. And yung simpleng ' thanks' lang. At yung ngiti mga mare! Grabe!
Wala sa oras na hinawakan ko ang pisngi ko nang maramdaman kong parang umakyat ang lahat ng dugo ko dito. At pati na rin ang dibdib ko banda sa puso nang bumilis ang tibok nito.
" Oh my ghad!... I think I'm in-love."
_ ツ _
- END OF CHAPTER SIX -
BINABASA MO ANG
She's The Badboy
RandomSynopsis Blood is thicker than water they say. The question is, how far can you do just because of the love you have for your family? Especially your sibling. Naparusahan na lumipat at tumira sa ibang bansa sa loob ng ilang taon si Louise. Ngunit sa...